Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Recent Releases Recent statements Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    Pilipino
   

Ibayong Palawakin, Palakasin at Patindihin ang Rebolusyonaryong Pakikibaka ng mga Guro at Mamamayan!

Pambansang Konseho
Katipunan ng mga Gurong Makabayan � National Democratic Front of the Philippines
(KAGUMA � NDF)
Marso 28, 2005

IPAGBUNYI NATIN ang ika-34 na anibersaryo ng KAGUMA (Katipunan ng mga Gurong Makabayan) at ang panibagong paglawak, paglakas at pagsigla ng rebolusyonaryong kilusang guro sa buong bansa.

Malugod nating binabati ang lahat ng mga kadre�t kasapi ng KAGUMA sa lahat ng kanilang tagumpay na nakakamit sa pagsusulong ng hayag at lihim na rebolusyonaryong pakikibaka. Ialay natin ang pinakamataas na pagpupugay sa lahat ng mga rebolusyonaryong martir at bayani na nag-alay ng kanilang buhay sa paglilingkod sa sambayanan.

Punung-puno ng mga dakilang aral at inspirasyon ang tatlong dekadang rebolusyonaryong karanasan ng KAGUMA na siyang pinaghuhugutan ngayon ng rebolusyonaryong kapasyahan ng mga guro upang lubusang iwaksi ang mga pagkululang at pagkakamali, ibayong sumulong at umani ng mga tagumpay, at itaas sa panibagong antas ng pagbugso ang rebolusyonaryong pagkakaisa�t pakikibaka ng masang guro.

Mabungang Taon ng Rebolusyonaryong Pakikibaka

Mabunga ang taong 2004 para sa rebolusyonaryong pakikibaka ng mga guro.

Sa kabuuan ay markado, sustinido at umani ng mga panimula at partikular na tagumpay ang pagsusulong ng mga sektoral at lokal na kampanya�t pakikibakang masa. Masinsin, bagaman relatibo pang maliitan, ang pagtugon ng sektor sa mga multisektoral na kampanya�t mobilisasyong masa.

Sumulong ang mga gawaing propaganda, pangkultura at edukasyon. Nabuo ang mga malalapad na alyansa sa kampanya�t pakikibakang masa.

Ibayong lumawak ang saklaw at kasapian ng mga hayag na organisasyon masa, unyon, asosasyon at pederasyon ng mga guro at kawani. Unti-unti nang lumalawak ang kasapian ng KAGUMA at paisa-isa na ring nabubuo ang mga balangay ng KAGUMA sa antas paaralan.

Ilang kadre�t kasapi ng KAGUMA ang tumugon sa integrasyon sa larangang gerilya. Ilan din sa kanila ang tuwiran nang sumapi sa BHB (Bagong Hukbong Bayan).

Pambansang Kilusang Protesta ng Unang Kwarto

Sinindihan at pinagningas ng rebolusyonaryong kilusang guro ang sulo ng pambansang kilusang protesta sa unang kwarto ng taon sa tanglaw ng pambansang panawagang papulahin ang 2005 ng mga bandila ng nagpuprotestang mamamayan.

Pinangunahan ng mahigit 2,500 gurong sumugod sa Mendiola ang unang matagumpay na pambansang araw ng protesta ng libu-libong guro at kawani nitong Enero 28, sa pamumuno ng Alliance of Concerned Teachers (ACT), upang igiit ang kahilingang dagdagan ang sweldo, itaas ang badyet sa edukasyon, i-rechannel ang badyet sa pambayad ng dayuhang utang sa serbisyo publiko, at ibasura ang dagdag na VAT.

Muling pinangunahan ng mahigit 1,000 guro na muling sumugod sa Mendiola ang ikalawang matagumpay na pambansang araw ng protesta ng libu-libong guro nitong Marso 16, kasama ng libu-libo pang kawani ng gubyerno at manggagawang pangkalusugan, sa pamumuno ng All-Government Employees� Unity (All-G.E. Unity).

Pinakamalalang Krisis, Pinakamalalang Rehimen

Dinaranas ng mga guro, kawani, estudyante at mamamayan ang pinakamalubhang krisis sa sektor ng edukasyon sa ilalim ng paghahari ng rehimeng US-Macapagal-Arroyo. Dulot ito ng walang-awang pagbabawas sa pondo para sa edukasyon upang unahin ang badyet sa pagbabayad ng papalaking pambansang utang na di naman napakikinabangan ng taumbayan.

Patunay sa krisis na ito ang walang kapantay na pagbagsak ng kalidad ng edukasyon, ang papalaking bilang ng mga kabataang tumitigil sa pag-aaral, ang lumalalang kakulangan ng mga batayang rekurso, at ang tuloy-tuloy na pagliit ng halaga ng suweldo ng guro.

Walang kaparis ang dulot na pahirap ng rehimeng US-Macapagal-Arroyo sa masang guro at mamamayan. Lalo pang pinarurusahan ng rehimen ang masang guro at mamamayan sa pamamagitan ng pagpapataw ng mga bagong pasaning buwis, at patuloy na pagpapataas sa presyo ng mga produktong petrolyo at iba pang pangunahing bilihin at serbisyo.

