Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Recent Releases Recent statements Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    Pilipino EnglishBisaya
   

Pagbati sa matagumpay na reyd ng BHB sa Compostela Valley

Gregorio "Ka Roger" Rosal
Spokesperson
Communist Party of the Philippines
Setyembre 26, 2002

Nais kong ipaabot ang aking maalab na pagbati sa mga magiting na Pulang mandirigma ng Merardo Arce Command ng Bagong Hukbong Bayan sa matagumpay na reyd sa istasyon ng PNP sa bayan ng Maco, Compostela Valley sa Southern Mindanao na nagresulta sa pagsamsam sa humigit-kumulang 35 armas mula sa armory nito.

Ang reyd nitong Setyembre 24 ay matagumpay na naisagawa sa mahigpit na pakikipagtulungan ng BHB sa masa sa lokalidad, laluna sa gawain ng paniniktik at pag-iipon ng impormasyon tungkol sa target na istasyon ng PNP. Sadyang ang tagumpay na ito ay kanila at sa BHB.

Bunsod ng mahusay na paggamit ng BHB ng mga mapanlansing taktika katulad ng pagpapanggap nila bilang mga sundalo ng AFP at paggamit sa presensya ng meyor doon, talagang nagmukhang katawa-tawa ang mga nakatalagang pulis sa istasyon, dahil hindi man lamang nakadepensa ang mga ito. Hindi naman ito nakagugulat na dahil, kung tutuusin, kahit saan sa bansa ay napakababa ng moral ng mga armadong pwersa ng reaksyunaryong gubyerno, laluna sa harap ng kawalan nila ng suporta mula sa masa at mabilis na pagsulong ng rebolusyonaryong armadong kilusan.

Subalit ang sadyang mas katawa-tawa ay ang katangahan ni Lt. Col. Danilo Servando na tumuring sa reyd sa Maco at sa marami pang mga taktikal na opensiba ng BHB laban sa AFP at PNP bilang mga �teroristang� gawain ng Partido at BHB.

Katulad ng nakaraang reyd sa Compostela Valley, ang mga taktikal na opensiba ng BHB ay inilulunsad laban sa mga depinido at lehitimong target-militar at palagiang nagsasaalang-alang sa kapakanan ng masa. Kahit nga ang mga pulis sa Maco na dagliang sumurender sa harap ng reyd ng BHB ay hindi pinahamak dahil kinikilala ng BHB ang kanilang mga karapatan na isinasaad sa mga internasyunal na alituntunin sa mga armadong tunggalian. Ang mga alituntuning ito, kabilang ang Geneva Conventions, pati na ang mas mahigpit na mga alituntunin sa disiplina ng BHB ay puspusang itinataguyod at sinusunod.

Kaiba dito ang sobra-sobrang kapahamakan sa masa na sadyang direktang target ng mga kontra-rebolusyonaryong operasyon ng AFP at PNP. Kabilang sa pananalasa nila ang pwersahang pagpapalikas sa mga tao, pagpapa-ulan ng bala at panununog ng mga bahay ng mga sibilyan, arbitraryong pagpatay at tortyur, paninira ng pananim at kabuhayan ng masa at iba pang katampalasan laluna laban sa mga magsasaka at mga katutubong mamamayan. Pinakagrabe ang gayong pasista-teroristang pang-aabuso sa Basilan, Mindoro, Laguna, Bohol, Negros, Panay, Central at Northern Luzon.

Sa loob lamang ng isa at kalahating taon, mula Enero 22, 2001 hanggang Hulyo 15, 2002, mayroon nang naitalang 1,334 kaso ng mga paglabag sa karapatang-tao. Mahigit 37,164 ang biktima ng mga paglabag ng AFP sa mga karapatang-sibil. Sa kasalukuyan, mayroong 167 mga bilanggong pulitikal sa 63 bilangguan.

Ang mga ito�y pawang paglabag sa mga internasyunal na alituntunin at batas sa usapin ng armadong tunggalian. Sa pagsisikap ng mga organisasyong nagtataguyod sa karapatang-tao, ang mga ito�y dokumentado hindi tulad ng mga gawa-gawang at iresponsableng paratang ng AFP na hindi papasa sa pagsusuri ng sinumang imparsyal na hukom.



Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.