Annex3: Sinumpaang Salaysay nila Boy Tejeno at Domeng, anak at manugang ng BiktimaMayo 20, 2004Biktima: Paulo "Alot' Tejeno, 54 na taong gulang, may asawa at mga anak. Nakatira sa sityo Libas, Baranggay San Vicente. Pinatay noong ika-25 ng Abril, 2004 Mga Salarin:
Hermen "Boyet" Valiente, naka-kaliber 12 shotgun Eugene "Ogie" Vivar, naka-.357 pistola Jessie Tayaktak, naka-.9mm kalibreng pistola Umaga ng 25 ng Abril, araw ng linggo, pumunta ang biktima, kasama ang asawa sa Kulisan para ibenta at ipatimbang ang kanilang ube. Pagdating sa patimbangan, nagsabi ang may-ari na bukas na lang natin timbangin ang iyong ube. Matapos iyon, nagtong-it ang biktima, hindi nagtagal dumating itong sina Cenon, Hermen, Eugene at Jessie sa tong-itan at agad itong pinaikutan na tinitingnan lang ang biktima at hindi man lang nagbitiw ng salita. Hindi nagtagal umalis ang apat bandang alas-2:00 ng hapon pasalunga (paahon). Pagdaan ng apat sa tapat ng bahay nila Ugoy nagsabi ito na mayroon daw silang kakarnihing manok. Noong alas-5:: na ng hapon, humigit kumulang, sumalunga ang mag-asawa (biktima) dala ang kanilang biniling isda. Pagdaan sa tapat ng bahay ni Ugoy, nagsabi si Ogoy na sumalunga ang apat at nagsabi na mayroon silang papataying manok. Kasunod nito, nagpaalala si Ugoy sa biktima na "mag-ingat ka" baka tambangan ka, bakit ako matatakot wala naman akong kasalanan sa kanila (sagot ng biktima). Tumuloy na sa paglalakad ang mag-asawa, noong nasa bahaging paahon na ng bundok, biglang lumitaw si Cenon at Boyet at agad na pinaputukan si Alot ng hawak na .45 kalibre at de-12 na agad namang nagsabi ang asawa na dapa. Umikot ang biktima na para tangkang tumakbo, ditto na sabay-sabay na pinutukan ng apat ang biktima gamit ang baril na .45 kalibre, .9mm, .357 at de-12. Noong Makita ng asawa na nakabulagta na si Alot sumigaw ito "bakit nyo siya binaril, wala naman siyang kasalanan sa inyo. Hindi man lamang umimik ang apat at sabay na umalis. Umahon na rin ang babae (asawa ng biktima) para ipaalam sa kanyang mga anak ang nangyari at kunin na rin ang bangkay. Sa pangyayaring iyon, nagtamo ng pitong tama ng baril ang biktima. Ang mga baril na ginamit ay:
Ang dahilan sa pagpaslang:
Kahilingan ng mga biktima: Parusahang ng kamatayan ang mga pumatay sa kanilang ama, lalu't higit ay ang may pakana ng pagpatay na si Pedro Tejeno at Nelito "Nene" Tayaktak na may dagdag pang kaso ng pagsusumbong sa sundalo. Sa ngayon ay wala ditto ang apat na pumaslang, ang alam nila ay nasa pangangalaga ng Peace-BDP. |