Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Recent Releases Recent statements Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    Pilipino EnglishBisayaIloko
   

Si Macapagal-Arroyo: �Little brown sister� ni Bush!

Gregorio "Ka Roger" Rosal
Spokesperson
Communist Party of the Philippines
Pebrero 09, 2002

Kabaligtaran ng katotohanan ang pinagsasabi ni Gloria Macapagal-Arroyo na ang mga salungat sa Balikatan 02-1 ay maka-Abu Sayyaf at hindi Pilipino.

Sino ba ang numbero unong bulag na tagasunod ng bawat patakaran ng imperyalismong US sa Pilipinas, sa kapinsalaan ng bansa at mamamayang Pilipino?

Sino ba ang nangungunang tagabandera ng gera ng agresyon ni Bush laban sa Afghanistan at ng pagbaling nito ngayon sa gerang walang hangganan laban sa mga "terrorista" sa lahat ng dako ng mundo?

Sino ba ang pangunahing nagtataguyod at nagbibigay-katwiran sa interbensyon ng US sa mga panloob na usapin ng bansa hanggang sa pagbubukas at pag-aanyaya sa armadong panghihimasok ng mga tropa ng US sa bayan, pati na sa mga larangan ng digmaan, na sadyang labag sa konstitusyon ng sarili niyang gubyerno, at gumawa pa ng sikretong pakikipagkasundo sa presidente ng US kaugnay nito at iba pang usaping militar?

Sino ba ang nagsisilbing punong tagatangkilik at nagtatakip para sa mga upisyal sa mataas na kumand ng AFP na alam ng lahat na silang naglalaro sa usapin ng Abu Sayyaf, nakikipagkutsabahan at namomorsyento sa kanila kaugnay ng ransom ng mga hostage at nag-aayos ng maluwag na paglusot ng mga bandido mula sa pagkakasukol at pagkakagapi?

Sino ba ang pinakapinanggagalingan ng mga order para sa matindi at malupit na militarisasyon at mga pang-aabusong militar na nagdudulot ng di pa napapantayang malawakan at walang pakundangang pagpatay, tortyur, panggigipit, maramihang pagpapalikas at iba pang paglabag sa karapatang-tao, laluna sa mga lugar sa kanayunan kung saan malakas ang rebolusyonaryong kilusan?

Sino ba ang sukdulang promotor at tagapagpatupad ng patakarang "globalisasyon" ng US na nangwawasak sa industriya, agrikultura at ekonomya ng Pilipinas at nagdudulot ng ibayo pang karukhaan at paghihirap ng mamamayang Pilipino?

Sino ba ang una sa lahat sa pagtitiyak na manatili ang di makataong antas ng sahod ng mga manggagawa at nagkakait sa kanila ng makatarungang nakabubuhay na sahod upang makapang-akit ng mga dayuhang mamumuhunan na interesado lamang sa napakamurang lakas-paggawa sa bansa?

Sino ba ngayon ang pinakamalaking isponsor ng malakihang katiwalian sa gubyerno at nakikipagkutsabahan sa mga katulad nina Danding Cojuangco, Lucio Tan at iba pang kroni nina Marcos and Estrada laban sa kapakanan ng bayan at ng masa ng sambayanan?

Si Gloria Macapagal-Arroyo mismo ang siyang pinakaresponsable sa lahat ng ito. Siya ang sukdulang maka-US at anti-Pilipino. Sa sobrang pagmamahal niya kay Bush, hindi lamang siya gaya-gaya sa kanyang imperyalistang amo, sunud-sunuran rin siya sa anumang gustong ipagawa sa kanya ni Bush. Siya�y isang �little brown sister� ni Bush, at wala nang iba pa.

Dapat kundenahin ng buong bansa at mamamayang Pilipino si Gloria Macapagal-Arroyo dahil sa kanyang lubus-lubusang pagkapapet at mga antinasyunal at antimamamayang patakaran, satsat at gawa. Taksil siya sa Pilipinas at karapat-dapat na itrato na persona-non-grata ng mamamayang Pilipino.

Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.