Ang Bayan is the official news organ of the Communist Party of the Philippines issued by the CPP Central Committee. It provides news about the work of the Party as well as its analysis of and standpoint on current issues.

AB comes out fortnightly. It is published originally in Pilipino and translated into Bisaya, Ilokano, Waray, Hiligaynon and English.

Acrobat PDF files of AB are available online for downloading and offline reading printing. If you wish to receive copies of AB via email, click here.

Mga tagumpay ng rebolusyon sa Panay

Lumaki ang rebolusyonaryong pwersa sa Panay, lumakas ang kakayahan at lumawak ang impluwensya sa kabila ng pananalasa ng Oplan Bantay Laya 2 noong 2007.

Sa isang pahayag nitong ika-39 na anibersaryo ng Partido noong Disyembre 26, sinabi ng Komiteng Rehiyon ng PKP sa isla na libu-libong Panayanon ang lumahok sa armadong pakikibaka at sumapi sa Bagong Hukbong Bayan o sa mga rebolusyonaryong organisasyong masa sa hangaring wakasan ang rehimeng US-Arroyo.

Marami ang nakakita ng pangangailangang mag-organisa upang kolektibo nilang malutas ang kanilang mga problema sa pamamagitan ng mga organo ng kapangyarihang pampulitika. Tumaas nang 47% ang kasapian ng mga organisasyong masa sa kanayunan. Lumaki ang BHB, kabilang na ang milisyang bayan na nagtamasa ng 85% paglaki. Lumaki rin nang 20% ang kasapian ng Partido nitong 2007 sa kabila ng malupit na pagtugis ng desperadong reaksyunaryong rehimen. Ito na ang pinakamalalaking tantos ng paglaki sa isla mula nang ilunsad ang Ikalawang Dakilang Kilusang Pagwawasto noong 1994 sa Panay.

Natamo ng rebolusyonaryong kilusan sa isla ang gayong pag-unlad sa kabila ng paglulunsad ng 301st IBde ng humigit-kumulang sampung lakas-brigada at mga 100 lakas-batalyon at lakas-kumpanyang operasyon noong 2007. Naglustay ang reaksyunaryong gubyerno ng milyun-milyong piso at lalong pinerwisyo ang dati na ngang naghihirap na mamamayan para lamang mailunsad ang isang gerang walang ibang pakay kundi suhayan ang rehimeng US-Arroyo.

Dahil sa naabot na nitong armado at pampulitikang lakas, kaya na ng Partido Komunista sa Panay na magpatupad ng mga rebolusyonaryong patakaran kapwa sa loob at labas ng saklaw ng mga sonang gerilya at maggawad ng rebolusyonaryong hustisya sa malawak na bahagi ng isla.

Inaasahan ang ibayo pang paglakas ng gayong impluwensya habang papataas ang antas ng kamulatan at pagkakaisa ng mamamayang labanan ang sustenidong armadong atake ng rehimeng US-Arroyo. Anang PKP-Panay, mismong ang mga mapanupil na patakaran ni Gloria Arroyo ang patuloy na nagtutulak sa mamamayang yakapin ang armadong rebolusyon.


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Multimedia]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.