Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  






Kultura Home Songs Ulos STR, Visual Artworks Poetry Prose
Ulos: Setyembre 2001
Tula
TOC Dugos sa Bug-os nga Pakigbisog
(alang kina ka bobit, ling ug marly)


  Lain-laing dalan ang imong gilatas Taliwala sa kagabhion Naghambin og mga damgo, nagpanday Og mga pangandoy, Susama sa mga anunungga sa Naglugitom nga kangitngit Nagpangita kamo sa kahayag Gikan sa suga sa kamatuoran Hain kini makaplagan?   Sa dughan sa katawhang linupigan Imong nakita ang dan-ag sa kahayag Nagsandig kamo sa huni sa mga tambol Sa martsa sa mga dinaugdaug Gitagbo ang atong mga dalan sa kainit Sa diwa sa proletaryong pakigbisog Uban sa nahigmatang masa ginagiok sa Atong mga tiil ang bukog sa mga mapahimuslanon Ah! Haduol na ba ang kadaugan?   Gilatas ninyo ang mga tagaytay sa Maguboy-uboy ug Pangapugan Dili kalikayan ug susama sa uban Nadakin-as kamo sa liko-liko ug lapukong dalan, Sa dan-ag sa nahimatngong diwa ug kaisog Kamo mibangon ug sa paglakaw mipadayon Naligo sa busay sa Sayapu diin ang tubig Makahinlo sa mga kalag nga nahugawan Ah! Kagaan sa pagbati sa nahinloang dughan!   Hinambin ang bag-ong kusog gikatkat ninyo Ang hataas ug liku-likong busay sa Bangangan Aron pupuon sa pungkay ang matahom Nga mga bulak sa ilang-ilang Ug ihalad kini sa tiilan sa masakiton Nga inahang nasud, Diin ang bugtong tambal mao ang alimyon Ug duga sa talagsaong bulak Ah! Katam-is sa dugos sa bug-os nga pakigbisog!   Apan sa kalit lang ang mga demonyong pasista Mipaulan og mga hiniloang bala Mipatay sa inyong mga lawas, hinunoa mipakita Sa dili malumpag ninyong baruganan! Natisok kamo sa dughan sa masang katawhan Gimatuto sa mga awit ug pagdayeg Ang midagayday nilang mga luha mihugas Sa nagkadugo ninyong kalag. Ah! Katahom sa mga bayaning gihalad panglingkawas Sa nasud nga linupigan!   Ka Bobit, Ka Ling, Ka Marly ang mga susama Ninyong miula sa inyong mga dugo Nagasilbing sugnod nga nagapakusog Sa kalayo sa pakigbisog Nagahinlo sa mga taya ug hugaw, nagabaid Sa mga espada sa linupigan Mas daku ang mga samad, mas lalom ang mga Tampok sa lawas sa higanteng madaugdaugon Ah! Inihap na ang adlaw sa itom nga Agila sa kasadpan!

  Tamis ng Puspusang Pakikibaka (para kina kasamang bobit, ling at marly)
Salin   Iba't ibang landas ang inyong tinahak Sa gitna ng kadiliman Yakap ang mga pangarap, pinapanday Ang mga mithiin. Tulad ng mga ginagabi Sa malawak na karimlan, Hanap nyo'y ang tanglaw Mula sa ilaw ng katotohanan: Saan ito matatagpuan?   Sa dibdib ng inaaping sambayanan Nakita ninyo ang tanglaw ng liwanag, Nagtiwala kayo sa dagundong ng mga tambol Sa martsa ng mga inaapi. Nagsalubong ang ating mga landas sa init Ng diwa ng proletaryong pakikibaka, Kasama ang masa, dinudurog ng ating mga paa Ang buto ng mga mapagsamantala. Ay! Malapit na ba ang tagumpay?   Tinawid ninyo ang tagaytay ng Maguboy-uboy at Pangapugan Hindi maiwasan na katulad ng iba Nadulas kayo sa liku-liko at maputik na daan. Sa gabay ng inyong diwa at katapangan, Kayo'y bumangon at nagpatuloy sa paglalakbay, Naligo sa talon ng Sayapu; doon ang tubig ay Nakakagaling sa katawang may sakit. Ay! Kay sarap damhin ang lunas sa dibdib. Angkin ang panibagong lakas, inakyat ninyo Ang mataas at liku-likong talon ng Bagangan, Upang sa dulo'y pitasin ang kaygandang Mga bulaklak ng ilang-ilang At nang ito'y maialay Sa paanan ng Inang Bayang nagdurusa. Sa kanya na ang tanging lunas ay ang halimuyak At katas ng di pangkaraniwang bulaklak. Ay! Kay tamis ng sanghaya ng puspusang pakikibaka!   Ngunit 'sang araw mga demonyong pasista'y Nagpaulan ng mga balang nakakasindak Pinatay ang inyong mga katawan, pero tandaan nila, Kailanma'y di mayayanig ang inyong paninindigan, Di kayo mamamatay sa alaala ng masa Hahandugan kayo ng kanilang mga awit at papuri Huhugasan ng kanilang luha Ang duguan ninyong mga katawan. Ay! Kay giting nyo'ng mga bayani Sa pagpapalaya ng ating bayang inaapi!   Ka Bobit, Ka Ling, Ka Marly, ang mga katulad Ninyong nag-alay ng buhay Nagsisilbing gatong na nagpapalakas Sa lagablab ng apoy ng himagsikan! Tinatanggal ang mga kalawang at mali, Hinahasa ang sundang ng masa ng sambayanan. Mas malaki ang sugat, mas malalim ang Baon ng ulos sa dibdib ng higanteng mapang-api Ay! Bilang na ang mga araw ng itim na Agila sa kanluran!



Maguboy-uboy-- malaking bundok sa Cateel, Davao Oriental
Pangapugan-- malaking bundok sa Baganga, Davao Oriental Talon ng Sayapu-- paliguan ng mga babaylan para sa spiritual cleansing Si Ka Bobit ay kadreng lumad na pinaslang sa Caraga, Davao Oriental noong Marso,1999. Sina Kasamang Ling at Marly ay mga kadreng organisador na pinaslang ng mga berdugong militar sa Baganga, Davao Oriental noong Hunyo,1999.
   


Previous | Table of Contents | Next

[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.