Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Recent Releases Recent statements Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    Pilipino
   

Kinukondena ng Partido ang pagpaslang kay Jun Pala

Gregorio "Ka Roger" Rosal
Spokesperson
Communist Party of the Philippines
Setyembre 10, 2003

Kinukundena ng Partido Komunista ng Pilipinas ang pagpaslang kay Jun Pala, batikang komentarista sa radyo. Nakikiramay kami sa kanyang mga kamag-anak at mga kaibigan.

Si Pala ay nakilala noong dekada 1980 bilang panunahing promotor at tagapagsalita ng Alsa Masa, isang anti-komunistang grupong vigilante. Dahil dito, puspusan siyang nilabanan sa pulitika, inilantad at itinakwil.

Gayunman, hindi siya kailanman itinuring na military target ng Bagong Hukbong Bayan. Alinsunod sa prinsipyo ng paggamit ng pamamaraang pulitikal sa pakikitungo sa mga kalaban sa pulitika, siya ay tuluy-tuloy at pupusang tinunggali ng Partido at mga rebolusyonaryong pwersa sa larangan ng ideya at propaganda.

Noong dekada 1990, siya ay patuloy na sinikap na ugnayan, pinagtiyagaang himukin at malao'y nakumbinse ng mga rebolusyonaryong pwersa sa Davao na talikuran ang kanyang nagdaang pagtataguyod ng karahasan at antikomunismo, at magbaling ng batikos sa mga tunay na salot sa bayan.

Katunayan, nitong mga nagdaang taon, unti-unting nagaganap ang transpormasyon kay Pala. Naging isa na siya sa mga pangunahing kalaban ng vigilantismo, laluna ng umano'y anti-krimeng vigilantismo ng Davao Death Squad na bumibiktima sa karaniwang mamamayan at naghahasik ng teror sa mamamayan ng Davao. Nagtuon din siya sa paglaban sa korapsyon ng mga burukrata sa gubyerno.

Dahil sa pagbabangga niya ngayon sa mga pulitiko at pasistang walang prinsipyo at kating-kati ang kamay sa gatilyo, humarap siya sa banta ng karahasan mula sa mga ito. Dalawang beses na pinagtangkaang siya'y patahimikin sa kanyang pagbubulgar ng mga katiwalian at pagbatikos sa vigilantismo.

Hindi namin sinasang-ayunan ang ilan niyang gawain na hindi alinsunod sa mga pamantayan ng ethics of journalism. Kami man ay may mga puna pa rin sa kanya. Gayunman hindi dapat tawaran ang pagkundena sa pamamaslang sa kanya.

Ang pagpaslang kay Pala noong Setyembre 6 ay nagpapakita kung gaano kapeligroso ang buhay ng mga mamamahayag, laluna yaong mga nagpasyang manindigan laban sa korapsyon at terorismo ng mga reaksyunaryong pulitiko, mga warlord, mga abusadong militar at iba pang nagtataguyod ng katiwalian at karahasan kontra sa mamamayan.

Isang malaking kahungkagan ang ipinamamarali ng reaksyunaryong gubyerno na "pinakamalaya ang pamamahayag sa Pilipinas." Katunayan, isa sa pinakasupil sa daigdig ang pamamahayag sa Pilipinas. Tampok ang Pilipinas bilang isa sa bansa kung saan pinakamaraming pinapaslang na mga mamamahayag. Nitong mga nagdaang buwan, hindi kukulangin sa limang mamamahayag na ang pinaslang ng pinaghihinalaang tauhan o kasabwat sa militar ng malalaking taong kinalaban ng mga mamamahayag. Tampok rin ang iba�t ibang paraan ng panunupil sa karapatan at kalayaan sa pamamahayag, tulad ng mga pamemresyur ng Malakanyang, ng mga malalaking pulitiko, malalaking negosyante at militar. Sa pakikipagsabwatan sa mga nasa kapangyarihan o dahil sa presyur mula sa kanila, ipinapataw din ng mga kapitalistang may-ari ng kumpanyang masmidya ang �self-censorship� sa kanilang mga reporter, editor at komentarista. Laganap ang pagsasampa ng mga kasong libel sa sinumang mamamahayag na nagsisiwalat ng mga kaso ng katiwalian, panunuba, karahasan at iba pang kabulukan. Talamak din ang tinatawag na �envelopmental journalism� kung saan kalakaran na ang panunuhol nang malaki sa mga mamamahayag para baluktutin ang mga balita at propaganda pabor sa mga nanunuhol.

Sa ilalim ng kasalukuyang bulok na sistema kung saan ang gubyerno ay pinaghaharian ng mga reaksyunaryo at korap na pulitiko, patuloy na kailangang ipaglaban ng mamamayan ang kalayaan sa pamamahayag.

Sa harap ng lahat ng ito, nagpupugay kami sa mga prinsipyadong mamamahayag na puspusang naninindigan para sa mamamayan, laban sa korapsyon at katiwalian sa gubyerno, laban sa pagpapakapapet sa imperyalismong US at pagtataguyod nito ng imperyalistang globalisasyon at armadong panghihimasok ng US sa bansa, laban sa all-out war ng gubyerno at AFP, militarisasyon at mga paglabag sa karapatang-tao at karahasan sa mamamayan. ###

Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.