Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Recent Releases Recent statements Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    Pilipino
   

Ang teroristang estado ni Macapagal-Arroyo

Gregorio "Ka Roger" Rosal
Spokesperson
Communist Party of the Philippines
Oktubre 19, 2002

Kinukundena namin ang papet na rehimeng US-Macapagal-Arroyo sa patuloy nitong pananalanta at pagpapahirap sa mga magsasaka at mga katutubo sa kanayunan ng bansa. Umaabot na sa ilampung libong pamilya ng mga magsasaka at katutubo ang biktima ng �terorismo ng estadong US-Macapagal-Arroyo� sa magdadalawang taong panunungkulan nito.

Mula Enero 22, 2001 nang magsimulang manungkulan si Macapagal-Arroyo, hanggang noong Hulyo 15,2002 may 1,334 na kaso ng mga paglabag sa karapatang-tao na bumiktima sa 37,164 katao ang naitala sa buong bansa. Sa bilang na ito, 148 katao ang biktima ng pagsalbeyds at asasinasyon, 55 ang minasaker at 14 ang dinukot ng mga militar at nawawala pa hanggang sa kasalukuyan. Bukod rito, laganap din ang iba�t ibang anyo ng mga paglabag gaya ng bigong pagpatay, walang patumanggang pamamaril, pambobomba, iligal na pang-aaresto, pagtortyur, iligal na panghahalughog, paninira at pagkakait ng ari-arian, pwersahang ebakwasyon, pagblokeyo ng pagkain, malawakang pagpapalikas, pagkakait ng atensyong medikal at iba pa.

Umabot sa 2,581 katao ang biktima sa 125 kaso ng paglabag sa karapatang-tao ng mga lider at myembro ng Bayan Muna. Dalawampu�t dalawang lider sa komunidad ng Bayan Muna ang napatay habang tatlo naman ang biktima ng masaker. May mga lider ding nakaligtas mula sa tangkang pagpatay habang may apat pang nawawala.

May 86 na kaso naman ng pagpatay sa mga aktibista at pinaghihinalaang simpatisador ng BHB. Biktima rito ang 148 katao. Mas malala ito sa rekord ng gubyernong Estrada na nakapagtala ng 59 na katulad na kaso sa loob ng 18 buwan sa poder.

Sa Basilan, mula nang paigtingin ang kampanya laban sa bandidong Abu Sayyaf, umabot na sa 3,169 ang nabiktima ng mga paglabag sa karapatang-tao. Sampu rito ay sinalbeyds, anim ang pinatay, 42 ang tinortyur, 126 ang arbitraryong inaresto habang may isa pang nawawala.

Samantala, apat na babae at anim na bata ang ikinulong upang mapwersang sumurender ang kanilang mga kamag-anak na pinaghihinalaang myembro ng Abu Sayyaf. Iligal silang nakabilanggo ngayon sa Basilan Provincial Jail at Camp Bagong Diwa sa Taguig, Metro Manila. Mahigit 100 pang pinagsuspetsahang kasapi ng Abu Sayyaf ang nakakulong sa dalawang kampo.

Ito ang higit na malala at higit na karumal-dumal na terorismo--ang terorismo ng estadong US-Macapagal-Arroyo laban sa sarili nitong mamamayan na siyang nagluklok sa kanya sa poder ng kapangyarihan sa isang pag-aalsang bayan noong Enero 2001. Ang lumalalang terorismo ng estado laban sa sarili nitong mamamayan at ang baliw na pagpapakapapet ni GMA sa imperyalismong US at kay George Bush ang siyang nagsasadlak sa buong bansa sa walang kapantay na paghihikahos at kahirapan. Ito rin ang nagtutulak sa sambayanan na sumuporta at lumahok sa pakikibaka para patalsikin si GMA at hanggang sa maipagtagumpay ang pambansang kalayaan at tunay na demokrasya.###



Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.