Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Recent Releases Recent statements Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    Pilipino EnglishBisayaIloko
   

Nanganganib ang usapang pangkapayapaan

Gregorio "Ka Roger" Rosal
Spokesperson
Communist Party of the Philippines
Pebrero 11, 2002

Taliwas sa sinasabi ni Silvestre Bello, punong negosyador ng GRP peace panel, hindi lamang naaantala ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng NDFP at GRP. Sa katunayan, nanganganib na itong magwakas sa harap ng lantarang paglapastangan ng rehimeng Macapagal-Arroyo sa pambansang soberanya kaakibat ng pagbibigay-daan nito sa armadong panghihimasok ng mga tropang Amerikano sa Pilipinas.

Ang pagrespeto sa pambansang soberanya ay isa sa mga saligang prinsipyong kapwa pinagkaisahan ng NDFP at GRP sa pinirmahan nilang The Hague Joint Declaration of 1992 na nagsisilbing balangkas ng usapang pangkapayapaan ng NDFP-GRP.

Kung hindi handa ang GRP na itaguyod ang saligang prinsipyo ng pambansang soberanya, sadyang hindi rin nito handang humarap sa seryosong pag-usuap kaugnay ng mga saligang usaping pampulitika, pang-ekonomya at panlipunan.

Dahil sa tahasang paglapastangan ng rehimeng Macapagal-Arroyo sa pambansang soberanya, seryosong kinukunsidera ng Pambansang Konseho ng NDFP kung makabuluhan pang ipagpatuloy ang pakikipag-usap sa rehimen.

Sa mga nakaraang buwan, walang ipinakitang interes si Macapagal-Arroyo at ang kanyang gubyerno na isulong ang usapang pangkapayapaan at gamitin itong daluyan upang maharap at malutas ng mga saligang usapin at makamit ang makatarungan at pangmatagalang kapayapaan. Sa kabilang banda, gumawa pa ang rehimen ng sunud-sunod na mga hakbangin upang sagkaan ang pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan:

1. arbitraryong pagsuspinde ng usapan noong Agosto 2001 matapos ang makatarungang pagpataw ng BHB ng rebolusyonaryong kaparusahan kay Col. Rodolfo Aguinaldo, isang notoryus na pasista;

2. muling arbitraryong pagsuspinde ng nakatakdang pormal na muling pagbubukas ng usapan sa Norway noong Dis. 10-14 at pagkatapos nito na namang Enero 7;

3. paglilimita na lamang ng usapang pangkapayapaan sa back channel talks upang maitago ito, maalisan ng pormalidad at makapon;

4. pamimilit na baguhin ang ilang mahahalagang kaisahan sa The Hague Joint Declaration of 1992, tulad ng hakbang-hakbang at masinop na proseso ng pagtalakay at pagreresolba ng mga saligang usapin.

Sa harap ng mga ito, nasasagad na ang pagtitimpi ng NDFP na huwag munang tapusin ang usapang pangkapayapaan. Sa mga nakaraang buwan, ilang ulit na pinagbigyan ng NDFP ang GRP sa iba�t ibang kundisyon ng GRP sa hangaring maipagpatuloy pa rin ang usapan.

Sa kabila ng lahat nito, walang ipinakita ang GRP na hakbangin upang remedyuhan ang pamiminsala nito sa usapan. Sa halip, gumawa pa ito ngayon ng higit na malaking sagka sa pagpapatuloy ng usapan sa pamamagitan ng pagtangkilik sa armadong panghihimasok ng US sa bansa.

Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.