|
Itigil ang mapaminsalang
malakihang pagmimina
Enero 7, 2011
Taon XLII Blg. 1 Regular na isyu
|
Ipinagbabawal ng demokratikong gubyernong bayan ang operasyon ng lahat ng mga empresang mapandambong, mapaminsala sa kalikasan at kontra sa interes ng mamamayan at ng kanilang
rebolusyonaryong kilusan. Tampok sa mga ito ang malalaking kumpanya sa pagmimina. Halos
lahat ng mga ito ay 100% pag-aari ng mga dayuhang imperyalistang kumpanya.
Halos lahat din ng mga empresang ito ay may operasyon sa mga lugar na saklaw ng mga base ng
armadong rebolusyonaryong kilusan. Malinaw ang patakaran ng rebolusyonaryong kilusan hinggil sa
mga salot na empresang ito. Dapat patigilin at panagutin sila dahil sa idinudulot nilang kapinsalaan at patalsikin sila sa mga larangan, sona at baseng gerilya at sa kabuuan ng bansa.
Muling inililinaw ang naturang patakaran sa harap na pagbabanta kamakailan ng malalaking
dayuhang kumpanya sa pagmimina na aalis na raw sila dahil sa bumibigat na pagbubuwis sa kanila ng rebolusyonaryong kilusan. Umasta pa ang mga ito kasabay ng mga kasabwat nilang matataas na
upisyal ng papet na reaksyunaryong gubyerno at hukbo na dapat itong pag-usapan sa nalalapit na
muling pagbubukas ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng National
Democratic Front of the Philippines (NDFP) at Government of the Republic of the Philippines
|
|
|
RECENT ISSUES |
March 7, 2004 Regular Issue
Pilipino|
English
Download
|
February 21, 2005 Regular Issue
Pilipino|
English
Download
|
February 7, 2005 Regular Issue
Pilipino|
English
Download
|
January 21, 2005 Regular Issue
Pilipino|
English
Download
|
|
Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.
AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.
|
|