Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Recent Releases Recent statements Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    Pilipino EnglishBisaya
Read media release   

Hindi kailanman luluhod kay GMA ang rebolusyonaryong kilusan

Gregorio "Ka Roger" Rosal
Spokesperson
Communist Party of the Philippines
Agosto 17, 2002

Napakalaki ng ilusyon ni Macapagal-Arroyo na mapaparalisa ang rebolusyon sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga kautusan ng gubyerno ng US, The Netherlands at United Kingdom na ipitin ang pondo ng rebolusyonaryong kilusan na diumano'y nagmumula sa ibang bansa.

Ang Partido, Bagong Hukbong Bayan at buong rebolusyonaryong kilusan ay pawang nakapagpanatili ng sarili at lumalawak, pangunahin, sa pamamagitan ng pagsandig sa sarili at hindi dahil sa anumang ayudang nagmumula sa ibang bansa.

Ang paparaming armas na nasa kamay ng mga mandirigma ng NPA ay nakukuha sa pamamagitan ng paglulunsad ng mga taktikal na opensiba laban sa AFP at PNP. Marami rin sa mga armas ng NPA ay kusang isinuko ng mga sundalo, pulis at mga tauhan ng CAFGU.

Higit sa lahat, patuloy na susulong ang rebolusyonaryong kilusan dahil patuloy nitong ipinaglalaban ang kapakanan at tinatamasa ang mainit na suporta ng masang pinagsasamantalahan at inaapi.

Sa kabilang banda, lalong pinatitingkad ng mga pakanang panggigipit ni Macapagal-Arroyo na wala itong ibang interes kundi durugin ang rebolusyonaryong paglaban ng mamamayan. Wala itong kahit katiting na interes na harapin at lutasin ang laganap na pagsasamantala at pang-aapi, na siyang pinag-uugatan ng gera sibil sa bansa.

Nagkakamali ang rehimeng Macapagal-Arroyo kung inaakala nito na mapipilitan ang rebolusyonaryong kilusan na isaisantabi ang mga prinsipyong ipinaglalaban nito at sumuko na lamang nang dahil sa sarisaring paraan ng panggigipit ngayon dito. Kailanman ay hindi luluhod ang Partido Komunista ng Pilipinas at buong rebolusyonaryong kilusan kay Gloria Macapagal-Arroyo.

Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.