Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Recent Releases Recent statements Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    Pilipino
   

Pahayag sa Depeksyon (Defection) ng mga CAFGU sa NPA-RIZAL

Armando "Ka Ruben" Guevarra
Tagapagsalita
Narciso Antazo Aramil Command
New People's Army-Rizal
Pebrero 27, 2005

"Labis kaming pinapahirapan at ginagawa kaming pambala sa kanyon. Hindi rin ibinibigay sa amin ang aming sahod", ito ang mga pahayag na binitiwan ng isang myembro ng CAFGU bago siya nakipag-ugnayan at nagpahayag ng kanyang depeksyon sa mga pwersa Narciso Antazo Aramil Command (NAAC-NPA-RIZAL). Ang nasabing kasapi ng CAFGU ay si Edwin Ehe, 24 taong gulang, binata at nakatira sa Puray, Rodriguez, Rizal. Si Edwin ay isang magsasaka na iligal na hinuli at pwersahang pinag-CAFGU noong Dec. 2004 ng mga pwersa ng 80th IB-PA na pinamumunuan ni Lt. Col. Ricardo Nepomuceno.

Mula Disyembre 2004 ay makailang ulit na isinasama si Edwin sa operasyon militar sa kabundukan ng lalawigan ng Rizal na laging siya ang pinapauna kahit tutol siya. Sa bawat operasyong militar ay naging saksi si Edwin sa pang-aabuso ng mga militar sa mga mamamayan. Naging kasama siya sa mga kontra-insurhensya operasyon ng mga militar na puminsala hindi sa mga myembro ng NPA kundi sa mga ordinaryong magsasaka at katutubong Dumagat. Nitong unang linggo ng Pebrero 2005 ay muli siyang isinama ng mga miyembro ng 80th IB-PA sa kanilang operasyong batalyon laban sa mga pwersa ng rebolusyonaryong kilusan. Dito'y muling nakaranas si Edwin ng dagdag na pagpapahirap sa kanya ng mga militar kung kaya't sa gitna ng kagubatan ng Tanay, Rizal ay nilabanan ni Edwin ang kanyang mga kasamang sundalo. Nakpagbarilan siya sa mga pwersa na ng 80th IB-PA na ayon sa kanya ay tiyak na may tinamaan siya. Matapos makipagbarilan sa mga sundalo ay kagyat na nakipag-ugnayan si Edwin sa mga tagabaryo para makahanap ng linya sa mga pwersa ng NPA.

Matapos garantiyahan ng mamamayan sa kanilang baryo na mabuting tao si Edwin at wala pa naman siyang mabigat na kaso laban sa mamamayan ay inugnayan siya ng mga pwersa ng NAAC-NPA-Rizal. Agad na ibinigay ni Edwin sa NPA ang isang M-16 Armalite na siyang baril at mga bala naka-isyu sa kanya ng militar. Kagyat ding prinoseso ang depeksyon niya sa NPA mula sa pagiging CAFGU.

Ang depeksyon na ito ni Edwin Ehe sa NPA mula sa pagiging miyembro ng CAFGU-AFP ay nagpapatunay na walang ibang armadong pwersa sa Pilipinas na tunay na naglilingkod sa interes ng mamamayan maliban sa Bagong Hukbong Bayan (NPA). Ito ay lalong magbubukas sa mas marami pang depeksyon sa hanay ng mga CAFGU patungo sa NPA. Katunayan nito ay marami na ang mga miyembro ng CAFGU nagpapaabot sa amin ng pakikipag-usap sa pamamagitan ng kanilang mga kamag-anakan sa baryo matapos na malaman nila ang ginawa ni Edwin. Karamihan ng mga CAFGU sa lalawigan ay pinuwersa lamang na sumapi ng AFP kaya't maluwag sa kanila ang pag-alis sa pagiging CAFGU. Pagpapakita rin ito na bigo ang mga reaksyunaryong AFP-PNP ng rehimeng Arroyo na supilin ang rebolusyonaryong kilusan sa lalawigan ng Rizal. Sa halip na madurog ay lalo pang lumakas ang rebolusyonaryong kilusan sa lalawigan bunga ng malawak na suporta ng mamamayan.

Sa huli'y nananawagan kami sa lahat ng mga CAFGU at maging sa mga ordinaryong sundalo at batang opisyal ng AFP laluna ang mga nakabase sa Rizal na nasasaklaw ng 80th IB-PA, 59th IB-PA at 1st IB-PA na huwag sundin ang mga atas ng inyong mga nagpapayamang opisyal at mga heneral lalupa't ang mga atas sa inyo na lumalabag sa karapatang pantao at pumipinsala sa mamamayan. Itigil na ninyo ang pagpapagamit sa mga tiwali at koraptong opisyal ng AFP at ng gobyernong Arroyo. Iwasan ninyo na mapaengkwentro sa NPA at kung sakaling sa di-maiiwasang sitwasyon ay mapalaban kayo sa aming mga pwersa ay kagyat kayong tumawag ng tigil putok at isuko ang inyong armas. Isipin ninyo ang inyong buhay at pamilya. Walang saysay na magbuwis kayo ng buhay para ipagtanggol ang korapto at pahirap sa mamamayang rehimeng Arroyo. Lihim kayong makipag-ugnayan sa NPA-Rizal at pumaloob sa mga progresibong organisasyon ng mga sundalo tulad ng Kilusang Lt. Crispin Tagamolila sa loob ng AFP at PNP.

MABUHAY ANG KILUSANG LT. CRISPIN TAGAMOLILA!
MABUHAY ANG BAGONG HUKBONG BAYAN!
MABUHAY ANG PARTIDO KOMUNISTA NG PILIPINAS!
MABUHAY ANG PAMBANSA DEMOKRATIKONG PRENTE NG PILIPINAS!
MABUHAY ANG SAMBAYANANG PILIPINO!


Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.