Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Recent Releases Recent statements Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    Pilipino EnglishBisayaHiligaynonIloko
Read media release   

Ang rehimeng Macapagal-Arroyo ang pangunahing responsable sa kalunus-lunos na kinasapitan ng ating mga kababayang pinalalayas ngayon mula sa Malaysia

Gregorio "Ka Roger" Rosal
Spokesperson
Communist Party of the Philippines
Setyembre 01, 2002

Mariing kinukundena ng Partido Komunista ng Pilipinas ang rehimeng Mahathir ng Malaysia sa hindi makataong pagpapalayas at pagpapahirap na ginagawa nito sa daanlibong Pilipinong lumikas at nanirahan sa Sabah, Malaysia. Dapat itong sama-samang kundenahin ng buong sambayanang Pilipino, hingin ang kagyat na pagpapatigil dito at humingi ng bayad-pinsala para sa libu-libong mga biktima nito.

Ngunit ang higit na kinukundena ng Partido Komunista ng Pilipinas ay ang gubyernong Macapagal Arroyo at mga nauna ritong mga papet na rehimen. Sila ang pangunahing responsable sa kalunus-lunos na kinasapitan ng ating mga kababayang napilitang lumikas at manirahan sa Malaysia. Prinsipal na dahilan ng kanilang paglikas patungong Malaysia ay ang matinding dulot ng kapabayaan ng reaksyunaryong gubyerno at ng walang habas na mga operasyong militar sa baliw na layunin ng rehimen na supilin at puksain ang lehitimong pakikibaka ng mga mamamayang Bangsa Moro.

Bahag ang buntot ng mga nakaraan at kasalukuyang papet na rehimen sa pagharap sa alinmang dayuhang gubyerno sa pakikipaglaban para sa kapakanan ng mga Pilipinong naninirahan at nagtatrabaho sa ibang bansa. Ngunit ibayo ang lupit nito sa sariling mga mamamayan kapag ipinahayag ng mga ito ang kanilang mga karaingan at ipinaglaban ang kanilang mga karapatan.

Matagal nang alam ni Macapagal-Arroyo na napipinto ang pagpapalikas sa mga Pilipinong naninirahan at nagtatrabaho sa iba�-ibang panig ng Malaysia dahil na rin sa krisis sa ekonomya na dinaranas nito kapareho ng mga karatig nitong bansa. Ngunit tulad rin ng ginawang pagpapabaya ng kanyang rehimen sa sinapit ng iba pang mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibayong dagat, naghalukipkip lamang ito habang abalang-abala sa kanyang mga gimik para mahalal sa 2004 at sa baliw na kampanyang panunupil sa mga kritiko at lantarang lumalaban sa kanyang rehimen.

Nagkunwang kumikilos si Macapagal-Arroyo nito na lamang pumutok na sa midya ang pagmamalabis at pagpapahirap ng mga awtoridad ng Malaysia sa mga Pilipinong naninirahan at nagtatrabaho doon. At nito ngang uminit na ang isyu at nagsimula na ang mga kilos protesta laban sa pandarahas na ito ng Malaysia, tila ang pangkating Macapagal-Arroyo pa ang tumatayong tagapagpakalma sa nag-iinit na taumbayan at tagahingi ng paumanhin sa marahas at mapanupil na rehimeng Mahathir ng Malaysia.

Ang mga kapatid nating taga-Mindanao na lumikas at nanirahan sa Malaysia at ngayo�y biktima ng makahayop na pagtrato roon ng rehimeng Mahathir ay biktima ng dalawang mapanupil na gubyerno. Katulad ng nakararaming mamamayang Pilipino, biktima sila ng ganap na kapabayaan ng nakaraang mga papet na rehimen sa Pilipinas at nitong huli, ng mapanupil na diktadurang rehimeng Mahathir ng Malaysia. Ngayo�y sapilitan silang naibalik sa Pilipinas upang lalupang makaranas ng patuloy at papalubhang panunupil at pagsasamantala dito sa sariling bayan. Ngayon pa nga lamang, ang video ng kanilang kalunus-lunos na kalagayan ay ginagamit na ng punong papet na si Macapagal-Arroyo sa mga gimik nito sa pulitika sa halip na maghanap ito ng mga permanenteng solusyon.

Walang maaasahang solusyon ang ating mga kababayang naghahanapbuhay sa ibang bansa saanmang dako ng mundo kundi ang magbigkis ng kanilang hanay at nagkakaisang kumilos at iugnay ang kanilang laban sa rebolusyonaryong pakikibaka ng iba pang pinagsasamantalahan at inaaping sektor sa Pilipinas.

Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.