Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Recent Releases Recent statements Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    Pilipino
   

19th SFC: Napatakbo ng NPA sa Isang Sagupaan sa Bongabong!

Ka Higom Maragang
Tagapagsalita
Lucio de Guzman Command
Bagong Hukbong Bayan - Isla ng Mindoro
Enero 30, 2004

Binabati ng Lucio de Guzman Command ang platung gerilya sa Oriental Mindoro sa matagumpay na pakikipaglaban sa 30 elemento ng 19SFC noong Enero 25, 2004 bandang alas tres ng hapon sa Sityo Gumatos, Bgy Hagan, Bongabong. Hinahabol ng mga militar ang isang kasama na nagsilbing pain kaya naambus ng NPA.

Sa isang oras na labanan, napatay ang tatlong elemento ng 19SFC at nasugatan ang iba pa. Dahil sa mahusay na pusisyon ng mga NPA, namantine nila ang laban nang walang pinsala at nagawa pang mapatakbo ang mga tropa ng 19SFC kahit nakalalamang pa ang bilang ng mga reaksyunaryong sundalo.

Para makuha ang kanilang mga kaswalti, nagpasaklolo sila sa dalawang helikopter na nambomba at nag-straffing sa lugar ng pinaglalabanan. Subalit maagap na nakakalas ang mga NPA at ligtas na nakalayo.

Tumugma ang simbolo at tawag ng SF sa kanilang yunit na tatlong sibat - sibat sa umaga, sibat sa hapon at ngayon, sibat sa labanan.

Matapos ang sagupaan, pinag-initan ng mga militar ang sibilyan sa mga katabing sityo ng Panluan at Balite nang walang inabutan na NPA sa pinangyarihan. Bumalik pa kinabukasan ang dalawang helikopter upang maghakot ng karagdagang tropa ng 16IB at nagstraffing muli.

Tulad sa naganap na malakihang operasyong militar sa Bgy Harizon, Paluan, Occidental Mindoro mula Enero 14 hanggang sa kasalukuyan, ang mga sibilyan lalo na ang mga Iraya sa lugar na iyon ang dinadahas ng mga pasistang sundalo kabilang sa 16th IB, 68th IB at 22nd Recon Coy.

Nagawa pang holdapin at dahasin ng mga elemento ng 16th IB ang mga myembro ng KARAPATAN na nagsiyasat sa mga paglabag sa mga karapatang pantao doon bunga ng nagaganap na operasyong militar. Pinalalabas na mga myembro ng bonnet gang ang nangholdap gayong ang kasuotan ng mga nangharang at nangulimbat ay kasuotan ng mga sundalo at naaarmasan ng armalayt at M14. Higit pa, sa dami ng tropang militar na nakatambak sa bayan na iyon, sino ang mangangahas na mangholdap sa ganong kalagayan ?

Desperado na ang rehimeng US-Arroyo na durugin ang rebolusyunaryong kilusan na patuloy na tinatangkilik ng masang Pilipino. Kung ang mismong elite special forces nya tulad ng 19SFC ay napapatakbo na ng NPA sa labanan, saan pa siya kukuha ng mas mahusay na mga sundalo? Kung sa Batangas, nahingi ang AFP ng "best shots" mula sa NPA, dito sa Mindoro ang aming sampol.

Patuloy naming binababalaan ang mga abusadong sundalo at paramilitar na hindi magtatagal, aabutin at pananagutin kayo ng katarungang panlipunan. Sa mgha sundalong wala pang mabigat na krimen sa mamamayan, mas mabuti pang maaga kayong kumalas sa makinaryang militar na hindi naman para sa tunay na interes ng mamamayan ang ginagampanan. ###

Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.