Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Recent Releases Recent statements Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    Pilipino EnglishBisayaIloko
   

Bakit ayaw ng GRP na magdeklara ng SOMO sa limang prubinsya sa Mindanao para sa pagpapalaya ng mga POW?

Gregorio "Ka Roger" Rosal
Spokesperson
Communist Party of the Philippines
Pebrero 10, 2002

Idineklara nitong Pebrero 8 ni Gen. Eduardo Ermita, tagapayo ni Macapagal-Arroyo sa usapang pangkapayapaan, na hindi ipatutupad ng GRP ang suspensyon ng mga operasyong militar sa limang prubinsya sa Mindanao para sa pagpapalaya ng Bagong Hukbong Bayan sa hawak nitong mga bihag ng digma. Ang pagtangging ito ay sumasagka sa maayos na pagpapalaya ng mga bihag ng digmang nasa pangangalaga ng Valentin Palamine Command ng BHB sa Malayong Timog Mindanao, kabilang si Sergeant Jeremias Rosete at tatlo pang espiya ng AFP.

Mula pa sa nakaraan, di mabibitiwang rekisito sa pagpapalaya ng mga bihag ng digma ng BHB ang pagtiyak muna na nagpapatupad ang GRP ng SOMO sa mga lugar na sasaklawin ng pagpapalaya. Ito ay upang iwasang magka-enkwentro ang BHB at AFP/PNP na sadyang naglalagay sa peligro ng buhay ng mga bihag, custodial unit ng BHB, mga di-armadong pwersang may kaugnayan sa pagpapalaya at iba pa.

Tanong ni Ermita kung bakit ang SOMO ay kailangang ipatupad sa saklaw na sinlawak ng limang prubinsya. Kailangan ito upang maiwasan ang posibleng mga patraydor na operasyon ng AFP/PNP sa mga daraanan at lugar ng pagpapalaya sa mga bihag ng digma at upang maiwasang pag-initan ng AFP/PNP ang isang makitid na lugar na sa tingin nila�y pinagbinbinan sa mga bihag ng digma. Mapait ang aral na natutunan ng BHB kaugnay ng pagpapalaya kay Philippine Army Major Noel Buan, dahil mula pa pinalaya siya sa Oriental Mindoro noong Abril 2001, matagalan at walang-patid na binubugbog ang prubinsa ng malalaki at malulupit na operasyong militar ng AFP.

Gusto rin ni Ermita na basta pakawalan na lamang at pauwiin ng BHB ang mga bihag ng digma. Hindi ito maaari, dahil ang mga ito ay nananatiling nasa responsabilidad ng BHB hanggat walang pormal na proseso ng turn-over sa GRP na upisyal ding sinasaksihan ng International Committee of the Red Cross, mga pamilya ng mga bihag, mga doktor at iba pang kailangang makatiyak na ang mga bihag ay buhay at maayos na trinato at makita ang aktwal na pagpapalaya ng BHB sa mga bihag.

Ngunit may iba pang tusong layunin ang GRP sa pagtatangging magpatupad ng SOMO para sa pagpapalaya ng mga bihag ng digma: Ginagamit ito ngayon ng GRP para palabasing itim ang puti at palabuin ang mga isyu. Ayon kay Silvestre Bello III, punong negosyador ng GRP peace panel, kaya naaantala ang muling pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan ay dahil sa �nabibigo ang BHB na palayain ang mga bihag ng digma nito�.

Binabaluktot at binabaligtad nito ng katotohanan: Ang NDFP ang siyang puspusang nagpupursige na maituloy ang usapang pangkapayapaan. Sa kabilang banda, ang rehimeng Macapagal-Arroyo ang siyang sumasagka rito. Nitong mga nakaraang buwan, batay sa kung anu-anong di-matuwid na pagdadahilan, paulit-ulit na sinuspindi ng rehimen at pinigil ang mga naitakda nang pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan.

Sadyang tinatanggihan ng GRP ang pagpapatupad ng SOMO sa mga lugar sa Mindanao na masasaklaw ng pagpapalaya ng mga bihag ng digma upang masagkaan ang maayos na pagpapalaya nila at, sa gayon, magamit ito bilang dagdag na katwiran sa patuloy na pagtangging maituloy na ang usapang pangkapayapaan, at upang mabigyang-prayoridad at maibwelo ang paglulunsad ngayon doon ng malakihan at matinding operasyong militar ng AFP.

Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.