Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Recent Releases Recent statements Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    Pilipino
   

Mensahe sa Pandaigdigang Araw ng Paggawa

Gregorio Ba�ares
Tagapagsalita
National Democratic Front of the Philippines-Bicol
Mayo 01, 2004

Ipinaaabot namin ang taas-kamao at maalab na rebolusyonaryong pagbati at pakikiisa sa uring manggagawa sa paggunita ng Pandaigdigang Araw ng Paggawa ngayong Mayo Uno. Dapat gunitain ang makasaysayang araw na ito upang ibandila ang makasaysayang papel ng uring manggagawa sa pagpapalaya ng sangkatauhan mula sa imperyalistang pagsasamantala at pang-aapi.

Ang uring manggagawang Pilipino ang pinakamaunlad at pinakaprogresibong pwersa sa produksyon sa Pilipinas. Pinamumunuan ng uring manggagawa sa pamamagitan ng Partido Komunista ng Pilipinas ang demokratikong rebolusyong bayan at tumatanaw ito sa sosyalistang hinaharap ng rebolusyong Pilipino.

Labis na pinagsasamantalahan at inaapi ang mga manggagawa sa buong bansa sa ilalim ng imperyalistang paghahari at ng rehimeng US-Macapagal-Arroyo. Tungkulin ng rebolusyonaryong kilusang manggagawa na itaguyod at ipaglaban ang kanilang kahilingan para sa makatwiran at nakabubuhay na sahod, pagtatanggol sa karapatang mag-unyon, at paggigiit ng kanilang mga demokratikong karapatan. Sa pagtataguyod ng ganitong linya ay maimumulat, maoorganisa at mapapakilos ang mga manggagawa para sa pakikibakang anti-imperyalista, anti-pasista, at anti-pyudal.

Dapat pagtuunan ng pansin ng pag-oorganisa hindi lang ang ilang maliliit na pagawaan at industriya sa rehiyon kundi maging ang komunidad ng mga maralita sa lungsod, ang mga mala-manggagawa sa transportasyon, mga nagtatrabaho sa mga otel at restawran, department stores at shopping malls, mga manggagawa sa konstruksyon, at mga nagtatrabaho sa iba't ibang ahensya ng gubyerno. Dahil sa lubhang atrasadong kalagayan ng malapyudal na ekonomya sa rehiyon, kakaunti ang mga industriya na nag-eempleyo ng mga manggagawang industriyal.

Upang higit na mapalakas ang rebolusyonaryong kilusang manggagawa at ang gulugod ng rebolusyonaryong kilusang masa sa kalunsuran, dapat mahusay na gamitin at pagsanibin ang pamamaraang hayag at lihim, ligal at iligal, at ang pakikibakang parlamentaryo at elektoral. Maaari din itong pumasok sa iba't ibang porma ng alyansa at pakikipagtulungan upang maisulong ang interes at kagalingan ng sektor. Higit sa lahat, dapat lumahok ang uring manggagawa sa armadong pakikibaka sa kanayunan.

Upang maitaas ang makauring kamalayan ng mga manggagawa, hinihikayat naming pag-aralan ninyo ang mga klasikong akda ng mga dakilang gurong komunistang sina Marx, Engels, at Lenin. Kabilang sa mga maaaring pag-aralan ay ang Manipesto ng Partido Komunista, Sosyalismo: Kritikal at Utopyan, Sahod Presyo at Tubo, Das Kapital, at ang Estado at Rebolusyon.

Ipinananawagan namin sa mga aktibistang manggagawa na lumahok sa digmang bayan sa kanayunan at sumapi sa BHB. Bukas ang ating mga larangang gerilya sa buong rehiyon sa sinumang nagnanais na magpultaym sa mga rebolusyonaryong gawain sa kanayunan o kaya ay matuto at gumampan ng gawain sa ilang panahon. Narito sa kanayunan ang pinakamabigat at pinakamalaking bulto ng ating mga gawain.

Taglay ng mga manggagawa at nakapag-aral na kabataan ang kakayahang pulitikal at teknikal na lubhang kailangan sa pagpapataas ng antas ng ating mga rebolusyonaryong gawain sa kanayunan. Tuluy-tuloy na binibigkis at pinalalakas natin ang saligang alyansa ng uring manggagawa at magsasaka, at ang alyansa ng mga saligang pwersa ng rebolusyon kabilang ang petiburgesya. Hakbang-hakbang na ipinupundar natin ang demokratikong estado ng mga manggagawa at magsasaka na sinusuportahan ng mga demokratikong uri at sektor sa kanayunan.

Uring anakpawis, magkaisa! Lagutin ang tanikala ng kahirapan at pagkaalipin!

Manggagawa lumahok sa digmang bayan! Sumapi sa Bagong Hukbong Bayan!

Mabuhay ang uring manggagawa! Mabuhay ang rebolusyong Pilipino!



Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.