Back to recent violations against the CARHRIHL

SINUMPAANG SALAYSAY

REPUBLIKA NG PILIPINAS
LALAWIGAN NG QUEZON
BAYAN NG SAN NARCISO

Kami sina G. Isidro Renon at Gng. Agripina Renon, mga magulang ni Bb. Aireen Renon na naninirahan sa sityo Baugon, Brgy. San Vicente, San Narciso, Quezon ay malayang nagpapahayag ng mga sumusunod:

Na noong ika-21 ng Enero, 2004, humigit-kumulang sa ika-7:00 ng umaga ay nakiusap ang isang sundalo na isasama si Aireen sa Ajos, Catanauan kung saan naroroon ang kampo ng military;

Na diumano, nakatanggap ng sumbong ang mga sundalo kay Jhun (Pedro) Tejeno, na kasama ng apat na NPA si Aireen ng silabin ang bahay nito sa sityo Kulisan, Brgy. San Juan, San Narciso, Quezon noong Enero 18, 2004 humigit-kumulang ika-7:00 ng umaga;

Na tinutukan at pinadapa ni Aireen ang mga bata, dagdag na sumbong diumano ni Pedro Tejeno;

Na noong Enero 18, 2004, humigit-kumulang ika-7 ng umaga, hindi umaalis ng bahay si Aireen dahil maga ang paa nito;

Na upang mapabulaanan ang akusasyon, pumayag kaming sumama sa kampo;

Na bago dumiretso sa kampo, dumaan kami kay Brgy. Captain Raymundo Carabot. Gumawa si Capt. Carabot ng affidavit sa kagustuhan ng sundalo na sa katunayan ay kusang loob na sumama si Aireen sa mga sundalo at hindi hinuhuli;

Na inimbistigahan si Aireen sa Ajos. Pagkatapos, dinala kami sa Macalelon, Quezon dahil doon diumano nagsampa ng demanda si Jhun (Pedro) Tejeno. Sinundo kami ng mga pulis na nagngangalang Raul Decena at Arsenio (di nakuha ang apelyido), kapwa mga pulis sa Macalelon;

Na noong ika-22 ng Enero, dumating din sa presinto ng Macalelon sina Bunggo at Tayaktak, mga taga-Kulisan, na diumano'y ang mga ito ang testigo ni Tejeno. Hindi natagalan, dumating rin si Jhun (Pedro) Tejeno ngunit hindi naman kinausap ng mga pulis kahit ang dalawang testigo;

Na habang nasa presinto ng Macalelon, hindi nagkaroon ng imbestigasyon kay Aireen;

Na humigit-kumulang ika-2:00 ng hapon, dumating ang ama ni Arieen kasama sina Nobelyn at Anastacio Mahusay, mga tetestigo;

Na ang sabi ng mga pulis ng Macalelon hindi na kailangan ang testigo ni Aireen dahil hindi naman nila saklaw ang kaso;

Na nauna nang umalis kaming mag-ina dahil sinundo kami ng mga pulis ng San Narciso;

Na pagdating sa General Luna ay nilagyan ng posas si Arieen na wala namang sinasabing dahilan;

Na pagdating sa San Narciso ay inalisan din ng posas si Aireen at dinala sa presinto;

Na hindi rin inimbestigahan si Aireen ng mga pulis sa San Narciso;

Na iniwan ko pansamantala si Aireen para kumuha ng pera;

Na pagbalik ko nakakulong na ang anak ko. Kinuhaan diumano siya ng laran na may dalang kapirasong karton na kung saaan nakasulat ang kanyang pangalan, ccase number at kasong robbery;

Na umabot sa labintatlong araw na nakakulong si Aireen;

Na napiyansahan si Aireen noong Pebrero 3, 2004 sa halagang P100,000.00;

Bilang pagpapatunay, kusang loob kaming lumagda ngayong Marso 7, 2004 na walang sinumang nag-utos, namilit o nanakot sa amin.

Lagda:

Isidro Renon Sr.

at

Agripina Pocaan Renon