Dalawang magsasaka ang patay at isa ang sugatan nang walang pakundangang inistraping ng mga elemento ng 23rd IB at CAFGU ang kanilang pinagpapahingahang kubo noong Agosto 5, alas-5 ng umaga, sa Purok 4, Barangay Oro, Esperanza sa Agusan del Sur. Napatay sina Juan Precioso at Kent Montilla at nasugatan si Robert Tambilisan habang nakaligtas sa […]
Pinararangalan ng National Democratic Front (NDF)-Panay at ng buong rebolusyonaryong kilusan ang pitong myembro ng komite sa propaganda at edukasyon ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) sa isla ng Panay. Ang pitong kasama ay brutal na minasaker ng pinagsanib na pwersa ng militar at pulis noong Agosto 15, hatinggabi, sa Barangay Atabay, San Jose, Antique. […]
Bilang ambag sa paggunita sa nalalapit na ika-50 anibersaryo ng Partido, sisimulan ng Ang Bayan (AB) sa isyung ito ang serye ng mga artikulo tungkol sa mga tampok na karanasan sa pagbubuo ng mga sangay ng Partido sa iba’t ibang larangan ng rebolusyonaryong gawain. Nananawagan ang patnugutan ng AB sa lahat na mag-ambag sa seryeng […]
MATAGUMPAY ANG REYD na isinagawa ng mga Pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) laban sa Philippine National Police (PNP) Municipal Station sa bayan ng Lapinig sa Northern Samar noong Agosto 10, ala-1:44 ng madaling-araw. Sa inisyal na mga ulat, nakasamsam ng di bababa sa siyam na armas at iba pang gamit ang mga Pulang […]
Gugunitain ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) ang ika-50 anibersaryo ng pagtatatag nito sa darating na Disyembre 26. Sa mga susunod na buwan, ilunsad natin ang masigla at malawak na kampanya para ipagdiwang ang natamong mga tagumpay ng uring manggagawa at sambayanang Pilipino sa limang dekadang pagsusulong ng mga rebolusyonaryong pakikibaka sa gabay ng Partido. […]
Noong Hulyo 23, inagaw ni Gloria Macapagal-Arroyo, lubos na kinamumuhiang dating presidente ng Republika ng Pilipinas, ang liderato ng Kongreso. Pinatunayan ng pagbabalik niya sa pinakamataas na sirkulo ng reaksyunaryong gubyerno na nananatiling buo at malakas ang kanyang kapangyarihan at impluwensya. Ang gayong poder ni Arroyo ay ipinundar niya sa siyam na taon ng korapsyon […]
Tanda ng hindi malutas-lutas na pandaigdigang kapitalistang krisis, ibayong sumisidhi ang mga tunggalian ng mga kapitalistang bansa. Kasalukuyan nang ipinatutupad ng US ang pagpataw ng mga taripa sa mga produkto ng China na inaangkat nito matapos ang mahabang panahon ng palitan ng mga banta. Hayagan na rin ang girian ng US at European Union at […]
NOONG HULYO 16, nagsagawa ng isang programa ang mga mag-aaral ng Mindanao Interfaith Services Foundation Inc. (MISFI) academy at Center for Lumad Advocacy and Networking, Inc. (CLANS) sa kanilang kampuhan sa harap ng upisina ng Department of Education Region 12 para salubungin ang unang araw ng bagong direktor nito na si Allan G. Farnazo. Kasama […]
DALAWANG BESES NA NAGPROTESTA sa Quezon City Hall ang libu-libong guro na kasapi ng Quezon City Public School Teachers Association (QCPSTA) para igiit ang dagdag na sahod at ibalik ang kanilang alawans na tinanggal sa ilalim ng Joint Circular No. 1 noong 2017. Tatlong libong guro ang nagrali noong Hulyo 6 at noong Hulyo 16, […]
Kumportableng buhay ang pangako ni Duterte sa mamamayan sa unang araw niya bilang pangulo. Nangako rin siya ng kaayusan at kapayapaan sa mga komunidad, gayundin ng trabaho at pabahay sa mahihirap. Malinaw na pagpapaganda niya ito sa mamamayan, lalupa’t mayorya sa mga bumoto at umasa sa kanyang administrasyon ay mga maralita. Makalipas ang dalawang taon, […]