Sindikato na kontrolado ng militar ang may kagagawan ng pagdukot kay G. Ulysess "Boboy" Ola�o
Armando "Ka Ruben" Guevarra Tagapagsalita Narciso Antazo Aramil Command New People's Army-Rizal
Mayo 07, 2004
Mariing kinukondena ng Narciso Antazo Aramil Command (NAAC-NPA-Rizal) ang pagdukot ng apat (4) na armadong kalalakihan na nakasuot ng "bonnet" kay G. Ulysess "Boboy" Ola�o, miyembro ng Liberal Party at kandidatong Mayor sa bayan ng Baras, Rizal. Si G. Ola�o ay kagagaling lang sa bahay ni Congressman Jun Rodriguez at papauwi na nang maganap ang panghaharang at pagdukot sa kanya noong Mayo 6, 2004 bandang 7:00 ng gabi sa Pinugay, Baras, Rizal.
Ang lugar kung saan siya hinarang ay malapit sa 2 kampo ng militar, ang 419th PMG-PNP at 21st Reconnaisance Company ng Philippine Army. Ang direksyon ng sasakyan na dumukot kay G. Ola�o ay patungo ay Tanay, Rizal kung saan nakabase ang 2nd Infantry Division ng AFP. Sa lugar ding ito kumikilos ang sindikatong kontrolado ng mga militar na sangkot sa panghoholdap, "guns for hire", pangingikil at iba pang mga kontra-mamamayang gawain. Ang sindikatong ito ay nagpapanggap na mga myembro ng New People's Army (NPA) at nitong panahon ng eleksyon ay nangongolekto ng pera sa mga kandidato sa bayan ng Baras, Rizal bilang bayad sa diumanong Permit to Campaign. Nagsisilbi rin ang mga itong bayarang goons na kinokontrata ng mga tiwaling pulitiko. Ilang sa mga aktibong galamay ng sindikatong ito ay nagpapakilalang Carding at Kapitana Violy. Malakas ang loob ng sinidkatong ito na gawin ang lahat ng kanilang krimen dahil sa protektado sila ng mga sundalong miyembro ng 21st Recon Coy-PA.
Mariin din naming kinukondena ang malisyosong bintang ng Provincial Director ng PNP-Rizal na mga miyembro ng NAAC-NPA-Rizal ang dumukot kay G. Ola�o. Ito ay isang malinaw na kasinungalingan upang pagtakpan ang krimen ng kanyang mga kapwa sundalo. Mahigpit naming pinasusubalian ang akusasyong ito. Walang dahilan ang NAAC-NPA-Rizal para dukutin si G. Ola�o dahil wala namang siyang nilalabag na mga patakaran sa rebolusyonaryong gobyernong bayan at wala siyang kasalanan sa mamamayan at sa rebolusyonaryong kilusan.
Ayon sa aming pagsisiyasat, si G. Ola�o ay tahimik na namumuhay at wala siyang tukoy na kalaban bago siya nagpasyang kumandidato. Aktibo rin siya tumutulong sa mga progresibong samahan sa abot ng kanyang kakayahan. Katunayan ay nabalitaan namin na isa siya sa maraming mga kandidato sa lalawigan ng Rizal na nagpahayag ng pagsuporta sa mga progresibong partylist.
Walang ibang grupo na may motibong pigilan ang kandidatura at posibleng panalo ni G. Ola�o maliban sa mga tiwaling pulitiko sa bayan ng Baras, Rizal at sa mga bayarang berdugong miyembro ng 21st Recon Coy-PA. Ang mga ito ang dapat na managot sa pagdukot kay G. Ola�o. Sa mga dumukot kay G. Ola�o, nanawagan kami na palayain niya na siya at umalis na kayo sa sindikato bago maging huli ang lahat.
Sa pamilya ni G. Ola�o, ipinapangako namin na gagawin namin ang aming makakaya upang matunton ang pinagdalhan ng sindikato sa inyong kapamilya. Papanagutin din namin sila sa kanilang ginawa sa inyong kapamilya.
PALAYAIN SI G. ULYSESS "BOBOY" OLA�0!
PAPANAGUTIN ANG MAY KAGAGAWAN NG PAGDUKOT KAY G. "BOBOY" OLA�0!
Back to top
|