Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Recent Releases Recent statements Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    Pilipino
Read media release   

Permanenteng presensyang militar�tunay na pakay ng US

Gregorio "Ka Roger" Rosal
Spokesperson
Communist Party of the Philippines
Agosto 01, 2002

Higit na lumilinaw na ang tunay na pakay ng imperyalismong US at papet na rehimeng Macapagal-Arroyo sa Balikatan 02-01 ay upang bigyang-daan ang pagtataguyod ng permanenteng presensyang militar ng US sa Pilipinas.

Katumbas nito, sa esensya, ang muling pagtatatag ng mga base militar ng US sa bansa. Sa balatkayong "pagsasanay", maaaring pumwesto, magtayo ng kanilang mga pasilidad at magsagawa ng mga operasyon sa alinmang panig ng Pilipinas ang mga tropang Amerikano.

Nasa balangkas ng pagtitiyak ng permanenteng presensyang militar ng US sa bansa ang pananatili ng mga panlabang tropang Amerikano sa Basilan. Ang pinauwi lamang ay ang 355 Seebees na nagsagawa ng mga proyektong impraistraktura sa Basilan. Pinanatili ang 160 panlabang pwersa para sa unang yugto ng "Long Term Security Assistance Package Program" ng US sa Pilipinas.

Mula naman Oktubre 2002 hanggang Hunyo 2003, isasagawa ang "pagsasanay" ng AFP at militar ng US sa North at South Luzon. Dito, lalahok ang mga tropang Amerikano sa mga operasyong militar laban sa rebolusyonaryong kilusan at mga teritoryo ng Rebolusyonaryong Gubyernong Bayan.

Isa sa pangunahing mga balak ni US Secretary Colin Powell sa pagpunta sa Pilipinas bukas ay ang tiyaking mapagtitibay ang Mutual Logistics Support Agreement (MLSA), na siyang magsisilbing ligal na batayan para sa permanenteng presensyang militar ng US sa bansa. Tahasang pagyurak ito sa soberanya ng Pilipinas at paglapastangan kahit sa reaksyunaryong konstitusyon.

Para sa imperyalismong US, estratehiko ang kabuluhan ng permanenteng pag-iistasyon ng mga tropa nito sa bansa. Tulad noon, nais ng US na gamitin ang Pilipinas bilang lunsaran ng mga operasyon nito sa Southeast Asia at upang suportahan ang mga operasyon nito hanggang sa Indian Ocean at Middle East.

Estratehiko din ang Pilipinas dahil narito ang isa sa pinakamatatag na rebolusyonaryong kilusan na lubos na kinatatakutan ng imperyalismong US.

Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.