Ang Bayan Ngayon

Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.

Maharlika Fund, niratsada sa Senado
May 31, 2023

Inaprubahan na ng mga kaalyadong senador ng rehimeng Marcos madaling araw kanina ang panukala sa pagbubuo ng Maharlika Investment Fund (MIF) na magpapasakamay ng bilyun-bilyong pisong pondo ng bayan sa pamilyang Marcos at kanilang mga kasapakat na pulitiko at negosyante. Minadali ang mga pagdinig rito matapos maanomalyang ideklara ni Ferdinand Marcos Jr bilang “kagyat na […]

Bilanggong pulitikal sa Negros, pinaiimbestigahan ang pagkawala ng anak
May 31, 2023

Nanawagan kahapon ang isang babaeng bilanggong pulitikal sa Negros Occidental sa Commission on Human Rights sa Western Visayas na kagyat na magsagawa ng imbestigasyon sa sapilitang pagkawala ng kanyang anak, kasama ang dalawang drayber ng habal-habal, noong Abril 19 sa bayan ng Hinigaran. Ang tatlo ay unang ibinalitang dinukot ng mga pwersa ng estado at […]

770 magtutubo sa Batangas, nakatanggap ng tulong pampinansya
May 30, 2023

Nakatanggap ng tulong pampinansya ang mga magtutubo sa Batangas na nawalan ng hanapbuhay dahil sa pagsasara ng mayor na asukarera. Ang ayuda na nagmula sa Department of Social Welfare and Development ay inilabas sa tulak ng kinatawan ng Gabriela Women’s Party. Naganap ngayong araw ang pamamahagi ng tulong sa unang bats ng mga magtutubo sa […]

5 sibilyan, 1 hors de combat, sadyang pinatay ng AFP sa loob ng isang araw
May 30, 2023

Dalawang kaso ng pagmasaker at sadyang pagpatay sa mga sibilyan at hors de combat na mga Pulang mandirigma ang naitala sa Negros Occidental noong Mayo 20. Batay sa mga ulat, pinatay ng mga sundalo ang limang sibilyang magsasaka at isang sugatang Pulang mandirigma sa dalawang makahiwalay na insidente. Naitala ang unang kaso sa Sityo Napiluan, […]

Daan-daang OFW na pinagbawalan sa Kuwait, pinababayaan
May 29, 2023

Umabot na sa 815 overseas Filipino workers (OFW) ang naitalang apektado ng bagong patakaran ng bansang Kuwait na pagbabawal matapos ianunsyo ng gubyerno ng naturang bansa ang pagsuspinde nito sa lahat ng tipo ng entry visa para sa mga manggagawang Pilipino. Sa pahayag ng Migrante International, kinukundena nito ang gubyerno ng Kuwait sa pagbabawal nito […]

Tatlong magsasaka, pinatay ng 15th IB
May 29, 2023

Magkakasunod na kaso ng pagpatay ang naitala sa timog na bahagi ng Negros Occidental simula Mayo 21. Walang-awang pinatay ng mga sundalo ng 15th IB na naglulunsad ng operasyong kombat ang tatlong magsasaka sa Sipalay City at Cauayan. Pinagbabaril ng mga sundalo ang magsasakang si Gusting Mapos sa Sityo Bajay, Barangay Caliling, Cauayan, Negros Occidental […]

Proyektong MIADP ng World Bank, banta sa lupang ninuno ng mga Lumad at Moro
May 29, 2023

Inaprubahan ng World Bank noong Mayo 26 ang pautang na $100 milyon (P5.6 bilyon sa palitang P56=$1) para sa Mindanao Inclusive Agriculture Development Project (MIADP). Tulad ng iba nitong proyekto, padudulasin ng MIADP ang pagpasok at kontrol ng dayuhan at lokal na mga kapitalista sa malalawak na lupang ninuno ng Mindanao. Target na sasaklawin nito […]

Boluntir na guro ng mga Lumad, pinarangalan sa Ireland
May 29, 2023

Tumanggap ng parangal sa 2023 Frontline Defenders Award ang guro ng mga Lumad at tagapagtanggol ng karapatan ng mga katutubo na si Teacher Jeany ‘Rose’ Hayahay noong Mayo 26 sa Dublin, Ireland. Ginawaran siya ng Award for Human Rights Defenders at Risk para sa rehiyong Asia-Pacific. Si Hayahay ay kinilala sa kanyang matikas na pagtindig […]

Limos na programang 'food stamp' ni Marcos Jr, insulto sa anakpawis
May 29, 2023

Insulto sa masang anakpawis ang limos na programang ‘food stamp’ na nais ipatupad ng rehimeng Marcos Jr sa bansa, ayon sa Kilusang Magbubukid ng Pilipinas. “Bigyan naman natin ng dignidad ang ating mamamayan. Nagugutom na nga ang karamihan, ituturing pang parang pulubing namamalimos ng pagkain,” pahayag ng grupo. Inianunsyo kamakailan ni Marcos Jr ang planong […]

Sertipikasyong "kagyat" ng panukalang MIF, di dapat sundin
May 28, 2023

“Di konstitusyunal” ang hakbangin ni Ferdinand Marcos Jr na sertipikahang “urgent” ang panukalang Maharlika Investment Fund, ayon kina Atty. Neri Colmenares ng Bayan Muna at Sen. Koko Pimentel. Sa gayon, hindi dapat sundin ng mga senador ang atas ni Marcos na ipasa ito bago magsara ang regular na sesyon ng Senado. Ayon kay Atty. Colmenares, […]