Archive of National Minority

Pagbuwag sa protestang kontra-mina sa Palawan, kinundena
October 30, 2023

Kinundena ng mga grupong maka-kalikasan ang pagbuwag sa protesta ng mga grupong kontra-mina sa Barangay Maasin, Brooke’s Point sa Palawan laban sa operasyon ng Ipilan Nickel Corporation (INC) noong Oktubre 25. Nananawagan ang mga nagpuprotesta na kagyat na itigil ang pagmimina at tuluyan na itong isara. Hinaing ng mga grupo, labag ang mga operasyon ng […]

Mamamayang Moro, nagrali sa Maynila at mga syudad sa Mindanao para sa Palestine
October 29, 2023

Nagtipon ang ilandaang Moro sa Luneta Grandstand sa Maynila noong Oktubre 26 para ipahayag ang kanilang suporta sa mamamayang Palestino at tutulan ang nagaganap na henosidyo ng Israel sa Gaza. Ang protestang ito ay bahagi ng serye ng mga pagkilos na isinagawa ng mga Moro sa Marawi, South Cotabato, Tawi-tawi at Sulu. Sa South Cotabato, […]

Blokeyo sa pagkain, nagdulot ng gutom sa 2 barangay sa Quezon
October 27, 2023

Nagdudulot ng malawakang kagutuman at kahirapan ang blokeyong pang-ekonomya na ipinapataw ng mga yunit ng 2nd ID sa mga barangay ng General Nakar, Quezon. Ang blokeyo ay ipinataw ilang linggo mula nang simulan ng 80th IB, 1st IB at Special Action Forces ng pulis ang kanilang operasyong militar sa naturang bayan noon pang Setyembre. Pangunahing […]

Kriminal na pambobomba sa mga sibilyan ng huntang militar ng Myanmar, tumitindi
October 27, 2023

Umabot sa 28 indibidwal, kabilang ang 9 bata, ang namatay sa pambobomba ng huntang militar ng Myanmar sa Mung Lai Hkyet sa Kachin State noong Oktubre 9. Tinamaan ng pambobomba ang lugar na nagsisilbing sentro ng ebakwasyon ng mga pamilya na napalikas sa kani-kanilang mga lugar. Liban sa mga napatay, 60 ang nasugatan at malawakan […]

Organisador ng mga magsasaka sa Quezon, dinukot ng 1st IB
October 20, 2023

Dinukot at iligal na idinetine ng mga sundalo ng 1st IB ang organisador ng mga magsasaka at pambansang minorya na si Reymart Moneda sa Barangay Magsaysay, Infanta, Quezon. Inilitaw siya sa sumunod na araw ng mga sundalo at ipinailalim sa kustodiya ng mga pulis na hindi pa malinaw na mga kaso. Sa isinagawang fact-finding mission […]

Pinaslang ng 24th IB sa Abra, hindi mandirigma ng BHB
October 20, 2023

Pinasubalian ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Abra ang pahayag ng 24th IB na nakapatay ito ng isang myembro ng hukbong bayan noong Oktubre 3 sa isang engkwentro sa hangganan ng Sityo Lamunan, Barangay Gacab, Malibcong at Barangay Ableg, Daguioman sa Abra. Sibilyan, at hindi Pulang mandirigma ang pinatay ng mga sundalo, anito. “Walang nangyaring ‘engkwentro,’” ayon […]

63rd IB, 802nd Brigade at 8th ID, Child Murderer!
October 20, 2023 | New People's Army | Eastern Visayas Regional Operational Command (Efren Martires Command) | NPA-Western Samar (Arnulfo Ortiz Command) |

Kinukundena ng Arnulfo Ortiz Command (AOC-Western Samar) ang 63rd IB na walang awang pumatay sa isang magsasaka na si Ronie Obiado at apo nito na 2-taong gulang na si Intoy sa Sityo Salvacion, San Jose de Buan, Western Samar noong Setyembre 25, 2023. Hindi inireport ng 63rd IB at 8th ID na inistraping nito ang […]

2 summary executions by the AFP in Abra
October 19, 2023 | New People's Army | Ilocos-Cordillera Regional Operational Command (Chadli Molintas Command) | NPA-Abra (Agustin Begnalen Command) | Florencio Baluga | Spokesperson |

In recent weeks the AFP reported that its troops were involved in two ‘encounters’ with the NPA. First was an alleged encounter that occurred at the boundary of Sitio Lamunan, Baay-Licuan and Barangay Ableg, Daguioman on October 3. An NPA from Mindanao was reported as casualty. Second, on October 13-14 media reported that the AFP […]

Hustisya para kay Tandang Agliwan! Itigil ang Okupasyon ng Terorista at Pasistang AFP sa Abra!
October 17, 2023 | New People's Army | Ilocos-Cordillera Regional Operational Command (Chadli Molintas Command) | NPA-Abra (Agustin Begnalen Command) | Florencio Baluga | Spokesperson |

Mga paglabag sa mga Karapatan Pantao. Dito magaling ang terorista at pasistang AFP bilang mersenaryong tropa ng reaksyonaryong gobyerno. Bilang protektor ng Rehimeng US-Marcos Jr at kasapakat ng mga naghaharing uring, sunod-sunod at nagpapatuloy ang mga operasyong militar sa mga kagubatan at nagpapatuloy din ang okupasyon ng mga teroristang sundalo sa mga baryo. Ang bagong […]

Tangkang pagmasaker at panggigipit ng 9th IB, naiulat sa Camarines Norte
October 11, 2023

Iniulat kamakailan ang serye ng sunud-sunod na harasment, intimidasyon at tangkang masaker sa masa ng Camarines Norte sa nagdaang tatlong buwan. Biktima ng karahasang militar ang mga residente at sibilyang populasyon sa mga barangay sa bayan ng Labo at Jose Panganiban sa Camarines Norte. Noong Setyembre 27, isang grupo ng mga katutubo ang tinangkang imasaker […]