Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Recent Releases Recent statements Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    Pilipino EnglishBisaya
   

Ang dalawang reyd ng BHB ay nakatuon sa mga lehitimong target-militar at hindi mga �terrorist act�

Gregorio "Ka Roger" Rosal
Spokesperson
Communist Party of the Philippines
Setyembre 29, 2002

Ang dalawang matagumpay na reyd ng Bagong Hukbong Bayan sa Maco, Compostela Valley at Lopez, Quezon ay pawang inilunsad laban sa mga lehitimong target militar.

Sa kaso ng reyd sa Quezon, napansin kahit ni Mayor Sonny Ubana kung papaanong pinangalagaan ng mga mandirigma ng BHB ang kapakanan ng mga sibilyan, laluna ang mga bata, at tiniyak na hindi sila mapapahamak sa labanan.

Kung kaya't sadyang malaking katangahan ang sabihin ng AFP at ng Malakanyang na ang mga ito'y �terrorist acts.� Napakalayo nito sa terorismo.

Hindi terorismo ang paglulunsad ng mga armadong aksyon laban sa AFP at PNP. Sa takbo ng armadong tunggalian, ang mga aktibong elemento ng sandatahang pwersa ng alinmang panig ay itinuturing na mga lehitimong target, kahit pa kinikilala rin ang mga karapatan ng mga elementong nasukol o sumuko na.

Samakatwid, ang mga elemento ng PNP ay mga lehitimong target-militar dahil ang mga ito�y aktibo sa �counter-insurgency campaign� at kung gayo�y imbwelto sa armadong tunggalian. Tinatarget ng BHB, sa pangunahin, ang pinakapusakal na mga yunit ng PNP at AFP na may malalaking kasalanan sa mamamayan. Nilalayon ng BHB na kumpiskahin ang kanilang mga armas sa hangaring putulan sila ng pasistang pangil, parusahan sa kanilang mga kasalanan sa mamamayan, itaas ang moral ng mamamayan at ibayong palakasin ang rebolusyonaryong armadong pakikibaka.

Ang dalawang matatagumpay na reyd na ito ng BHB ay nagpapakita na patuloy na sumusulong at lumalakas ang rebolusyonaryong armadong kilusan. Ang mga sandata na nakuha ay gagamitin sa pag-aarmas ng papalaking bilang ng mga bagong rekrut sa BHB.

Ipinapakita ng matatagumpay na taktikal na opensibang ito na nakahanda ang mga rebolusyonaryong pwersa na harapin at biguin ang all-out war campaign ng rehimeng Macapagal-Arroyo.

Alinsunod sa panawagan ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Pilipinas, patuloy na paiigtingin ng mga rebolusyonaryong pwersa ang armadong pakikibaka sa pamamagitan ng paglulunsad ng paparaming mga armadong taktikal na opensiba.

Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.