Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Recent Releases Recent statements Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    Pilipino
   

Pananagutan ng AFP ang Pagkaantala ng Pagpapalaya sa mga Bihag ng Digma

Jose Buenaobra
Spokesperson
Romulo Jallores Command
New People's Army
Hulyo 24, 2004

Kinukundena ng Romulo Jallores Command ang pagmamatigas ng AFP na bigyang daan ang maayos at ligtas na pagpapalaya sa mga bihag na sina 1Lt. Ronaldo Fidelino, Commanding Officer ng Charlie Coy � 42nd IB, at Pfc. Ronnel Nemenio. Ang mga militarista sa rehimeng US-Macapagal-Arroyo at ang pamunuan ng AFP ang masugid na humahadlang sa pagpapalaya sa mga bihag ng digma (POW).

Mababasa sa pahayag ng mga tagapagsalita na sina Lt.Col. Daniel Lucero ng AFP at Col. Serafin Raymundo ng 9th �Orgullo� Infantry Division ang sagadsaring pasista, makitid, at utak-pulburang paninindigan ng AFP. Patuloy silang nagdadakdak na ililigtas ang mga POW sa pamamagitan ng mga �special operations� kahit napatunayang inutil ang ganitong mga hakbang. Napatunayan na ring mas epektibo at mas ligtas ang pamamaraan ng negosasyon tulad ng pagpapalaya sa nakaraan sa mga POW na sina Major Noel Buan sa Mindoro at Major Bernal sa Sorsogon.

Salungat sa diwa ng tunay at pangmatagalang kapayapaan ang militaristang tindig ng AFP. Inilalantad nito ang huwad na pagpoposturang �para sa kapayapaan� ang AFP. Patuloy itong tumatangging makipag-negosasyon sa CPP-NPA-NDF na inaakusahan nitong �terorista� upang paigtingin ang teroristang pananalakay sa mamamayan at mga rebolusyonaryong pwersa.

Muli ay inililinaw ng Romulo Jallores Command (RJC) na handa itong palayain sina 1Lt. Ronaldo Fidelino at Pfc. Ronnel Nemenio anumang oras sa isang tiyak at ligtas na lugar. Kaugnay nito, muling iginigiit ng RJC na magdeklara ang AFP at PNP ng suspension of offensive military operations/police operations (SOMO/SOPO) sa Bikol. Layunin nitong tiyakin ang seguridad ng mga POW, custodial force, at iba pang sangkot sa proseso ng pagpapalaya.

Dapat unahin ng rehimen at ng AFP ang kapakanan ng kanilang mga tauhan sa halip na ang kapalaluan at pagtatangkang takpan ang sariling kapalpakan. Anumang pagkaantala sa pagpapalaya at peligro sa seguridad ng mga POW ay responsibilidad at pananagutan ng AFP. Dapat igiit ng mga kamag-anak at kaibigan ng mga POW sa AFP ang pagpapatigil ng kanilang pananalakay laban sa mga yunit ng BHB upang mapabilis ang pagpapalaya ng kanilang mahal sa buhay.

Kasamang Jose Buenaobra
Tagapagsalita

Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.