Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Recent Releases Recent statements Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    Pilipino EnglishBisaya
Read media release   

Bakit mabibigo ang all-out war ng rehimeng Macapagal-Arroyo at digmang agresyon ng US sa Pilipinas

Gregorio "Ka Roger" Rosal
Spokesperson
Communist Party of the Philippines
Agosto 14, 2002

Puspusan ang paghahanda ng imperyalismong US sa paglulunsad ng digmang agresyon sa Pilipinas katuwang ng deklarasyon ng all-out war ng rehimeng Macapagal-Arroyo. Ang pagsasama sa Partido Komunista ng Pilipinas at Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa listahan ng umano�y mga �dayuhang teroristang organisasyon� at ang mga kaakibat na hakbanging isinasagawa ng US ay pawang mga paghahanda upang bigyang-katwiran ang pagyurak nito sa pambansang soberanya ng Pilipinas at paglulunsad ng digmang agresyon sa mga teritoryo ng Rebolusyonaryong Gubyernong Bayan.

Kinakailangang kumilos ang mga rebolusyonaryo at progresibong pwersa upang hadlangan ang digmang agresyon bago pa man ito aktwal na mailunsad at biguin ito oras na pumasok na ang mga tropang Amerikano sa Pilipinas. Kinakailangang pagkaisahin ang mamamayan, itaas ang kanilang diwa ng militanteng patriyotismo at pakilusin sila sa lahat ng larangan ng paglaban, kapwa armado at di armado.

Kinakailangang matalas na tukuyin at samantalahin ang mga estratehiko at taktikal na kahinaan ng imperyalismong US. Sa kasalukuyan, maraming litaw na pang-ekonomya at pampulitikang bulnerabilidad ang imperyalismong US at ang rehimeng Macapagal-Arroyo na kinakailangang sagpangin ng mga rebolusyonaryo at patriyotikong pwersa. Ang mga ito�y pawang nagpapakita kung bakit mabibigo at papaano bibiguin ang US at rehimeng Macapagal-Arroyo sa hangarin nilang wakasan ang armadong rebolusyonaryong kilusan sa Pilipinas.

Kabilang sa mga ito ang sumusunod:

1) Ang lumulubhang pampulitikang pagkakahiwalay at pagkamabuway ng rehimeng Macapagal-Arroyo at ang maigting na tunggalian ng mga reaksyunaryo. Sadyang mahihirapan ang rehimeng Macapagal-Arroyo na maghikayat ng suporta para sa all-out war at digmang agresyon ng US laluna oras na direktang pumasok na ang mga tropang Amerikano at malantad ang mga paglabag sa mga karapatang-tao at malawakang pananalanta sa kabuhayan ng masa. Katunayan, di direktang iniuudyok ni Macapagal-Arroyo ang diwa ng patriyotismo na mabilis na kumakalat laluna sa hanay ng masang anakpawis pati na sa mga kabataan at iba pang sektor.

Sa kabilang panig naman, kahit ang ilang reaksyunaryong pulitiko ay hindi handang sumuporta sa direktang panghihimasok ng US sa mga panloob na usapin sa Pilipinas. Hindi katulad ni Macapagal-Arroyo, mayroon pa silang naitirang diwa ng respeto sa pambansang integridad at kasarinlan ng Pilipinas.

2) Ang patuloy na lumalalang sosyo-ekonomikong krisis ng naghaharing sistema. Kahit pa puspusang suportahan ng imperyalismong US ng ilampu o ilandaang milyong dolyar ang all-out war laban sa rebolusyonaryong kilusan, tiyak itong hihigop nang hihigop ng napakalaking rekurso ng bangkarote nang ekonomya ng Pilipinas.

3) Mabilisang digma laban sa matagalang digmaan. Nais ng imperyalismong US at reaksyunaryong rehimen na mabilis na tapusin ang kontra-rebolusyonaryong digma. Subalit mabibigo sila rito. Nakahanda at may kakayahan ang rebolusyonaryong armadong kilusan na ibayo pang isulong at itaas ang antas ng matagalang digmang bayan na ngayon ay nasa anyo ng malawak at masinsing pakikidigmang gerilya na nagtatamasa ng papalawak at papalalim na suporta ng mamamayang Pilipino. Katulad ng pinatunayan sa karanasan ng China, Vietnam at Korea, habang tumatagal ang digmang bayan, lalo itong lumalakas at lumalawak. Lalo ring humihina ang naghaharing mapang-aping sistema, ang reaksyunaryong rehimeng nangangalaga rito at ang imperyalismong US na ngayo�y desperadong makaahon mula sa krisis.

4) Ang paglahok ng ground troops ng US. Sa hangaring wakasan kaagad ang kontra-rebolusyonaryong digma at makamit ang absolutong superyoridad ng pwersa, kakailanganin ng imperyalismong US at AFP na magpakilos ng lampas sa daanlibong tropa sa buong bansa. Kakailanganing maramihang magpakilos ang imperyalismong US ng mga ground troops, bagay na hindi pa nila muling puspusang ginagawa mula noong digmain nila ang mamamayang Vietnamese. Sa malao�t madali, tiyak na daranasin ng US ang paparaming kaswalti sa mga tropang Amerikano na pawang mga bulnerableng target ng mga taktikal na opensiba ng hukbong bayan.

5) Ang mga pang-ekonomyang interes ng US sa bansa. Kabilang sa mga ito ang operasyon ng mga kumpanyang multinasyunal na pag-aari ng malalaking monopolyo kapitalistang Amerikano. Maaaring maglunsad ang mga patriyotikong manggagawa ng mga welga sa mga empresang ito bilang protesta sa walang-habas na pagyurak sa pambansang soberanya ng Pilipinas.

Bukod rito, malawak ang mga opsyon ng BHB upang kalkuladong ipitin ang operasyon ng mga kumpanyang multinasyunal na ito, laluna sa loob ng mga sonang gerilya, at maging sa labas. Makikita ng mga kumpanyang multinasyunal ng US ang disbentahe sa kanila ng paglulunsad ng digmang agresyon ng US sa Pilipinas.

6) Kilusang anti-digma sa loob ng US at buong mundo. Sa malao�t madali, ang pagiging mapang-api at mapanalanta ng digmang agresyon ng US sa Pilipinas ay malalantad sa mamamayang Amerikano at mamamayan ng buong daigdig. Maaari nitong ibunsod ang isang malawak na kilusang anti-digma sa US na katulad ng kilusang anti-digma doon noong dekada 1960. Habang dumarami ang mga kaswalti sa hanay ng mga tropang Amerikano, mababasag ang ilusyon ng invincibility ng digmang high-tech ng US at hihina ang suporta sa mga Amerikanong sumusuporta sa digmaan sa kundisyong hindi mapapahamak ang mga tropang Amerikano.

Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.