Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Recent Releases Recent statements Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    Pilipino
   

Tutulan at labanan ang BALIKATAN 0-5

Armando "Ka Ruben" Guevarra
Tagapagsalita
Narciso Antazo Aramil Command
New People's Army-Rizal
Pebrero 19, 2005

Mariing tinututulan at kinokondena ng Narciso Antazo Aramil Command (NPA-Rizal) ang nakatakdang panghihimasok ng mga armadong sundalong Amerikano sa rehiyon ng Timog Katagalugan partikular sa mga lalawigan ng Quezon, Laguna at Rizal sa anyo ng BALIKATAN 0-5 o joint military exercises sa pagitan ng sundalong Pilipino at Amerikano na nakatakdang simulan sa Pebrero 21, 2005. Isa itong armadong probokasyon ng sundalong Amerikano laban sa rebolusyonaryong kilusan sa Timog Kagalugan.

Ang paglulunsad ng nasabing BALIKATAN ay gagawin ng mga sundalong Amerikano sa tabing ng diumanong humanitarian mission. Ginagamit ng Rehimeng Arroyo ang nakaraang pagkasalanta ng probinsya sa nakaraang bagyo upang mailusot ang panghihimasok ng mga sundalong Amerikano.

Ang totoong layunin ng BALIKATAN ay ang paglulunsad sa pag-iispiya at sukdulang ilunsad ang gera laban sa mga anti-imperyalistang grupo, armado man o di-armado, pahinain ang armado at di-armadong grupo na tumututol sa mga kontra-mamamayan at makadayuhang mga proyekto, katulad ng pagtatayo ng Kaliwa-Kanan Dam, Laiban Dam at Pacific Coast City at gawing baseng pandigma ang bahaging ito ng rehiyon para sa pangkalahatang pagpapalakas ng US ng kanyang military hegemony sa bansa at sa buong daigdig.

Naglulubid ng kasinungalingan ang Rehimeng Arroyo para sundin ang kagustuhan ng amo nitong imperyalistang Amerikano na makapanghimasok sa ating bansa sukdulang balewalain ang soberanya at patrimonya ng Pilipinas. Kung sa nakaraan ay pagdurog sa Abu Sayyaff ang ginawa nitong dahilan, ngayon naman ay ang kalamidad sa Quezon, Aurora at Rizal ang ginagamit nito para lamang bigyan katwiran ang panghihimasok ng mga sundalong Amerikano.

Nakikiisa kami sa lahat ng mamamayan ng sa lalawigan at sa buong bayan na tumututol sa panghihimasok ng mga sundalong Amerikano at lumalaban sa pagyurak sa soberanya at patrimonya ng bansa.

Binababalaan din namin ang Rehimeng Arroyo at ang mga sundalong Amerikano na ang anumang anyo ng armadong panghihimasok nila sa teritoryo ng rebolusyonaryong kilusan sa Lalawigan ng Rizal ay aani ng katugong aksyon sa mga pwersa ng NAAC-NPA-Rizal. Hindi kami mangingiming tapatan ang armadong panghihimasok nila ng katulad na aksyon maipagtanggol lamang ang teritoryo at integridad ng rebolusyonaryong gobyernong bayan sa lalawigan ng Rizal.

TUTULAN AT LABANAN ANG BALIKATAN 0-5!
LABANAN ANG ARMADONG PANGHIHIMASOK NG SUNDALONG AMERIKANO SA PILIPINAS!
REHIMENG ARROYO, TUTA NG KANO, IBAGSAK!

Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.