Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Recent Releases Recent statements Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    Pilipino EnglishBisayaHiligaynonWaray
   

Sikretong dossier, bahagi ng desperadong kampanya ng paninira sa PKP at BHB

Gregorio "Ka Roger" Rosal
Spokesperson
Communist Party of the Philippines
Oktubre 12, 2002

Kinukundena ng Partido Komunista ng Pilipinas ang pagpapalaganap ng gubyernong Macapagal-Arroyo ng isang "sikretong dossier" sa mga bansa sa European Union.

Hinahamon ko si G. Blas Ople na ilabas ang dossier na ito na sinasabi niyang nagpapatunay sa paratang nilang "terorista" ang PKP at BHB.

Kung totoong papasa ito sa mga pamantayang hudisyal, hinahamon ng PKP ang rehimeng Macapagal-Arroyo na gamitin ang dossier na ito at magsampa ng pormal na kaso sa International War Crimes Tribunal na dumidinig sa mga kaso ng "war crimes" at paglabag sa Geneva Conventions.

Ang "sikretong dossier" na ito ang pinakahuli lamang sa mga walang kwentang pampropaganda laban sa rebolusyonaryong kilusan. Bahagi ito ng isang napakadesperadong kampanya ng paninira sa BHB na kasalukuyang isinasagawa ng AFP at rehimeng Macapagal-Arroyo. Sa kampanyang ito, pilit na inilalarawang sangkot sa krimen ang BHB at may balak na maghasik ng teror sa mamamayan. Kabilang dito ang sumusunod na tahasang mga baluktot na propagandang pinalabas ng militar nitong mga nakaraang araw:

(a) na sangkot ang BHB sa pambobomba noong Oktubre 10, 2002 sa Kidapawan City, North Cotabato

(b) na kumukuha ng pondo ang BHB sa mga operasyon ng hweteng

(k) na mayroong 150 "hit squad" na inorganisa ang BHB na kasalukuyang nasa Metro Manila

(d) na may balak ang BHB na magpasabog ng mga bomba sa Metro Manila at Central Luzon;

Mahigpit naming pinabubulaanan ang lahat ng ito. Ang lahat ng ito ay sadyang walang batayan at pawang kathang-isip ng mga operatibang psywar na walang ibang nasa utak kundi ang siraan ang BHB sa lahat ng pagkakataon at paraan--kahit pa ang mga kwentong nililikha nila'y napakalayo na sa katwiran at realidad.

Hirap na hirap ang militar na dungisan ang BHB dahil sadyang napakahusay ng rekord ng hukbong bayan sa pagtataguyod sa interes ng mamamayan at pagtiyak sa kanilang kapakanan. Kaya't hindi maglalaon at malalaman din ng mamamayan na pawang kasinungalingan ang tinutuntungan ng mga desperadong propagandang inihahasik ng mga operatiba sa psywar ng AFP. ###

Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.