Hindi na makaagapay ang mamamayan sa tindi ng problema ng kawalan ng trabaho, tanggalan, pagpako sa napakababang sahod at sweldo, at panunupil sa karapatang mag-unyon at magwelga.

At habang naghihikahos ang mamamayan, patuloy namang nagpapakasasa ang rehimen at ang mga amo nitong dayuhang imperyalista sa pandarambong sa supertubo at mga interes sa bayad sa pautang.

Ang naghaharing rehimeng Macapagal-Arroyo mismo sa pangunguna ni �Mr. & Mrs. Jose Pidal� ang nagkakamal ng daan-daang milyong kurakot mula sa kabangyaman at mga proyekto ng reaksyunaryong gubyerno.

Anumang protesta sa ganitong kawalanghiyaan at pambubusabos ay sinasagot ng ibayong panunupil at pasismo ng estado, na ang sinasangkalan ay �gera laban sa terorismo,� �JI,� �Abu Sayaff,� at iba pang panakot ng Malaca�ang at Camp Aguinaldo.

Marka ng napakatinding krisis ng naghaharing sistema at ng lumalalang pampulitikang krisis at desperasyon ng rehimeng US-Macapagal-Arroyo ang muling pag-alagwa ng karahasan at pagpatay sa mga walang kalabanlabang mga lider at kasapian ng mga patriyotiko at demokratikong organisasyon ng mamamayan upang takutin at patahimikin ang nagngangalit na mamamayan.

Kabaligtaran sa inaasahan ng rehimeng US-Macapagal-Arroyo, ang dumaraming kaso ng armadong pagsupil at pagpatay sa mga lider at kasapian ng mga progresibo�t militanteng organisasyon ay lalo pang nakapagpapalawak ng simpatya at suporta ng mas maraming mamamayan sa loob at labas ng bansa. At sa halip na takot ang mangibabaw ay ibayong galit at paglaban ng mamamayang sumisigaw ng katarungan ang namamayani.

Ibayong Pag-alabin ang Rebolusyonaryong Pakikibaka

Walang ibang solusyon at sandata ang masang guro at ang mamamayan laban sa papatinding pagsasamantala at armadong panunupil ng rehimeng US-Macapagal-Arroyo kundi ang demokratikong rebolusyong bayan at ang Bagong Hukbong Bayan (BHB).

Walang ibang matino at epektibong paraan ang masang guro at ang mamamayan kundi pahigpitin ang kanilang pagkakaisa at pagtibayin ang kanilang kapasyahan at kakayahang makibaka at lumaban sa militanteng paraan � hayag at lihim, ligal at iligal, di armado at armado.

Ibayo nating palawakin, palakasin at patindihin ang rebolusyonaryong kilusang guro sa buong bansa!

  • Agresibong palawakin sa libu-libong bilang ang kasapian ng KAGUMA at ng iba pang progresibo�t rebolusyonaryong organisasyon ng mamamayan. Itayo ang pinakamaring balangay ng KAGUMA sa mga paaralan, opisina at komunidad.
  • Palawakin at patindihin ang mga kampanya�t pakikibakang masa ng mga guro, kawani�t mag-aaral, at umani nang malaki sa pag-oorganisa at pagpapalawak. Ilunsad ang serye ng papalawak at papalaking kilos protesta hanggang kayanin nang ilunsad ang mga koordinadong mass leave at pambansang welga.
  • Pahigpitin natin ang pakikipagkapitbisig ng masang guro at ang pagsanib ng rebolusyonaryong kilusang guro sa iba pang aping uri�t sektor at sa kanikanilang rebolusyonaryong kilusan, sa pangununa ng rebolusyonaryong kilusan ng manggagawa at ng iba pang anakpawis. Mag-ambag sa ibayong pagpapalawak at pagpapalakas ng NDFP (National Democratic Front of the Philippines).
  • Mag-ambag nang malaki sa paglalantad, paghihiwalay, at pagpapatalsik ng rehimeng US-Macapagal Arroyo. Paisa-isa nating lalabanan at pagpupursigihang ibagsak ang maghahalinhinang reaksyunaryong rehimen sa Malaca�ang hanggang makayanan na ng sambayanang ibagsak ang buong reaksyunaryong sistemang malakolonyal at malapyudal sa hinaharap.
  • Mag-ambag sa kilusan ng batayang masa at sa armadong pakikibaka sa larangang gerilya.

Tunay nga nating papulahin ang taong 2005 ng mga bandila ng libu-libong nagpuprotestang masang guro at mamamayan sa kalunsuran, kaakibat ng paglagaglab ng apoy ng pinaigting na mga armadong opensiba ng hukbong bayan sa mga larangang gerilya sa kanayunan!

Mabuhay ang masang guro!
Mabuhay ang sambayanang Pilipino!
Mabuhay ang ika-34 na anibersaryo ng KAGUMA!



Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.