Gabi-gabi mula Hulyo 10, nagtitipon ang mga manggagawa at artista ng ABS-CBN sa tarangkahan ng istasyon nito sa Quezon City para magsagawa ng noise barrage laban sa pagtanggi ng Kongreso na bigyan ang kumpanya ng bagong prangkisa. Noong Hulyo 18, nagkaraban ang kanilang mga tagasuporta mula Makati tungo sa istasyon sa Quezon City. Sumabay sa […]
Sa kanyang nalalapit na State of the Nation Address (SONA) sa Hulyo 27, asahan na muling itutulak ni Rodrigo Duterte ang mga hakbanging neoliberal sa ekonomya upang higit pang pigain ang mga Pilipinong subsob na sa hirap sa gitna ng krisis sa ekonomya. Gaya ng pagratsada sa pagpapatupad ng Anti-Terrorism Law, ang mga iskemang ito […]
Ipinagmamayabang ng San Miguel Corporation (SMC) ang kaliwa’t kanang kontribusyon nito sa laban diumano sa pandemyang Covid-19. Pero sa likod ng mapagkawanggawang mukha nito, dala nito’y pang-aapi sa mamamayan sa walang kabusugang pagkakamal ng mas dambuhala pang kita. Habang abala ang tagapangulo nitong si Ramon Ang sa pagbibigay ng donasyon, abala rin ang kanyang mga […]
Tatlong barangay tanod sa Masbate ang dinukot ng mga pulis at sundalo noong hatinggabi ng Hulyo 4 at minasaker sa hangganan ng mga barangay ng Bagacay at Marintoc sa bayan ng Mobo. Pinaslang sina Edgar Mingoy, Marlon Bajar at Rolly de la Cruz sa sumunod na araw at pinalabas na mga kasapi ng Bagong Hukbong […]
Iginiit ng isang dating upisyal ng Korte Suprema na hindi pwedeng ideklarang terorista ang Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) at ang Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa ilalim ng bagong batas na Anti-Terror Act (ATA). Inilahad ni dating Associate Justice Antonio Carpio ang pananaw na ito bilang reaksyon sa sinabi ni Duterte na “terorista ang PKP […]
Noong Hulyo 8, pinahintulutan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases ang pagbubukas ng mga barberya, parlor at salon nang hanggang 50% ng karaniwang kapasidad ng mga ito sa Metro Manila. Kabilang sa mga rekisitong inilatag ng task force ay ang pagrerehistro ng lahat ng kostumer ng mga negosyo gamit ang “contact […]
Isa na namang militaristang hakbang ang utos ni Department of Interior and Local Government Sec. Eduardo Año sa Philippine National Police na “magbahay-bahay” upang hanapin at “hulihin” ang mga nagpositibo sa Covid-19 upang sapilitan silang dalhin sa mga pasilidad pangkwarantina. Ang bagong utos na ito ni Año ay ibayong yuyurak sa mga karapatang sibil. Taliwas […]
Inirekomenda noong Hunyo ng American Academy of Pediatrics, pangunahing samahan ng mga espesyalistang duktor pambata sa US na may 67,000 myembro, na buksan na ang mga eskwelahan at papasukin sa lalong-madaling panahon ang mga bata at kabataan. Naghapag sila ng walong prinsipyo na dapat isaalang-alang para sa ligtas na pagbubukas sa mga eskwelahan sa dokumentong […]
Pinangunahan ng Movement Against Tyranny at Concerned Lawyers for Civil Liberties ang pagtitipon sa tanggapan ng Commission on Human Rights sa Quezon City noong Hulyo 11 laban sa Anti-Terror Act. Kasama ang grupo sa nagsampa sa ika-10 petisyon sa Korte Suprema noong Hulyo 19 para sa pagpapawalambisa sa batas. Noong Hulyo 16, naglabas ng pastoral […]
Tuluy-tuloy na pinalala ng pandemyang Covid-19 ang kagutuman sa mga bansang pinakamatindi ang krisis sa pagkain. Kasabay nito ang paglitaw ng bagong mga sentro ng gutom sa malalaking bansa at hindi ligtas ang mamamayan kahit sa mga imperyalistang bansa. Sa isang pag-aaral ng Oxfam International na inilabas noong Hulyo 9, binigyang pansin nito ang 10 […]