Ang Bayan Ngayon

Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.

Pekeng engkwentro, pantabing ng 94th IB sa sariling kaswalti
October 06, 2021

Para itago ang pagkatalo ng sariling yunit matapos atakehin ng Bagong Hukbong Bayan (BHB), nagpakana ang 94th IB ng isang pekeng engkwentro sa Sityo Lanap, Barangay Buenavista, Himamaylan City noong Oktubre 1 ng hapon. Iniulat ng militar na nakakumpiska ito ng kagamitan ng BHB sa naturang engkwentro. “Walang katotohanan,” ito ang saad ni Ka Dionesio […]

Sa pagsasama-sama, malalabanan ang gutom sa pandemya
October 06, 2021

(Ang sumusunod ay hango sa isang akdang inilathala sa Tilamsik, pangkulturang lathalain ng Partido Komunista ng Pilipinas at Bagong Hukbong Bayan-Camarines Norte, sa isyung Hulyo 2021.) Ipinakita ng karanasan sa isang baryo sa Camarines Norte ang kakayahan ng mamamayan na labanan ang kagutuman na hatid ng pandemya basta’t sama-sama at nagtutulungan. Noong nakaraang taon, nagbuklod […]

Apo ni Marcos, binaha ng batikos ng mga kabataang Cordillera
October 06, 2021

Sabay-sabay na nagpahayag ng mga mensahe ng pagkamuhi at pagbatikos ang mga dumalong estudyante sa isang online na porum sa Cordillera laban sa pamilya ng diktador na si Ferdinand Marcos. Ito ay isinagawa sa webinar o online seminar na inisponsor ng Commission on Higher Education – Cordillera (CHED-CAR) noong Oktubre 5 kung saan panauhin ang […]

Sa World Teachers' Day, mga guro nagprotesta
October 06, 2021

Higit isandaang mga guro at edukador ang nagprotesta sa Mendiola Bridge sa Maynila bilang paggunita sa World Teachers’ Day (Pandaigdigang Araw ng mga Guro) kahapon. Sigaw ng mga gurong nagkakaisa sa ilalim ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) ang limang puntong kahingian para sa pagpapaunlad ng kalunus-lunos na kalagayan ng sektor sa ilalim ng rehimeng […]

Pambobomba, pagbabawal magsaka, utos ng 803rd Brigade sa Northern Samar
October 05, 2021

Tatlong buwan nang nagdurusa ang mga magsasaka ng Northern Samar sa ipinatutupad na patakaran ng 803rd Infantry Brigade na nagbabawal sa mga magbubukid na magsaka sa kanilang lupa. Ang utos ay inilabas ng kumander ng 803rd IBde na si Brig. Gen. Lowell Tan. Ipinataw ang patakarang ito partikular sa mga residente ng Barangay E. Duran, […]

Lupa, di pabahay, ang kailangan ng mga magsasaka
October 05, 2021

“Real estate o agrarian ba ang trabaho ng DAR (Department of Agrarian Reform)?” ang tanong ng isang magsasakang inagawan ng pamilyang Villar ng lupa para  tayuan ng low-cost housing sa Bulacan. Ito ay matapos ianunsyo ng ahensya ang pamamahagi ng mga bahay sa 600,000 magsasaka noong Setyembre 26. Sa pahayag ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) […]

Tagong yaman nina Tugade at Dennis Uy, nabunyag
October 04, 2021

Dalawang Pilipino na ang nabunyag na may itinatagong yaman sa isinapublikong milyun-milyong dokumento na naglalaman ng impormasyon tungkol sa tagong mga kumpanya at ari-arian ng pinakamayayamang negosyante at pulitiko sa buong mundo na tinawag na Pandora Papers. Sa ulat ng Philippine Center for Investigative Journalism, lumitaw ang pangalan ni Department of Transportation Secretary Arthur Tugade […]

Wyeth, iligal at tusong nagtanggal ng 21 manggagawa
October 04, 2021

Galit ang mga manggagawa sa iligal na pagtanggal ng Nestle-Wyeth sa 21 unyonista at regular na manggagawa noong Setyembre 30. Ayon sa mga manggagawa, pinatawag sila sa isang diumanong “team building activity.” Sa pulong na iyon ibinigay sa kanila ng maneydsment ang “notice of redundancy” o pabatid ng pagsisisante sa 21 manggagawa at unyonista. Nakasaad […]

Pilipinas, pinakakulelat na naman!
October 04, 2021

Sa 53 bansa, pinakamahina ang Pilipinas sa paglaban sa pandemyang Covid-19 ayon sa Bloomberg Covid Resilience Ranking na inilabas noong Setyembre 28. Numero uno ang bansa bilang pinakamasamang mapaglalagiang bansa sa panahon ng pandemya. Ito ay matapos ang “tuluy-tuloy na pagsama ng tugon nito sa buong taon ng 2021.” Ang pagraranggo ay isinasagawa ng Bloomberg, […]

Badyet pandigma ng US, lalong pinalaki ng gubyernong Biden
October 03, 2021

Ipinasa noong Setyembre 23 sa Kongreso ng US ang panukalang dambuhalang badyet para sa Pentagon (Department of Defense) para sa 2022. Sa botong 315-113, iginawad ng mga kongresista ang $768 bilyong pondo sa militar nito — mas mataas ng $25 bilyon sa aktwal na hiningi ng presidente ng US na si Joseph Biden. Mayorya o […]