APAT NA PULIS na nagpanggap na mga empleyado ng Department of Environment and Natural Resources ang tinambangan ng mga Pulang mandirigma sa Sityo Yamot, Barangay Mabato, Ayungon, Negros Oriental noong Hulyo 18. Agad na namatay ang apat sa armadong sagupaan, taliwas sa pinalabas ni Rodrigo Duterte na sila’y tinortyur. Nakumpiska ng BHB ang apat na […]
Walang awat na itinutulak ng rehimeng Duterte ang pagbubukas ng sektor ng agrikultura, kabilang ang mga lupang agrikultural, sa dayuhang pagmamay-ari at pandarambong. Sa kabila nito, patuloy na isinusulong ng mga progresibong kinatawan sa kongreso ang mga repormang pakikinabangan ng mga magsasaka. Ang mga repormang ito ay karugtong ng mga pakikibaka na matagal nang isinusulong […]
NALAGAY SA PANDAIGDIGANG pansin ang Pilipinas nitong nagdaang mga buwan matapos mailista bilang pinakadelikadong bansa para sa mga aktibistang pangkalikasan at pang-apat para sa mga sibilyan. Sa ulat na inilabas noong Hulyo 30 ng Global Witness, isang independyenteng grupong nakabase sa London, inungusan ng Pilipinas ang Brazil bilang numero unong bansa sa dami ng pinaslang […]
Binaril ng mga pwersang panseguridad ng rehimeng Duterte ang mag-asawang kasapi ng organisasyon ng mga magsasaka sa loob ng kanilang tindahan sa Sityo Kasilaan, Barangay Halapitan, San Fernando, Bukidnon noong Agosto 2. Agad na namatay si Guillermo Casas habang nasugatan ang kanyang asawa na si Jocelyn. Ika-sampung biktima na ng ekstrahudisyal na pamamaslang si Guillermo […]
Karugtong ang kamakailang maramihang pagpatay sa Negros ng malagim na Oplan Sauron na naghasik ng teror sa isla mula pa Disyembre 2018. Mula nang ipatupad ito, mahigit 40 sibilyan na ang biktima ng ekstrahudisyal na pamamaslang. Maliban sa mga pinatay, puu-puo ring mga sibilyan ang iligal na inaresto at sinampahan ng gawa-gawang mga kaso. Ang […]
Noong gabi ng Hulyo 25, pinasok ng armadong kalalakihan ang kubo ng pamilyang Ocampo sa Barangay San Jose, Sta. Catalina, Negros Oriental. Binaril at pinatay nila ang isang taong gulang na si Marjon at ang kanyang ama na si Marlon Ocampo na inaakusahan nilang sumusuporta sa Bagong Hukbong Bayan (BHB). Nasugatan dito ang asawa ni […]
Ang mag-asawang Manny at Cynthia Villar, kilala bilang lokal na dinastiya ng Las Pinas, kongresista at kasalukuyang senador ng reaksyunaryong gubyerno, ang may-ari ng Vista Land & Lifescapes na notoryus sa pang-aagaw at pagpapalit-gamit ng libu-libong ektaryang mga sakahan tungong mga subdibisyon (Camella Homes, Lumina Homes) at malalaking mall (Starmalls at Vista Malls). Noong 2008, […]
Sa ikatlong pagkakataon, muling tinukoy ni Rodrigo Duterte ang National Land Use Act (NLUA o batas sa pambansang paggamit ng lupa) bilang prayoridad na panukala ng kanyang rehimen sa kanyang State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo 22. Iginiit ni Duterte na kinakailangan na itong kagyat na ipasa ng Kongreso bago matapos ang taon […]
SIYAM NA ORAS matapos ikasa ang kanilang ng welga noong Agosto 6, matagumpay na natulak ng mga manggagawang kontraktwal ng Monde Nissin Labor Association (MNLA–LIGA) ang maneydsment ng Monde Nissin Corp. na makipagnegosasyon hinggil sa kanilang panawagang regularisasyon. Inilunsad ang welga bilang tugon sa terminasyon ng kontrata ng siyam na manggagawa nito noong nakaraang linggo. […]
Sa ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ni Rodrigo Duterte noong Hulyo 22, naiulat na umabot sa 50,000 ang lumahok sa mga rali laban sa kanya sa mga sentrong lunsod sa buong bansa. Kinundena ng mga raliyista ang sukdulang pagtataksil ni Duterte at ipinanawagan ang pagpapatalsik sa kanya dahil sa kanyang pagsuko sa […]