Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Recent Releases Recent statements Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    Pilipino English
   

Sinusuportahan ng Partido Komunista ang malawakang pagkilos para kamtin ang P125 dagdag na sahod!

Gregorio "Ka Roger" Rosal
Spokesperson
Communist Party of the Philippines
Setyembre 12, 2001

Bilang partidong kumakatawan sa uring manggagawa, lubos na sinusuportahan ng Partido Komunista ng Pilipinas ang pakikipaglaban ng masang manggagawa sa buong bansa para sa P125 across-the-board na karagdagang sahod.

Ganap na makatwiran at makatarungan ang kahilingang ito ng mga manggagawa upang sila�y makahabol sa batayang istandard sa pamumuhay.

Talagang hindi na sapat ang P250 kada araw na minimum na sahod kung isasaalang-alang na P509 kada araw na ang kailangan ng isang animkataong pamilya upang mabuhay ng disente.

Kinukundena at lalabanan ng Partido ang mga maniobra ng rehimeng Macapagal-Arroyo at kasabwat nitong malalaking kapitalista.

Malaking kasinungalingan at panlilinlang ang pagsabing ang pagdaragdag sa sahod ay magdudulot ng pagbagsak ng mga negosyo at magbubunsod ng mataas na implasyon. Pilit nilang itinatago ang tunay na dahilan ng kasalukuyang krisis sa ekonomya ng bansa: ang pagkaatrasado ng industriya ng bansa dulot ng pagkubabaw ng dayuhang monopolyo kapitalismo sa malapyudal na ekonomya at pulitika sa bansa at ang panananalantang ihinahasik ng imperyalistang �globalisasyon� at mga imposisyon ng IMF-World Bank at GATT-WTO.

Kinukundena rin ng Partido ang mapanlinlang na mga palamuting hakbang tulad ng pagbawas ng buwis, emergency cost of living allowance (ECOLA) at iba pang �non-wage benefits�. Gayundin, binabatikos ng Partido ang inutil at maka-kapitalistang mga regional wage board at ang pagbibigay lamang ng pampalubag-loob na napakaliit na karagdagang sahod.

Lubos na itinataguyod ng buong rebolusyonaryong kilusang pinamumunuan ng Partido Komunista ng Pilipinas ang malawakang pagkilos ng masang manggagawa at iba pang maralita para sa mas mataas na sahod.

Kailangan ang ubos-kayang pagkabig sa pinakamalawak na posibleng suporta ng mamamayan upang higit pang makonsentra at higit pang mapalawak at mapalakas ang laban para sa dagdag na sahod.

Mulat ang Partido at masang manggagawa na walang anumang argumentong makakukumbinsi sa rehimeng Macapagal-Arroyo at malalaking kapitalista kundi ang presyur ng masang manggagawa at malawak na masa ng sambayanan. Ang paglaban at galit ng naghihimagsik na mamamayan ang tanging kontra-timbang na makasasalungat sa kasakiman sa sobra-sobrang tubo at karamutan sa pagpapasahod ng malaking kapital at sa higpit ng pagpapatupad ng rehimen sa neokolonyal na patakaran sa murang pasahod.###

Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.