Home   CPP   NPA   NDF   Ang Bayan   KR Online   Public Info   Publications   Kultura   Specials   Photos  



Recent Releases Recent statements Statements Archives Releases Archives Primers Interviews
    Pilipino
   

Isang pagpupugay kay Jose Burgos, tagapamandila ng kalayaan sa pamamahayag

Gregorio "Ka Roger" Rosal
Spokesperson
Communist Party of the Philippines
Nobyembre 17, 2003

Nais naming ipaabot ang lubos na pakikiramay sa lahat ng kamag-anak, mga kaibigan at dating kasamahan ni Jose Burgos, bantog na pabliser, manunulat at tagapamandila ng kalayaan sa pamamahayag.

Kaisa kami ng lahat ng mga taong-midya na nagdadalamhati sa pagyao ni Jose Burgos.

Hindi matatawaran ang naging mga ambag ni Jose Burgos sa pakikibaka ng mamamayang Pilipino para sa kalayaan sa pamamahayag at laban sa diktadurang Marcos noong dekada 1980.

Kasama ng iba pang bantog na mamamahayag, inilimbag ni Burgos ang "We Forum" at kasunod nito "Ang Pahayagang Malaya" sa kabila ng mahigpit na pagkontrol ni Marcos sa mga pahayagan. Ang mga dyaryong ito ay nagsilbing daluyan ng mapangahas na mga paglalantad sa pasismo, korapsyon at kabulukan ng diktadurang Marcos. Ang paglalabas ng mga pahayagang ito ay matinding ininda ng diktadura. Dahil sa kanilang paninindigan, si Burgos at ang mga kasama niya sa "We Forum" ay ipinakulong ni Marcos.

Sa kabila ng dinanas nilang matinding panunupil, patuloy na binagtas ni Burgos at mga kasama niya ang landas ng kalayaan sa pamamahayag.

Sa pagpanaw ni Jose Burgos, inaalala natin ang kanyang naging ambag sa pagtataguyod sa kalayaan sa pamamahayag, laluna sa kalagayang patuloy na dumaranas ang mga taong-midya ng matinding panunupil at parami nang parami ang nagiging biktima ng pagpatay ng mga abusadong militar, pulitikong warlord at sindikatong kriminal.

Ang halimbawa ni Jose Burgos ay mananatiling isa sa mga inspirasyon ng mga mamamahayag na nagbibigay sa kanila ng tapang at paninindigan para ipaglaban ang kanilang mga karapatan at kalayaan laban sa pang-aapi at panunupil.

Back to top


[ HOME | CPP | NPA |NDF | Ang Bayan | KR Online |Public Info]
[Publications | Specials | Kultura | Photos]

The Philippine Revolution Web Central is maintained by the Information Bureau
of the Communist Party of the Philippines.
Click here to send your feedback.