Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Recent Releases Recent statements Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    Pilipino English
   

PAIGTINGIN ANG MGA TAKTIKAL NA OPENSIBA
Pahayag kaugnay ng kasalukuyang krisis sa bansa

Gregorio "Ka Roger" Rosal
Spokesperson
Communist Party of the Philippines
Oktubre 04, 2004

  1. Paiigtingin ng BHB ang pakikidigmang gerilya upang pabilisin ang pagbagsak ng rehimeng US-Arroyo

    Nananawagan ang Partido na patindihin, paramihin, padalasin ang paglulunsad ng mga taktikal na opensiba sa lahat ng mga pagkakataong may nahihiwalay na mga pwersa ang reaksyunaryong sandatahang lakas at pulisya nito upang mas mapabilis ang pagpapabagsak sa kasalukuyang papet na rehimen bilang suporta na rin doon sa tiyak na sisiklab ding mga pakikibakang masa sa kalunsuran ng mga mamamayang wala ng ibang masusulingan kung hindi kumilos at lumaban. Nangangako ang Bagong Hukbong Bayan na gagampanan nito ng buong kaya, uubusin o sisikapin nitong magamit ang lahat ng pagkakataon upang higit pang maisulong, higit na maparami, higit na mapatindi ang paglulunsad ng mga taktikal na opensiba sa buong bansa. Ito ay laman naman ng mga pangunahing tungkulin ng Partido doon sa tatlong taong programa nito na binalangkas nitong nakaraang 11 Plenum ng Komite Sentral ng Partido.

  2. Bukas ang mga larangang gerilya sa mga nagnanais na lumahok sa armadong pakikibaka

    Itong napakalubhang sistema na ito ay magiging mas matindi, magiging mas malalala at hahantong nga sa isang malawakang pag-aalsa ng mamamayan dahil wala na nga itong masusulingan. Kaya't handang-handa ang Partido Komunista ng Pilipinas at Bagong Hukbong Bayan, handang-handa ang 128 larangan gerilya sa buong bansa na saluhin ang mga mamamayan, ang mga tao mula sa iba't-ibang sektor, mula sa manggagawa, magsasaka, mga estudyante na pipiliing humawak ng sandata at lumahok sa sandatahang pakikibaka upang mabigyan ng wakas o maparusahan itong kasalukuyang rehimen na wala ng inisip kundi ang pagpapahirap sa mga mamamayan. Nakahandang saluhin ng 128 guerilla fronts sa buong bansa ang maraming mga taong magdedisisyon na humawak ng armas at isulong ang sandatahang pakikibaka, na siya lamang tangi-tanging solusyun upang mawakasan ang kasalukuyang napakamapagsamantala at mapang-aping sistemang ito

  3. Political suicide para sa rehimeng Macapagal-Arroyo ang ipinapanukalang bagong tax measures

    Kapag ipinursige ng gubyerno ni GMA itong napakaraming mga tax measures na ito sa harap ng papahirap na papahirap na kalagayan ng mga mamamayan, ito'y katumbas ng political suicide ni GMA sa kabila ng mahigit na tatlong buwan pa lamang siyang nakapanunungkulan dito sa napakakontrobersyal na nakaraang eleksyon.

    Bakit sinasabi nating political suicide? Ang mga mamamayan ay hirap na hirap na. Mataas ang presyo ng bilihin, lahat ng pangangailangan ng mamamayan ay tumataas, mataas ang pamasahe, mataas ang kuryente, tinataasan kahit yung mga sinisingil ng gubyerno. Sa kabilang banda, ang mga manggagawa naman kapag humihingi ng sahod, ang sinasabi ni GMA ay, "Huwag muna ngayon, hindi tayo pwede magbigay ng dagdag sahod sa ngayon, makiisa tayo sa pagharap sa krisis."

    Ganun din ang sagot niya sa mga maggagawa sa gubyerno, ganun din ang sagot sa mga magbubukid. Ang bagay na iyan ay magtutulak sa mga mamamayan upang magkabuklod-buklod at lumaban. At kita na ngayon ang palatandaan at sa loob lamang siguro ng ilang mga linggo at mga buwan ay makakakita na tayo ng malalaking kilos protesta, mga kilos masa ng mga mamamayan na siyang muling yayanig sa kaluluklok pa lamang na administrasyon ni Gloria Macapagal Arroyo.

  4. Ang mga naghaharing uri ay niyayanig ng paksyunal na mga alitan

    Napakalaki ng posibilidad na kung ano ang kinahantungan ng dalawang naunang rehimen, ang rehimeng Marcos noong 1986 at rehimeng Estrada noong 2001, ay maulit. Sa pagkakataong ito, ang patatalsikin naman ng taong bayan ay ang kasalukuyang papet na pangulo, si Mrs.Gloria Macapagal Arroyo. Iyon ang ibig sabihin namin ng political suicide. At bukod sa riyan, sa hanay nila, sa hanay mismo ng naghaharing uri, kung mapapansin natin, palala ng palala ang kanilang banggaan, ang kanilang bangayan. Kaugnay ng fiscal crisis na ito, nagtutulakan sila kung sino ang may kasalanan, naghahanap ng scapegoat. Halimbawa, ang pinagtutuunan ng pansin ng gubyerno o ng executive ay ang pork barrel ng mga kongresman at mga senador. Ang gusto nila ay masolo ang pork barrel na siya namang inaangal ng mga kongresman at mga senador, kaya tuloy-tuloy ang kanilang pagbabangayan.

    Yung kaguluhan sa loob ng AFP ay hindi rin nalulutas, kahit na sinasabing humingi na ng paumanhin ang mga lider ng Oakwood mutiny noong nakaraang taon, humingi na diumano ng paumanhin kay Mrs Macapagal Arroyo. Maging iyon ay hindi rin makakabawas ng suliranin sa loob ng AFP, sapagkat patuloy pa rin ang kurakutan, laganap ang kurapsyon sa loob ng AFP. Patuloy na hinahawakan ng mga heneral ng AFP at PNP ang mga malalaking sindikato ng krimen, kidnap and ransom, drugs, illegal na sugal o jueteng. Hindi naaaddress yung pangunahing suliranin ng mga sundalo at mga batang opisyal, kaya hindi patatahimikin



  5. Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.