Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Recent Releases Recent statements Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    Pilipino
   

Bigwasan ang mga Bulok at Despotikong mga Pulitiko!

Ka Higom Maragang
Tagapagsalita
Lucio de Guzman Command
Bagong Hukbong Bayan - Isla ng Mindoro
Marso 03, 2004

Inambus ng isang iskwad ng NPA ang pitong-sasakyang komboy nina Congresswoman Nene Ramirez-Sato kaninang 1:45 ng hapon sa may tulay ng Pagbahan, Bgy. Alakaak, Sta. Cruz, Occidental Mindoro.

Nasugatan sa aksyong militar ang tatlo sa mga armadong goons ng congresswoman, isang bokal at si Nene mismo. Walang ni isa mang nasugatan sa panig ng mga kasama.

Mula pa Enero 17, ipinanawagan namin na magiging target ng aming mga taktikal na opensiba ang mga kandidatong gumagamit ng mga goons o military escorts nang hayagan sa kanilang pangangampanya.

Subalit ang grupo ni Cong. Sato ay aroganteng naghamon sa NPA na �gawin na nila ang gusto nila�. Nagdeklara pa siyang walang magagawa ang NPA sa dami ng mga sundalo at pulis sa kanyang lalawigan na nagsimulang mag-operasyon at mandahas sa mamamayan mula pa Enero 14 ng taong ito.

Palibhasa palagay ang sarili na napaalis na ang mga NPA, lalo silang nagyabang sa lantarang pangangampanya na may mga armadong tauhan.

Pinatunayan lamang namin na hindi sila ligtas sa kahabaan ng probinsya. Hindi rin sila maluwag na makakapanakot sa mga mamamayan sa panahon ng kampanyahan.

Kaya mismong si Col. Mesa ng 204th Bde ay walang maisagot kung bakit may NPA sa kahabaan ng haywey ng Occidental Mindoro? Ang kinakaya lamang nilang iligpit ay ang mga inosenteng sibilyan tulad nina VM Juvy Magsino, Leima Fortu, Adrian Aliaga at ilang Mangyan sa Magsaysay.

Ngayong NPA na ang may gawa ng ambus, ang pagbibintangan nila ay ang kalabang kandidato. Nakikipagduweto dito si Ding Quintos ng laging mali ang puntirya.

Ito ang aming pampulitikang pahayag sa panahon ng reaksyunaryong eleksyon: Ipagtatanggol namin ang interes ng sambayanan laban sa mga panloloko at pandarahas ng mga bulok at despotikong mga pulitiko.

Nananawagan din kami sa iba na may katinuan pa sa pulitika at elektoral na pakikihamok na maagap na makipag-ugnayan sa aming kumand upang maunawaan ang aming patakaran sa pangangampanya sa aming mga saklaw na teritoryo. Hindi sila makakaiwas sa malawak na pagsubaybay at pagmamatyag ng masang Mindore�o.

Mabuhay ang Bagong Hukbong Bayan!
Isulong ang Demokratikong Rebolusyong Bayan!


Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.