Hinggil sa matagumpay na taktikal na opensiba ng BHB sa Jones, Isabela!
Victor Servidores Tagapagpahayag Fortunato Camus Command Hilagang-Silangang Luzon
Enero 29, 2005
Matagumpay na tinambangan ng mga mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan- Benito Tesorio Command ang mga elemento ng 45th Infantry Battalion Philipine Army- Charlie Company nitong Enero 24, 2005, 7:20 ng umaga, sa So. Cayangading, Dicamay Uno, Jones, Isabela, na mula pa noong unang linggo ng Enero ay naglulunsad ng malakihang operasyong militar sa mga bayan ng Jones, Echague, at San Guillermo. Nagresulta ang matagumpay na taktikal na opensibang ito sa pagkamatay ng 12* sundalo at pagkasugat ng marami pang iba.
Ang matagumpay na taktikal na opensibang ito ay nagtataglay ng tatlong kabuluhan. Una, muli nitong pinatunayan ang maalab na diwang palaban ng mga mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan na nagmumula sa dakilang hangaring nitong ibagsak ang kasalukuyang naghaharing reaksyunaryong sistema. Sa anu�t anuman, laging nasa isip ng mga mandirigma ng BHB ang pagkuha sa inisyatiba para durugin ang kaaway at alisin ang mga sagwil sa pagkilos ng mamamayan.
Ikalawa, ito ay isa ring hakbang para parusahan ang 45th IBPA sa mahabang talaan ng mga kaso nito ng paglabag sa karapatang pantao sa mamamayan ng Timog Isabela na mula noong nakaraang taon ay kinakitaan ng ibayo pang pagbagsik, katulad ng kaso ng isang labanan sa Benguet, Echague kung saan ginamit nila ang mga masa bilang trensera.
At pangatlo, magsisilbi itong saludong paputok sa isang taong magiging hitik sa mga pagsulong ng rebolusyonaryong kilusan, hindi lang sa Timog Isabela, kundi maging sa buong rehiyon ng Cagayan Valley.
Mahalaga ring matukoy na pinatunayan ng matagumpay na taktikal na opensibang ito ang mainit na pagtanggap at pagtangkilik sa Bagong Hukbong Bayan ng masang magsasaka ng Timog Isabela. Katunayan, di- matatawaran ang naging ambag ng masa sa ikatatagumpay ng tambang na ito, mula sa suportang materyal hanggang sa pagkukubli sa mga kasama matapos ang labanan.
Tulad ng dapat asahan, muling naglulubid ng mga kasinungalingan ang mga opisyal ng 5th Infantry Division para pagtakpan ang kanilang pagkapahiya sa nangyaring labanan. Kasinungalingan ang pinalabas na ulat ng 5ID PA na diumano�y nakubkob ng mga sundalo ang himpilan ng BHB, pati na ang ulat na nakasamsam ang mga ito ng armas. Walang katotohanan ang pinalalabas ng militar na may mga namatay sa panig ng BHB habang nasugatan lamang di- umano ang tatlo sa kanila.
* Batay sa pinal ulat, umabot sa 27 ang kabuuang bilang ng napatay na sundalo ng Philippine Army.
Back to top
|