Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Recent Releases Recent statements Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    Pilipino EnglishBisayaHiligaynonIlokoWaray
   

Sina kasamang Abling, kasamang Daniel at kasamang Nards ay mga dakilang martir at bayani ng rebolusyon

Gregorio "Ka Roger" Rosal
Spokesperson
Communist Party of the Philippines
Oktubre 16, 2002

Mariin naming pinabubulaanan ang napakalaking kasinungalingan at panlilinlang na naman ng palpak at berdugong si Col. Palparan na ang tatlong bangkay na hinukay nila sa Mindoro ay mga biktima ng �purgahan� ng rebolusyonaryong kilusan.

Sina Ka Abling, Ka Daniel at Ka Nards ay mga martir ng rebolusyon. Si Ka Abling ay isang magiting na pulang kumander at sina Ka Daniel at Ka Nards ay mga huwarang pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) na naghandog ng kanilang buhay alang-alang sa kapakanan at kinabukasan ng sambayanang Pilipino.

Ang tatlong mga bayani at martir na ito ay nasawi sa isang matagumpay na ambus ng BHB noong Hulyo 4, 2000 sa baryo Antonino, Victoria, Oriental Mindoro. Ang mga mahal na kasamang napaslang sa naturang labanan ay pinarangalan ng mga kasama at mabilisang inilibing sa naturang lugar sa harap ng gipit na kalagayang may pursuit operation ang mga terorista at mersenaryong sundalo ng reaksyunaryong gubyerno. Ang kanilang kabayanihan ay naipaabot sa kani-kanilang mga kapamilya at mahal sa buhay.

Sina kasamang Abling, Kasamang Nards at Kasamang Daniel ay mga dakilang komunista at rebolusyonaryo na hindi nag-atubiling mag-alay ng kanilang buhay alang-alang sa mamamayan at sa kanilang rebolusyong pinamumunuan ng dakilang Partido Komunista ng Pilipinas. Sila ay mga ulirang kumander at mandirigma ng Lucio de Guzman Command at Melito Glor Command.

Ngunit ang kanilang mga labi ay tinampalasan, niyurakan at sinalaula ng mga mersenaryo at teroristang utusan ni Macapagal-Arroyo sa pangunguna ng palpak na berdugong si Col. Palparan. Ang pinalilitaw ni Palparan na sila�y mga biktima ng �purgahan� sa loob ng rebolusyonaryong ay napakalaking paglapastangan sa kanilang alaala.

Palibhasa, itong si Palparan ay napatutunayang napakalaking palpak sa �counter-insurgency� sa Mindoro Oriental at Timog Katagalugan. Wala siyang kayang gawin kundi ang pumatay ng mga walang kalaban-labang mga sibilyan at mga katutubong Mangyan at pagkatapos ay palitawing mga NPA o tagasuporta ng NPA; o kaya�y magpahukay ng mga bangkay kahit na sa mga pampublikong sementeryo upang palitawing biktima ang mga ito ng �purgahan� sa loob ng rebolusyonaryong kilusan gaya ng gusto nilang palitawin sa mga bangkay nina Kasamang Abling, Kasamang Nards at Kasamang Daniel.

Bahagi ito ng malawakang kampanyang psy-war ng utak-pulbura at punong-papet na si Macapagal-Arroyo at ng kanyang mersenaryo at mga tunay na teroristang AFP at PNP sa desperasyong ipintang pagkasama-sama ng CPP-NPA-NDFP. Nauulol na ang mga pasista kung papaanong sisiraan sa mata ng masa ang rebolusyonaryong kilusan. Naghahabi na sila ng tahasang mga kasinungalingan.

Talagang hindi nila mapaniniwala at malilinlang ang malawak na mamamayang Pilipino. Alam ng malawak ng masang magsasaka sa buong bansa na ang tatlong dekadang pakikibaka ng rebolusyonaryong kilusan ay para sa kanila kaya nga niyayakap nila at buong pusong inaangkin ang rebolusyong ito sa pamamagitan ng tuwirang paglahok dito at pagkakaloob ng pinakamahuhusay nilang mga anak para maging mga pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan. ###

Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.