Katarungan para sa mga sibilyang dinukot at pinatay ng militar
Armando "Ka Ruben" Guevarra Tagapagsalita Narciso Antazo Aramil Command New People's Army-Rizal
Nobyembre 12, 2004
Mariing kinukondena ng Bagong Hukbong Bayan sa lalawigan ng Rizal ang ginawang pagdukot at walang awang pagsalbeyds/pagpatay kina Amador "Vargas" Estanislao, 42 taong gulang, may-asawa at Rolando "Ogie" Dela Cruz, binata, 29 taong gulang, parehong magsasaka. Pwersahan silang dinukot kanilang bahay ng 10 armadong militar na nagpanggap na kasapi ng NPA bandang alas 2:00 ng madaling araw kahapon noong Nob. 9, 2004. Ang kanilang bangkay na parehong may tigalawang (2) tama ng baril sa kanilang ulo at likod ay natagpuan sa Sityo Lawa, Pinugay, Baras, Rizal kahapon ng umaga.
Sinalbeyds ang dalawang inosenteng sibilyan dahilan sa sila'y pinagsuspetsahang ng mga berdugong militar na mga tagasuporta ng Bagong Hukbong Bayan (BHB). Ang mga dumukot at nagsalbeyds sa dalawang sibilyan ay mga pwersang militar na kabilang sa Alpha Coy, 80th Infantry Batallion, NCR Command - Phil. Army na pinamumunuan ni 1st Lt. Mamintal Demapinto at nakabase sa San Isidro, Montalban, Rizal. Upang iligaw ang paghahanap ng pamilya ay itinapon nila ang bangkay ng sinlbeyds nila sa lugar na malayo sa kanilang kampo, sa Baras, Rizal na malapit naman sa kampo ng 59th Infantry Batallion-PA na nakabase sa PHILCOMSAT sa Pinugay, Baras at malapit din sa kampo ng 419th PMG-PNP.
Si Lt. Demapintoay dating miyembro ng 204th Brigade na nakabase sa Isla ng Mindoro at sinanay ng Berdugong si General Jovito Palparan sa mabangis na panunupil sa karapatan ng mamamayan. Tulad ng kanyang dating among si Palparan ay wala itong sinusunod na batas maliban sa karahasan para isakatuparan ang kanilang kontra-mamamayang kampanya ng panunupil sa mamamayan at rebolusyonaryong kilusan. Nais gawin nina Palparan at Demapinto sa lalawigan ng Rizal ang kanilang ginawa sa Mindoro na walang pakundangan lumabag sa karapatang pantao pare lumikha ng teror sa mamamayan.
Ang mga miyembro rin ng 80th IB-NCRC-PA na pinamumuan ni Lt.Col. Ricardo Nepomuceno na direktang pinuno no Demapinto ang may kagagawan sa walang awang pamamaril noong buwan ng Abril 2004 sa mga batang pinaghinalaan nilang miyembro ng NPA na sina Mary Joy Masaca, 14 na taong gulang, Vanessa Ramos, 15 yrs old, Diana Rose Buenaflor, 10 taong gulang at ang kanilang drayber na si Delfin Apiado Jr.
Kinokundena rin naming ang rehimeng Gloria Macapagal Arroyo na siyang nagbigay karapatan kina Demapinto, Nepomuceno, Palparan at sa mga tauhan ng 80th IB, PA na labagin ang karapatang pantao ng mamamayan sa ngalan ng kanilang kontra-insurhensyang programang OPLAN BANTAY LAYA na naglalayong diumano na durugin ang rebolusyonaryong armadong kilusan pero sa katunaya'y pumipinsala at pumapatay sa mga sibilyan.
Pinapaabot din namin ang aming pakikidalamhati sa pamilya nina G. Estanislao at G. dela Cruz. Ipinapangako namin na bibigyan namin ng katarungan ang pagkamatay ng inyong kapamilya. Nananawagan din kami sa mga nagmamahal sa kapayapaan at nagtatanggol sa karapatang pantao sa lalawigan ng Rizal, kabilang na ang lokal na pamahalaan ng Rodriguez, Rizal na tutulan at labanan ang karahasan militar at palayasin ang mga pwersa ng 80th IB, PA habang may panahon pa. Huwag niyo nang hayaan ang 80th IB-NCRC-Phil. Army na gawing "Mindoro" ang lalawigan ng Rizal.
Katarungan sa pagpatay kina G. Amador Estanislao at Rolando Dela Cruz! Katarungan sa lahat ng biktima ng karahasang militar!
Back to top
|