Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Recent Releases Recent statements Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    Pilipino EnglishBisayaHiligaynonIloko
   

Panawagan sa rehimeng Macapagal-Arroyo na itigil ang mga opensibang militar ng gubyerno at sabayang magdeklara ng tigil-putukan ang dalawang panig ngayong Kapaskuhan

Gregorio "Ka Roger" Rosal
Spokesperson
Communist Party of the Philippines
Disyembre 08, 2001

Isang mainam na bagay ang pagtanggap ni Gloria Macapagal-Arroyo sa hamon ng NDFP para sa sabayang deklarasyon ng ceasefire mula Disyembre 15 hanggang Enero 15. Kinakailangang tumbasan niya ito ngayon ng aktwal na mga hakbangin.

Makabubuti ito para sa pagpapalaya ng mga bihag ng digma na hawak ng BHB at pagpapalaya rin ng mga bilanggong pulitikal ng gubyerno tungo sa pagpapahusay ng klima para sa pagbabalik sa usapang pangkapayapaan.

Ang gayong SOMO ay lubos ding pakikinabangan ng mamamayan laluna sa mga lugar na pinupupog ng matinding operasyong militar ng mga sandatahang pwersa ng gubyerno mula pa noong Hunyo 2001.

Gayunman, maipatupad man ang sabayang SOMO, kinakailangang maging mapagbantay ang mamamayan at mga rebolusyonaryong armadong pwersa sa katusuhan ng rehimeng Macapagal-Arroyo. Kinakailangang tuluy-tuloy na paghandaan at harapin ang malupit na pagtutuluy-tuloy at balak pang pagpapatindi ng mga atake ng rehimen.

Sa kasaysayan, sa kabila ng mga deklarasyon ng SOMO, palagian din itong nilalabag ng AFP sa paglulunsad ng mga opensibang operasyong militar. Dagdag pa, sa nakaraang mga buwan, ipinamalas ng rehimeng Macapagal-Arroyo ang militaristang patakaran ng kanyang reaksyunaryo at papet na gubyerno sa pagharap sa mabilis na lumalalang sitwasyon at mga suliranin ng bansa.

Tiyak na lalo pa nito ngayong paiigtingin ang militarismo sa harap ng pagbansag ng US State Department sa rebolusyonaryong kilusan bilang �terorista� at ang tiyak na kaakibat nitong karagdagang tulong militar mula sa US.

Namamayani ngayon ang militaristang pangkating pinamumunuan ni Angelo Reyes na siya ring dating nasa likod ng warmongering ng pinatalsik na rehimeng Estrada. Sige ang pag-iingay ng pangkating ito para sa ilampung libo pang dagdag na tropa at CAFGU at dagdag na badyet militar sa kabila ng dambuhala nang depisit sa badyet at utang sa loob at labas ng bansa at patuloy na pagbabawas ng dati nang kapos na gastusin sa mga serbisyong panlipunan.

Mula noong Setyembre 11, lalo pang nangibabaw ang patakarang militarista sa gubyerno. Malinaw na ang anti-teroristang pandirigma ng US ay itinuturing ng papet na rehimen na ginintuang oportunidad para ialok ang kalupaan, tropa at serbisyo ng Pilipinas sa agresyong imperyalista kapalit ng mas malaking ayudang militar at pinansyal at iba pang mga pabor sa negosyo at kalakalan. Todong pangangayupapa sa patakarang panlabas at militarismo sa loob ng bansa ang sinasandigan ng reaksyunaryo at papet na rehimen sa kalagayang binabayo ang bansa at buong daigdig ng napakatinding krisis.

Sa lawak, tindi at brutalidad ng pananalasa sa kanayunan ng kauupo pa lamang na rehimeng Macapagal-Arroyo, di hamak na nalampasan na nito ang kalupitan ng pinatalsik na rehimeng Estrada.

Pangunahing target ng militarisasyon ang isla ng Mindoro makaraang isagawa roon ang matagumpay na pagpapalaya kay Maj. Noel Buan noong Abril 6. Isinasagawa roon hindi lamang ang malawakan, malakihan at tuluy-tuloy na mga operasyong search and destroy kundi maging ang malaganap na pandudukot, pamamaslang at panliligalig sa mga baryong pinaghihinalaang sumusuporta sa rebolusyonaryong kilusan.

Mas kailangang paghandaan nito ang malupit na pagtutuluy-tuloy at balak pang pagpapatindi ng mga atake ng rehimen. Sa harap ng matinding pananalakay na ginagawa ngayon ng rehimen sa mga larangang gerilya at baseng masa ng BHB, hindi uubra ang unilateral lamang na pagdedeklara at pagpapatupad ng Partido ng tigil-putukan.###

Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.