Noon pang Abril, tinaya na ng National Economic Development Authority na babagsak nang hanggang 30% ang remitans ng mga Pilipinong migrante ngayong taon dulot ng pandemyang Covid-19. Ito ay dahil halos kalahati ng mga migranteng Pilipino ay nagtatrabaho sa mga sektor na pinakatinamaan ng mga lockdown sa iba’t ibang bansa. Milyun-milyong migranteng Pilipino ang mawawalan […]
Walang malasakit at paghahanda. Ito ang bwelta ng milyun-milyong magulang at libu-libong guro kay Rodrigo Duterte at kanyang mga upisyal sa edukasyon kaugnay sa ipinipilit nitong “distance learning” sa pasukan. “Alanganin ang pamamaraang online, modular, telebisyon, radyo at laptop kasi di pare-pareho ang kalagayan ng mga pamilya,” ayon sa isang nanay na myembro ng Amihan, […]
Naging mainit ang kumprontasyon sa pagitan ng mga Lumad at mga upisyal ng 88th IB sa isang dayalogo na ginanap noong Hunyo 13 sa Cabanglasan, Bukidnon. Pinalalayas ng mga Lumad dito ang yunit militar dahil sa matagal nilang pananatili at panggigipit sa kanilang mga komunidad. Okupado ng mga sundalo ang mga komunidad ng Eyaray, Lakap, […]
Pinaulanan ng bala ng mga hinihinalang elemento ng 88th IB ang tinutuluyan ni Elita Manlapid, 59, at ng kanyang pamilya, sa gabi ng Hunyo 16. Naging tagapangulo si Manlapid ng balangay ng Kasama-Bukidnon sa San Fernado noong 2013. Makailang ulit siyang “pinasuko” ng AFP bilang kasapi ng Bagong Hukbong Bayan noong 2016 at 2019. Ipinatawag […]
Daanlibong propesyunal at manggagawa sa serbisyo ang patuloy na nagdurusa dahil sa pagpapabaya sa kanila ng rehimeng Duterte sa panahon ng lockdown hanggang sa kasalukuyan. Nawalan sila ng kita nang ipasara ang mga eskwelahan, upisina, sinehan at upisina. Kabilang dito ang 50,000 guro sa mga unibersidad at kolehiyo at 500,000 manggagawa sa edukasyon sa pribadong […]
Isang mahirap, pero mapanghamong gawain sa hukbong bayan ang magbukas ng bagong erya na makikilusan o ang gawaing ekspansyon. Sa Negros, isa sa mga eryang ito ang Niyog, isang baryong medyo nasa liblib na bahagi ng isla. Halos lahat ng mga residente dito ay mahihirap na magsasaka. Ilan ay manggagawang bukid. Nagtatanim sila ng niyog […]
Apat na bats ng pag-aaral sa Batayang Kurso ng Partido (BKP) at isang bats ng pagsasanay sa mga instruktor ng BKP ang inilunsad sa isang prubinsya ng Bikol. “Mas napalalim ng BKP yung kagustuhan ko na sumapi. Natutunan at mas nalinawan ako sa mga ginagawa dito sa hukbo,” ani Ka Troy, isa sa mga estudyante […]
Umabot sa 200 residente mula sa iba’t ibang barangay at komunidad ang dumalo sa kasal ng apat na pares ng magkasintahang Pulang mandirigma sa Bukidnon noong Hunyo 11. Saksi ang mamamayan sa pag-iisang dibdib ng mga kasama sa ilalim ng mga patakaran ng rebolusyonaryong gubyerno at Partido Komunista ng Pilipinas. Sa panahong ito rin inilunsad […]
Libu-libong mamamayang Amerikano ang nagmartsa sa mahigit 100 syudad sa US noong Hunyo 19 upang gunitain ang Juneteenth, araw na itinuturing na upisyal na pagtatapos ng pang-aalipin ng mga puti sa mamamayang Itim sa bansa noong 1865. Karamihan sa mga paggunitang ito ay idinaan sa protesta upang patuloy na igiit ang hustisya sa brutalidad ng […]
Dalawang sibilyan ang pinatay at pito ang iligal na inaresto ng mga elemento ng estado sa nakaraang dalawang linggo. Pinatay sa pamamaril si Harold Tablazan, kagawad ng Sanggunian Kabataan, sa Sityo Passi, Barangay Mayang, Tubungan, Iloilo noong Hunyo 20. Dating aktibo sa Federation of Iloilo Farmers Association si Tablazan at kasalukuyang nagtatrabaho sa isla. Kasamang […]