|
| Disyembre 15 hanggang Enero 6 ang maliwanag na epektibidad ng tigil-putukan na ipatutupad ng Bagong Hukbong Bayan
Gregorio "Ka Roger" Rosal Spokesperson Communist Party of the Philippines
Disyembre 13, 2001 Sa pagdedeklara ng rehimeng Macapagal-Arroyo ng tigil-putukan na hanggang Enero 6 lamang, ang magiging maliwanag na epektibidad ng naunang deklarasyon ng Partido Komunista at ng NDFP ng tigil-putukan ay mula hatinggabi ng Disyembre 15 hanggang hatinggabi ng Enero 6 din lamang. Ang pagpapatupad ng Bagong Hukbong Bayan ng tigil-putukan nitong Kapaskuhan ay nakakundisyon sa sabay na pagpapatupad rin nito ng mga sandatahang pwersa ng pamahalaan. Sa harap ng nananatiling matinding konsentrasyon ng AFP, PNP, CAFGU at iba pang armadong pwersa ng gubyerno sa mga rebolusyonaryong base ng BHB, hindi maaaring magpatupad ng tigil-putukan ang huli nang hindi rin kasabay na nagpapatupad nito ang mga naturang pwersa ng gubyerno. Pinakamainam, kung bukod sa pagdedeklara ng tigil-putukan, iaatras din ng gubyerno ang matitinding konsentrasyon ng mga sandatahang pwersa nito.
Hinihiling din namin na kagyat na gawin na ng rehimeng Macapagal-Arroyo ang nararapat na mga hakbangin para sa matagal nang naantalang pagbubuo ng Joint Monitoring Committee sa pagpapatupad ng Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL). Matagal nang nakahanda ang mga rekisito sa panig ng Partido, NDFP at BHB at ang hinihintay na lamang ay ang bahagi ng gubyerno. Malaki ang pangangailangan para rito, laluna�t nitong unang taon ng rehimen ay ibayong naging matindi at malaganap ang paglabag sa karapatang-tao ng mamamayan sa kamay ng mga sandatahang pwersa ng gubyerno.###
Back to top
|
|
|
|