Ang Bayan Ngayon

Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.

Kampo-militar sa Tarlac, kinalampag; Taytay 2, ilitaw!
June 08, 2023

Kinalampag ng iba’t ibang mga grupo kahapon, Hunyo 7, ang Camp General Servillano A. Aquino sa Tarlac upang igiit ang paglilitaw kina Gene “Bazoo” De Jesus at Dexter Capuyan, dalawang aktibista na dinukot ng pulis at militar sa Taytay, Rizal noong Abril 28. Kasamang nagprotesta ang mga kamag-anak at kaibigan ng dalawa na binansagang Taytay […]

Presyo sa pagbili ng kalabasa sa mga magsasaka, dapat itaas
June 08, 2023

Tone-toneladang kalabasa ang nabubulok sa iba’t ibang bahagi ng bansa dahil sa napakababang presyo ng bilihan nito kada kilo. Sa kasalukuyan, bagsak sa ₱3 ang isang kilo ng kalabasa sa Nueva Ecija at ₱2 kada kilo ang presyo nito sa Cotabato at General Santos City. Isinisisi ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) ang napakababang presyo […]

Ipamahagi ang 625 ektaryang pastuhan sa Isabela, giit ng mga magsasaka
June 07, 2023

Iginigiit ng mga magsasaka at maralita sa Sityo Villa Corazon, Barangay Manano, Mallig, Isabela na ipagkaloob sa kanila ang 625-ektaryang pastuhan na higit 30 taon na nilang binubungkal. Daan-daang magsasakang kasapi ng Timpuyog Dagiti Marigrigat A Residente Ti Villa Corazon ang nakipagdayalogo sa mga upisyal ng lokal na gubyerno noong nakaraang linggo para sa kahingiang […]

Pagbasura sa petisyong makapagpyansa si de Lima, kinundena
June 07, 2023

Umani ng malawakang pagbatikos ang pagbabasura ng korte ngayong Hunyo 7 sa petisyon para piyansa upang pansamantalang makalaya ang dating senador na si Leila de Lima. Ibig sabihin, mananatili siya sa kulungan habang dinidinig ang pangatlo at huling gawa-gawang kaso laban sa kanya. Ang pagtanggi ang pinakahuli sa serye ng panggigipit ng estado sa senador, […]

Mga manggagawang pangkalusugan, tutol sa pagtatalaga kay Herbosa bilang kalihim sa kalusugan
June 07, 2023

Hindi sang-ayon ang mga manggagawang pangkalusugan sa ilalim ng Alliance of Health Workers (AHW) sa pagkakatalaga kay Teodoro “Ted” Herbosa bilang kalihim ng Department of Health (DOH). Anang grupo, isa itong “malinaw na manipestasyon ng lubhang kawalang malasakit ng pangulo sa buhay, kalusugan at kagalingan ng mga manggagawang pangkalusugan at mamamayan.” Tandang-tanda pa umano ng […]

Pagtalaga ni Marcos kina Teodoro at Herbosa bilang kalihim sa depensa at pangkalusugan, inulan ng batikos
June 06, 2023

Mariing pagkundena ang sumalubong sa pagtalaga ni Ferdinand Marco Jr kay Gilbert Teodoro bilang kalihim ng Department of Defense at Teodoro Herbosa sa pinakamataas na pwesto sa Department of Health. Kapwa masama ang rekord ng dalawa, laluna sa paggalang ng mga karapatang-tao. Si Teodoro ay una nang nagsilbing kalihim ng DND mula 2007 hanggang 2009 […]

Palayain ang Mansalay 2, giit ng mga grupo
June 06, 2023

Binuo noong Hunyo 5 ng pamilya, mga kaanak, organisasyon ng mga magsasaka at tagapagtaguyod ng karapatang-tao ang network na ‘Free Mary Joyce Lizada and Arnulfo Aumentado Campaign Network’ para igiit ang kagyat na pagpapalaya kina Lizada at Aumentado na kapwa dinukot ng militar noong Abril 24 sa Mansalay, Oriental Mindoro at kalaunan ay inilitaw ng […]

Mapangwasak na proyektong reklamasyon, tinutulan
June 05, 2023

Inilunsad sa pangunguna ng People’s Network for the Integrity of Coastal Habitats and Ecosystems (People’s NICHE) ang 3rd National People’s Summit Against Reclamation noong Hunyo 3-4 sa Maynila. Kabilang sa mga lumahok sa pagtitipon ang iba pang grupong maka-kalikasan, kasama ang higit 100 mangingisda mula sa iba’t ibang panig ng bansa. Tumampok sa kanilang talakayan […]

Mga welga para sa dagdag-sahod, nagpapatuloy sa UK at US
June 05, 2023

Tumigil ang mga tren sa England noong Hunyo 3 nang ikasa ng 12,000 drayber sa ilalim ng Associated Society of Locomotive Engineers and Firemen (ASLEF) ang 24-oras na welga para sa karampatang kumpensasyon ng kanilang obertaym at mas makataong kundisyon sa paggawa. Umaabot sa 60% ng serbisyong tren ang naparalisa. Pangalawang aksyon na ito ng […]

60 taon ng internasyunal na pakikipagkaisang medikal ng Cuba, ipinagdiwang
June 05, 2023

Ginunita sa Cuba noong huling linggo ng Mayo ang 60 taong pagseserbisyo ng mga duktor na Cuban sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Itinaon ang pagdiriwang sa anibersaryo ng pagpapadala ng Cuba ng mga duktor sa Algeria noong 1963 para tumulong sa pagbangon ng bansa matapos lumaya ito sa kolonyalistang France. Inalala nila ang pahayag […]