Iligal na inaresto ng mga operatiba ng militar at pulis ang mag-asawang Rey Claro at Corazon Casambre sa Cavite noong hatinggabi ng Disyembre 6. Si Rey Casambre ay konsultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP). Tahasag nilabag ng pag-aresto ang kanyang karapatan sa ilalim ng Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees sa […]
Ginamit ng AFP ang rekrtument at tauhan ng CAFGU para pagkakitaan. Ito ang ibinunyag ng tagapagsalita ng BHB-Northeast Mindanao Region na si Ariel Montero. Aniya, mayroong mahigit 100 detatsment ng CAFGU sa rehiyon sa kasalukuyan. Liban pa ito sa mga detatsment ng SCAA na nagsisilbing pribadong gwardya ng mga kumpanyang mina at plantasyon. Mayroong humigit-kumulang […]
Ang artikulong ito ay ambag ng mga myembro ng Partido sa rehiyon ng Ilocos-Cordillera sa serye ng Ang Bayan (AB) tungkol sa mga tampok na karanasan sa pagbubuo ng mga sangay ng Partido sa iba’t ibang larangan ng rebolusyonaryong gawain. Nananawagan ang patnugutan ng AB sa iba pang komite ng Partido na mag-ambag sa seryeng […]
Dinakip at sinampahan ng gawa-gawang kasong kidnapping at human trafficking sa Tagum City noong Nobyembre 29 ang 18 mga lider-masa at aktibista sa pangunguna ni dating Bayan Muna Rep. Satur Ocampo at ACT Teachers Party Rep. France Castro. Isang araw bago nito, hinarang, ininteroga at arbitraryong idinetine ng mga elemento ng pulis, 56th IB at […]
Sa pangunguna ng Kilusang Mayo Uno ipinagdiwang ng mga pambansa-demokratikong grupo ang ika-155 Araw ni Andres Bonifacio noong Nobyembre 30. Nagprotesta ang mga progresibong organisasyon at sektor sa paanan ng tulay ng Mendiola sa Maynila para kundenahin ang tahasang pangangayupapa ng rehimeng Duterte sa US at China. Ipinanawagan din nila ang kagyat na pagwawakas sa […]
Nagprotesta sa harap ng Department of National Defense, Camp Aguinaldo, Quezon City noong Disyembre 4 ang grupo sa pangunguna ng BAYAN-Mindanao at Barug Katungod para labanan ang patuloy na pag-iral ng batas militar sa isla na nagdudulot ng paglabag sa karapatang-tao. Samantala, sa isinagawang National Clergy Convocation ng Iglesia Filipina Indipendiente noong Nobyembre 20, naglunsad […]
Mahigit isang linggo nang nakakampo ang may 400 magsasaka ng Buffalo-Tamaraw-Limus (BTL) sa Malaybalay City, Bukidnon. Nagsimula ang kampuhan noong Nobyembre 27 para igiit kay Jose Ma. Zubiri, gubernador ng prubinsya, na ipamahagi na ang 517 ektarya ng lupa na tatlong dekada na nilang sinasaka. Ayon sa pangulo ng BTL, hindi sila aalis sa lugar […]
Ginunita ngayong Disyembre 2-10 ng Communist Party of India-Maoist (CPI-M) ang taunang Linggo ng People’s Liberation Guerilla Army (PLGA). Inilulunsad ang Linggo ng PLGA bilang pag-alala sa tatlong myembro ng Komite Sentral ng CPI-Maoist—sina Seelam Naresh, Nalla Adi Reddy at Yerramreddy Santosh Reddy—na pinaslang ng mga pwersa ng reaksyunaryong estadong Indian noong Disyembre 2, 1999. […]
Higit 300 manggagawa ng Sumitomo Fruits Corporation o Sumifru ang nagtayo ng kampuhan sa Mendiola, Manila noong Nobyembre 27. Tumungo sa Metro Manila ang mga manggagawa para patampukin ang kampanya laban sa kontraktwalisasyon at kahilingan sa kumpanya na kilalanin ang kanilang unyon para makipag kolektibong negosasyon. Naglunsad din sila ng protesta sa harapan ng Department […]
Nagtagumpay ang tatlong buwang welga ng mga manggagawa ng Liwayway Marketing Inc. Workers’ Union (LIWU-ANGLO-KMU) noong Nobyembre 22 matapos humantong sa isang kasunduan ang unyon at maneydsment. Pinirmahan ang kasunduan para ibalik sa trabaho ang higit 40 manggagawang naka-floating status. Ibibigay din sa kanila ang di nabayarang sahod sa panahong nakawelga. Ang mga manggagawa ng […]