Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Recent Releases Recent statements Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    Pilipino
   

Wakasan ang Pakikialam ng Imperyalismong US sa Patakarang Panlabas ng Bansa

Gregorio Ba�ares
Tagapagsalita
National Democratic Front of the Philippines-Bicol
Hulyo 26, 2004

Kinukundena ng NDF at rebolusyonaryong kilusan sa Bikol ang tahasang pakikialam sa patakarang panlabas at pang-iinsulto ng imperyalismong US sa pag-atras ng Pilipinas ng mga pwersa nito sa Iraq. Ito ay manipestasyon ng arogansya at dominasyon ng imperyalismong US laban sa karapatang magpasya-sa-sarili ng sambayanang Pilipino.

Ang tunay na mapagpasyang pwersa na nagligtas sa buhay ni Angelo de la Cruz ay ang paninindigan ng sambayanang Pilipino. Sa pamamagitan ng masiglang kilusang masa na nilahukan ng lahat ng sektor sa lipunan, naitulak ang papet na rehimeng US-Macapagal-Arroyo na magpasyang pauwiin ang mga pwersa mula sa Iraq kapalit ng pagpapalaya kay de la Cruz. Kaya ang tunay na iniinsulto ng imperyalismong US ay ang ating nagkakaisang paninindigan at lehitimong karapatan bilang mamamayan na igiit ang karapatang magpasya-sa-sarili at maging malaya.

Makatwiran lang na itigil na ng kasalukuyang rehimen ang pagbuntot sa patakarang panlabas ng US at ang pagsuporta nito sa teroristang digma sa daigdig. Ang inilulunsad ng US ay isang teroristang gera laban sa mga aping mamamayan ng daigdig kabilang na ang mamamayang Iraqi, Afghani, at mamamayang Pilipino.

Dapat pangibabawin ng rehimen ang pambansa at demokratikong interes ng sambayanang Pilipino sa interes ng dayuhang monopolyo-kapitalismo. Nangangahulugan ito ng pagwawakas sa di-pantay na mga kasunduan sa pulitika at ekonomya na nagtatali ng bansa sa kontrol at dominasyong ng US.

Ang kasalukuyang patakarang panlabas ng neokolonyal na estado ay nakapailalim sa interes ng imperyalismong US. Sinasalamin nito ang relasyong amo at alipin sa pagitan ng US at ng papet na rehimen ni Macapagal-Arroyo. Dapat nang wakasan ang ganitong hindi-pantay na relasyon at buuin ang isang independyenteng patakarang panlabas.

Magkakaroon lang ng isang independyenteng patakarang panlabas kapag nakamit na ang tunay na pambansang kalayaan at demokrasya sa pamamagitan ng demokratikong rebolusyong bayan laban sa imperyalismong US at lokal na naghaharing uri.



Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.