Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Recent Releases Recent statements Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    Pilipino
   

Narito ang reaksyon ng PKP sa mga pahiwatig ni GMA para sa muling pagbubukas ng usapang pangkapayapaan

Gregorio "Ka Roger" Rosal
Spokesperson
Communist Party of the Philippines
Nobyembre 08, 2002

1. Nananatiling bukas ang upisina ng NDFP negotiating panel upang tanggapin ang mga negosyador ng GRP. Gayunman, itinutulak itong isara ng GRP sa pamamagitan ng pangangampanya ng GRP sa Europe na ituring ang NDFP na "terorista" at gipitin ang mga tauhan at operasyon nito roon.

Kung talagang gusto ni GMA na magpatuloy ang usapang pangkapayapaan, kailangan muna nitong tahasang bawiin ang pagbabansag na "terorista" ang PKP, BHB at NDFP ang ihinto ang kampanyang pagdedeklara ng mga ito bilang "terorista."

2. Kailangang patunayan ni Macapagal-Arroyo na mayroon siyang palabra de honor. Masasayang lamang ang maraming oras ng pakikipag-usap kung hindi rin naman niya rerespetuhin ang mga kasunduang papasok ng GRP. Kailangang respetuhin at ipatupad ng GRP ang lahat ng nagdaang mga kasunduan.

Partikular na makabuluhan ang pagrespeto at pagtataguyod sa The Hague Joint Declaration, Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law. Kailangan ding kagyat na buuin ang Joint Monitoring Committee (JMC) para sa pagtukoy at pag-aksyon sa mga paglabag sa CARHRIHL.

3. Hindi papayag ang NDFP sa tinatawag na "back-channel talks". Ang mga usaping nakahapag sa negosasyon ay kailangang bukas sa mamamayang Pilipino. Kailangang pormal ang usapan, mga resolusyon at kasunduan at sumunod sa mga napagkaisahan sa The Hague Joint Declaration. Kung hindi, ang lahat ng pag-uusap ay parang nakalista sa tubig at walang bisa.

Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.