Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Recent Releases Recent statements Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    Pilipino
   

Mensahe sa mga kamag-anak, kasama at kaibigan nila Eden Marcellana at Eddie Gumanoy

Gregorio "Ka Roger" Rosal
Spokesperson
Communist Party of the Philippines
Abril 25, 2003

Sa ngalan ng Partido Komunista ng Pilipinas at ng Bagong Hukbong Bayan, nais kong ipaabot ang aking lubos na pakikidalamhati sa mga kamag-anak, kasama at kaibigan nila Eden Marcellana at Eddie Gumanoy.

Katulad niyo, lubos na naghihimagsik ang aking damdamin sa pasistang karahasang dinanas ni Eden at Eddie sa kamay ng mga demonyong berdugong tauhan ng mersenaryong AFP. Walang duda na ang pagtortyur at pagpatay sa kanila ay kagagawan ng 204th Brigade sa tuwirang utos ni Gen. Jovito Palparan.

Ang pagdukot, pagpapahirap at pagpatay kay Eden at Eddie ay lalong kasuklam-suklam dahil isinagawa ito habang sila ay nagsisiyasat sa mga kaso ng paglabag sa karapatang-tao sa Mindoro Oriental.

Malinaw na ang layunin ni Gen. Palparan sa pagtortyur at pagpatay kay Eden at Eddie ay maghasik ng takot, hindi lamang sa mamamayan ng Mindoro, kundi pati na sa mga aktibista at mga tagapagtanggol ng karapatang-tao. Nais ni Gen. Palparan na lubos na mamayani ang pasistang paghahari ng 204th Brigade sa buong isla ng Mindoro.

Sa harap ng kabiguan ng 204th Brigade na lupigin ang Bagong Hukbong Bayan sa Mindoro, desperado nilang itinutuon ang kanilang pasistang bangis sa mga sibilyan at mga aktibista. Dahil dito, lalo silang kinamumuhian at isinusuka ng mamamayan.

Subalit sa pagpatay kay Eden at Eddie, ipinakikita rin ni Gen. Palparan na takot na takot siya sa mga nagtatanggol sa karapatang-tao na buong-tapang na tumitindig at naglalantad sa kanilang mga kawalang-hiyaan, pang-aabuso, paglapastangan at pagyurak sa mga karapatan ng mamamayan. Galit na galit si Gen. Palparan sa mga tulad ni Eden at Eddie dahil ang kanilang gawain ay tumutulong sa pagbasag sa takot na inihahasik ng pasistang militar.

Nagpupugay ako kay Eden at Eddie, at sa milyun-milyong pang katulad nilang nagtataguyod at nagsusulong sa pambansa demokratikong pakikibaka ng sambayanang Pilipino.

Ipagluksa natin ang pagkawala ni Eden at Eddie. Kasabay nito, ipahayag natin ang panata na kamtin ang katarungan at parusahan ang mga demonyong pumatay kay Eden at Eddie at sa 27 pang mga aktibista sa Mindoro.

Nakahanda ang Bagong Hukbong Bayan na igawad kay Gen. Palparan ang nararapat na kaparusahan para sa lahat ng kasalanan niya at ng 204th Brigade sa mamamayan ng Mindoro. ###

Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.