Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Recent Releases Recent statements Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    Pilipino EnglishBisaya
Read media release   

Utos ni Colin Powell ang pagdedeklara ni Macapagal-Arroyo ng all-out war

Gregorio "Ka Roger" Rosal
Spokesperson
Communist Party of the Philippines
Agosto 06, 2002

Ang pagdedeklara ni Macapagal-Arroyo ng all-out war laban sa rebolusyonaryong kilusan ay pagsunod sa utos ng US na idinikta sa kanya ni US State Secretary Colin Powell sa pag-uusap nila noong isang araw. Ang deklarasyong ito ay mahigpit na nakaugnay sa layunin nilang tiyakin ang permanenteng presensya ng mga tropang Amerikano sa bansa at bigyang-daan ang direktang panghihimasok ng mga ito sa kontra-rebolusyonaryong digma.

Ang pagdedeklarang ito ng all-out war ay bahagi ng isang buong pakana na dinisenyo ng US na hahantong sa "paghiling" ni Macapagal-Arroyo ng "tulong " ng US sa paglaban sa NPA.

Bago pa man ng deklarasyong ito, binalak na ng papet na rehimen at ng US ang susunod na nga "pasasanay militar" sa labas na ng erya ng Abu Sayyaf at sa mga erya ng Bagong Hukbong Bayan at mga organo ng kapangyarihang pampulitika ng rebolusyonaryong kilusan.

Matapos ng diumano'y pagbali sa gulugod ng bandidong grupong Abu Sayyaf, ibinabaling na ng rehimeng US-Macapagal-Arroyo ang tutok nito sa Bagong Hukbong Bayan. Batay sa mga pabagu-bagong mga aregluhan, lumalaki nang lumalaki ang puwang upang tuwirang lumahok ang mga tropang US gaya ng nasimulan na sa Basilan.

"Kung mayroon man silang ipinapahayag na pulitika, basta't terorista ginigiyera natin iyon," idineklara ng mismong punong papet na si Arroyo na pilit na nagbubulag-bulagan sa sa pagkakaiba ng rebolusyonaryong hukbo ng mamamayan at mga bandido at sindikatong kriminal. Lasing na lasing si Macapagal-Arroyo sa "kontra-terorismo" na inisponsor ng amo niyang si Bush.

Ipinahiwatig din ng punong papet na si GMA na saklaw ng kanyang all-out war maging ang mga ligal at demokratikong kilusang masa. Anang punong papet, "Tayo'y maglulunsad ng pakikidigma laban sa mga kriminal, mga terorista, mga drug addict, mga kidnaper, mga ismagler at mga nananakot/nanggugulo sa mga pagawaang nagbibigay ng trabaho."

Hindi na kami nagulat sa deklarasyong ito ni Macapagal-Arroyo ng all-out war. Katunayan, ilang buwan nang rumaragasa sa mga sonang gerilya ang todo-todong kontra-rebolusyonaryong digma AFP.

Pagkaupong-pagkaupo sa poder noong Enero 2001, palihim nang iniutos ni Macapagal-Arroyo ang malawakang pananalakay ng teroristang AFP at PNP sa mga larangang gerilya kahit pa idineklara niyang ipagpapatuloy ng kanyang gubyerno ang pakikipag-usapang pangkapayapaan sa NDFP.

Hindi nagtagal, ibinasura na rin ni Macapagal-Arroyo ang usapang pangkapayapaan.

Mula noong ikatlong kwarto ng 2001, libu-libong tropa na ng AFP ang ipinakat ng rehimeng Macapagal-Arroyo laban sa rebolusyonaryong kilusan. Kasabay ng pananalasa ng AFP sa mamamayan sa Basilan, Sulu at Zamboanga, malawakang pamiminsala ang idinulot din ng mga pasistang tropa sa daan-daan libong mamamayan sa Southern Tagalog (partikular sa Laguna at Oriental Mindoro), sa Cagayan Valley (laluna sa Isabela), sa Central Luzon (laluna sa Tarlac at Pampanga), sa Central Visayas (laluna sa Bohol) at iba pang lugar na malakas at malawak ang rebolusyonaryong kilusan.

Sa Timog Katagalugan lamang, daan-daan nang mga karaniwang sibilyan ang biktima ng walang habas na pamamaslang, masaker, maramihang panghuhuli at pagkukulong na ang palaging dahilan ng mersenaryo at teroristang militar ni Gloria ay mga NPA o tagasuporta

ng NPA ang mga kawawag biktima. Karamihan sa mga pinaslang na sibilyan ay mga aktibista at maslider ng mga organisasyong masa na aktibo sa pakikipaglaban para sa kagalingan at karapatan ng kanilang kinabibilangang mga sektor.

Ang rebolusyonaryong kilusan ay palaging nakahanda sa all-out war ng sinumang punong tuta ng papet na republika. Kailanman ay hindi nito kinatakutan ang anumang banta ng mabangis na pananalakay ng mga mersenaryong tropa ng papet na republika at maging ang presensysa at banta ng agresyon ng mga tropang Amerikano.

Bilang tugon sa deklarasyon ng all-out war, ibayong paiigtingin ng rebolusyonaryong kilusan ang armadong pakikibaka at ilulunsad ang mga taktikal na opensiba sa pinakamahinang bahagi ng kaaway.

Nakahanda ang Partido na pamunuan ang isang patriyotikong gera oras na direktang makialam ang mga tropang Amerikano, kabilang ang pagpasok sa loob ng mga teritoryo ng Rebolusyonaryong Gubyernong Bayan.

Ang nakaraan at magkakasunod na papet na papet na mga rehimeng Marcos, Aquino, Ramos at Estrada ay pawang nagtangkang wasakin,durugin at lipulin ang rebolusyonaryong kilusan. Ngunit lahat sila ay lubos na nangabigo. Tinitiyak ng mga rebolusyonaryo at komunistang Pilipino na mabibigo rin ang papet na rehimeng Macapagal-Arroyo sa mersenaryong layunin nitong lupigin ang rebolusyonaryo at patriyotikong pakikibaka ng sambayanang Pilipino.



Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.