Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Recent Releases Recent statements Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    Pilipino
   

Ilantad at Labanan ang Sabwatang AFP-PNP at Lokal na Burukrasya sa Isla !

Ka Higom Maragang
Tagapagsalita
Lucio de Guzman Command
Bagong Hukbong Bayan - Isla ng Mindoro
Enero 17, 2004

Binabalaan ng Lucio de Guzman Command ang lahat ng mga kandidatong gumagamit ng mga armadong goons at military escorts na mabibilang sila sa mga target ng aming mga taktikal na opensiba.

Nitong unang linggo ng Enero, mayabang na nangangampanya ang tiket ni Congresswoman Nene Ramirez-Sato at Ding Quintos kasabay ang komboy ng mga militar sa Mamburao at Sablayan, Occidental Mindoro. Ganundin sa Mindoro Oriental, laging may military escort si Gob. Bart Marasigan sa kanyang maagang pangangampanya.

Kinasangkapan naman ng ilang tarantadong pulitiko sa isla ang patuloy na paggamit sa militar, CAFGU at pulisya para operasyunin ang kanayunan upang takutin ang mamamayan na bumoto para sa kanilang mga kandidato at iharas ang mga kandidatong progresibo laluna ang kabilang sa mga partylist na nagdadala ng tunay na adyenda ng mamamayan.

Sinimulan ng 204th Brigade sa pamumuno ni Col Fernando Mesa ang operasyong militar sa Abra de Ilog, Mamburao at Paluan noong Enero 14 gamit ang mga tropa ng 22nd Recon Coy PA, 16 IB PA at 68 IB PA. May mga suportang helikopter at nabal pa ito. Inililipat na ng AFP ang tutok nila sa Occidental habang patuloy na kinokonteyn ang Oriental Mindoro.

Idinahilan lamang nila ang pagtugis sa mga NPA na nagreyd sa dalawang detatsment ng 740th Combat Group ng PAF sa Calaca at Balayan, Batangas na umatras diumano sa Mindoro.

Para makaganti ang AFP sa malaking pinsala na tinamo nila sa mga labanan noong Enero 10, tinortyur si Jomar �Botit� Moreno, isang kasamang nahuli noong gabi ng Enero 10 sa Batangas para sapilitang gumiya sa operasyong militar nila ngayon sa Mindoro.

Hindi pa nga nila napapanagutan ang 36 na pagpatay sa Mindoro Oriental, sinimulan na ng 204th Bde ang pamamaslang sa Occidental Mindoro noong Pebrero 2003 kay Edgar Panagsagan at sinundan ng masaker sa isang pamilyang Mangyan sa Sityo Talayob, Bgy Nicolas, Magsaysay, Occ. Mindoro noong Hulyo 21, 2003 at nitong Enero 9, dinukot nila si Norberto �Iting� Vargas sa Bgy Iriron, Calintaan at kasalukuyang hawak pa nila.

Ikinatutuwa nila Cong. Ramirez-Sato at Ding Quintos ang mga pandarahas na ito ng AFP at PNP sa Occidental Mindoro para matiyak na ligtas sila sa pangangampanya. Subalit hindi sila nakakasiguro na laging ligtas ang kanilang mga ruta sa kahabaan at kalawakan ng kanayunan ng probinsya at isla.

Upang maiwasan ang anumang hadlang sa pangangampanya ng mga kandidatong lokal at nasyunal sa isla, mahigpit naming ipinapaabot ang maagang pakikipag-usap ng kandidato o ng kanilang mga kinatawan para sa pagkuha ng Permit-to-Campaign (PTC) mula sa aming command.

Pinupugayan ngayon ng aming command ang kabayanihang ipinakita ng tatlong kasamang nagbuwis ng buhay noong Enero 10 sa Batangas. Isa sa nag-alay ng kanyang tanging buhay sa taktikal na opensiba ay si Dondon "Ka Mawel" Manzano ng Sityo Centro, Brgy Cabacao, Abra de Ilog.

Lubos kaming nagdadalamhati sa kanilang pagkasawi pero nananawagan kami sa mga Mindorenyo lalo na sa mga kabataan na damputin ang mga sandatang kanilang nabitiwan upang isulong ang Demokratikong Rebolusyon ng Bayan hanggang sa ganap na tagumpay!

Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.