Hindi natitinag, bagkus ay matatag na nilabanan ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) at rebolusyonaryong mamamayan sa Zamboanga Peninsula ang tuluy-tuloy na pag-atake ng mga pasistang tropa at mga lokal na espiya ng rehimeng US-Duterte. Ang sumusunod ay ilan sa mga tagumpay nila sa nakaraang anim na buwan (Mayo-Setyembre 2018): Noong Mayo, nagbalak na maglunsad ng […]
Ang artikulong ito ay ambag ng mga myembro ng Partido sa sektor ng kabataan sa serye ng Ang Bayan (AB) tungkol sa mga tampok na karanasan sa pagbubuo ng mga sangay ng Partido sa iba’t ibang larangan ng rebolusyonaryong gawain. Nananawagan ang patnugutan ng AB sa iba pang komite ng Partido na mag-ambag sa seryeng […]
Hinatulan ng Sandiganbayan si Imelda Marcos, asawa ng dating diktador na si Ferdinand Marcos, na nagkasala sa pitong kaso ng anomalya at korapsyon noong Nobyembre 9. Sa kabila nito, hindi siya inaresto at sa halip ay pinayagang magpyansa sa halagang P150,000. Ang desisyon ng Sandiganbayan ay hatol sa sampung isinampang kaso noon pang Disyembre 1991 […]
Sa okasyon ng ika-79 na International Students’ Day (ISD), inilunsad ng iba’t ibang grupong kabataan ang National Students’ Rights Summit 2018 sa upisina ng Commission on Human Rights sa Quezon City noong Nobyembre 17. Dumalo ang higit dalawandaang lider-estudyante mula sa 55 unibersidad at paaralan sa buong bansa. Pinangunahan ng Rise for Education, Kabataan Partylist […]
Ginunita noong Nobyembre 16 ng mga magsasaka ang ika-14 na taon ng masaker sa Hacienda Luisita. Kasabay nito, kinundena nila ang patuloy na panunupil at pagpapahirap sa kanilang hanay sa buong bansa. Nagdaos ng isang misang bayan sa Central Azucarera de Tarlac Gate 1 ang mga sakada ng asyenda at mga progresibong organisasyon bago tumungo […]
Pinangunahan ng Gabriela at Kilusan ng Manggagawang Kababaihan ang isang piket sa harapan ng SM Manila noong Nobyembre 16 para kundenahin ang laganap na implementasyon ng “endo” (end-of-contract) sa naturang kumpanya. Isusulong ng grupo ang pagpapa-imbestiga sa pag-iral ng sistemang konsaynment na ipinatutupad ng SM Retail Inc. Sa ganitong sistema, ang mga konsaynor ang sumasagot […]
Iligan na inaresto ng militar at pulis ang konsultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na si Vicente Ladlad at ang mag-asawang Alberto at Virginia Villamor noong hatinggabi ng Nobyembre 8 sa Doña Tomasa, San Bartolome, Novaliches, Quezon City. Tinamnan ng mga ripleng AK-47, granada at subersibong dokumento ang bahay ng mga biktima […]
Walang-habas ang mga pasistang atake ng rehimeng US-Duterte laban sa mga progresibong pwersa sa Cebu. Sa loob lamang ng apat na araw, naiulat ang marahas na pagbuwag sa isang kampuhan at pag-aresto sa mga manggagawang nagtayo nito, ang pambabastos sa isang babaeng paraligal, ang pagdemolis sa kabahayan ng mahigit 550 pamilya at ang malisyosong pagpaparatang […]
Matapos ang brutal na masaker sa Sagay, target naman ngayon ng 303rd IBde ng Armed Forces of the Philippines na maghasik ng teror sa mga komunidad ng Escalante City kung saan aktibong kumikilos at nakikibaka ang mga magsasaka para sa karapatan sa lupa. Sinalakay ng mahigit 100 sundalo at paramilitar ang Sityo Puting Bato at […]
Noong Oktubre, muling idineklara ng Committee to Protect Journalists, isang internasyunal na organisasyon, ang Pilipinas bilang pangatlo sa pinakamadugong bansa para sa mga mamamahayag. Mula pa 2010, pangatlo ang bansa sa naturang listahan. Malaking bilang sa mga biktima ay mga myembro ng mga rehiyunal o prubinsyal na masmidya na pinaslang dulot ng kanilang pagbabalita ng […]