Archive of Enivronment

Permit para sa pagmimina sa South Cotabato, binawi
September 21, 2022

Ipinawalambisa ng upisina ng meyor ng Tampakan, South Cotabato noong Setyembre 13 ang permit na iginawad ng lokal na gubyerno sa Sagittarius Mines Inc. Ayon kay Mayor Leonard Escobilla, napag-alaman ng kanyang upisina na batbat ng panlilinlang at misrepresentasyon ang isinumite nitong paglalarawan sa operasyon ng mina. Ani Escobilla, nakalagay sa aplikasyon nito na isa […]

Alyansa kontra reklamasyon sa Bacolod city, inilunsad
September 16, 2022

Mahigit 80 purok, lider komunidad, taong simbahan at tagapagtaguyod ng karapatang-tao ang nagkaisa upang ilunsad ang Banago Against Reclamation Movement noong Setyembre 10 sa Nuestra Señora de Salvacion Parish sa Barangay Banago, Bacolod City. Ayon sa planong reklamasyon sa Barangay Banago, 274 ektarya ang sasaklawin ng Bacolod Reclamation Gateway Corporation na pagmamay-ari ng konsehal ng […]

Proyektong dam sumisira ng pagkakaisa at kalikasan
September 16, 2022

Naglunsad ng dayalogo ang mga upisyal ng National Commission of Indigenous Peoples at mga katutubong Isnag sa Quezon City noong Setyembre 13 upang pag-usapan ang mga hinaing ng katutubo laban sa nakaambang konstruksyon ng Gened 2 sa Apayao-Abulog River. Inalmahan ng mga Isnag ang pagratsada ng NCIP sa pagproseso ng free, prior and informed consent […]

Tutulan ang mapaminsalang operasyon ng Ipilan Nickel Corp. at iba pang dambuhalang mina sa Palawan!
September 15, 2022 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Palawan | Leona Paragua | Spokesperson |

Kinukundena ng National Democratic Front-Palawan ang nakaambang operasyon ng Ipilan Nickel Corp. (INC) at eksplorasyon ng MacroAsia Mining Corp. (MMC) sa Brooke’s Point dahil umano iginawad na ng mga katutubong Palaw’an ang Free, Prior and Informed Consent (FPIC) sa dalawang kumpanya. Sa pakikipagsabwatan sa National Council for Indigenous Peoples (NCIP) at mga bayarang media, pinalabas […]

Ang mapaminsalang pagmimina at operasyon ng mga plantasyong oil palm ang tunay na dahilan ng pagkawasak ng kagubatan sa Palawan
August 28, 2022 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Palawan | Leona Paragua | Spokesperson |

Isang malaking kalokohan ang pahayag ng kasalukuyang executive director ng Palawan Council for Sustainable Development (PCSD) na si Teodoro Jose Matta na ang pangunahing dahilan ng pagkasaid ng mga kagubatan sa lalawigan ay ang agricultural expansion. Sinabi ito ni Matta sa Palawan Planning Summit noong Agosto 17-19. Itinatanggi at ikinukubli ni Matta at ng PCSD […]

68-anyos tagapagtanggol ng kalikasan, nakalaya na
August 10, 2022

Nakalaya na ngayong araw, Agosto 10, si Daisy Macapanpan, 68-anyos na tagapagtanggol ng kalikasan, matapos ikulong ng dalawang buwan sa gawa-gawang kasong rebelyon. Matatandaang marahas na inaresto ng malaking pwersa ng Philippine National Police (PNP) at Special Action Force (SAF) si Macapanpan sa kanyang bahay sa Pakil, Laguna noong Hunyo 11. Ang pansamantalang paglaya ni […]

Planong pamomomba sa Northern Negros Natural Park, napigilan
August 08, 2022

Nagawang pigilan ng reklamo at apela ng mga residente ang nakatakda sanang pamomomba ng 303rd IBde sa Mt. Mandalagan na sakop ng Barangay Minapasuk, Calatrava, Negros Occidental. Iniulat ito kanina ng lokal na radyo sa bayan ng San Carlos matapos kumpirmahin sa kanila ni Lt. Col. Jjay Javinez ang pag-atras ng naturang plano. Ayon sa […]

Pagtutol sa reklamasyon, ipinarating sa bagong kalihim ng DENR
August 08, 2022

Nagmartsa ang mga grupo ng mangingisda at tagapagtaguyod ng kalikasan tungo sa upisina ng Department of Environment and Natural Resources sa Quezon City noong Agosto 5 upang iparating ang kanilang pagtutol at panawagang pagrepaso sa planong reklamasyon sa Maynila at iba pang bahagi ng bansa. Ayon sa grupo, nais nilang tawagin ang pansin ng ahensya […]

Pamana ng diktadurang Marcos I: Pagkasira ng mga bakawan
August 01, 2022

Ginunita noong Hulyo 26 ang International Day for the Conservation of the Mangrove Ecosystem bilang pagkilala sa natatanging papel ng mga bakawan bilang depensa sa mga sakunang dala ng storm surge, tsunami, pagtaas ng tubig sa karagatan at pagguho ng lupa. Kinilala din sa araw na ito ang malaking papel ng mga bakhawanan sa ekosistemang […]

Pananalasa ng open-pit mining sa Davao Oriental, kinundena ng NDF-SMR
July 16, 2022

Kinundena ng National Democratic Front-Southern Mindanao ang mga kumpanya ng open-pit at malawakang pagmimina, at ang pakikipagsabwatan ng lokal na mga gubyerno sa Davao Oriental sa mga ito, sa isang pahayag na inilabas nito noong Hulyo 12. Ang mga minahang ito ay matatagpuan sa Banaybanay at Mati City. “Sa gitna ng serye ng mga natural […]