Archive of International

Pakikipagpulong ni Marcos kay Biden sa US, hinabol ng protesta
May 03, 2023

Magkakasunod na protesta ang inilunsad ng mga migranteng Pilipino sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan)-USA para batikusin ang pagpunta ni Ferdinand Marcos Jr sa US at pakikipagpulong niya sa hepe ng imperyalistang US na si Joe Biden mula Abril 30. Magtatagal si Marcos Jr ng apat na araw sa bansa para maglamyerda at ibugaw […]

Agresibong aksyon ng Chinese Coast Guard sa Ayungin Shoal, binatikos
April 29, 2023

Binatikos ng pambansa-demokratikong grupo na Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) ang naiulat na agresibong aksyon ng Chinese Coast Guard laban sa BRP Malapascua, barkong Pilipino, na papunta sa Ayungin Shoal. Ayon sa grupo, “walang kahit anong karapatan ang China na harangin ang akses ng Pilipinas sa sarili nitong exclusive economic zone (EEZ)”, kung saan bahagi ang […]

AFP, humingi ng dagdag na baseng EDCA para sa "proteksyon"
April 29, 2023

Kinumpirma kahapon, Abril 28, ng tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines ang planong dagdagan pa ang siyam nang “lokasyong EDCA” o mga base militar ng US sa bansa. Sa isang panayam, binigyang-katwiran ito ni Col. Medel Aguilar, tagapagsalita ng AFP, sa pagsasabing kailangan ng Pilipinas ng “360-degree” o lahatang-panig na proteksyon. Kabalintunaang panawagan ni […]

Mahigit 100, patay sa karumaldumal ng pambobomba sa Myanmar
April 19, 2023

Nasa 110 ang naitalang patay sa kahindik-hindik na pambobomba ng hunta militar ng Myanmar sa isang pagtitipon ng mamamayang Karen sa Pazi Gyi sa bayan ng Kantbalu, rehiyon ng Sagaing noong Abril 11. Sinundan ang pambobomba ng pang-iistraping ng helikopter na pangkombat, na nagdulot ng dagdag na mga kaswalti sa mga nagsumikap iligtas ang mga […]

Pagbisita ni US President Biden sa Ireland, binatikos
April 15, 2023

Nagprotesta sa Dublin, Ireland ang iba’t ibang grupo kabilang na ang Anti-Imperialist Action Ireland (AIAI) noong Abril 12 kaugnay ng pagbisita ni US President Joe Biden. Ayon sa AIAI, ang pagbisita ng punong hepe ng imperyalistang US ay bahagi ng pagdadawit sa Ireland para maging bahagi ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) at hatakin sa […]

Aerial bombing sa Bastar sa India, binatikos
April 14, 2023

Kinundena ng mga Adivasi (mga katutubong mamamayan) sa distrito ng Bastar sa estado ng Chhattisgarh, India ang panibagong serye ng aerial bombing sa kanilang mga komunidad noong Abril 7. Ayon sa mga ulat ng midya, binomba ang mga komunidad ng Jabbagatta, Meenagatta, Kavargatta at Bhattiguda. Hinihinalang gumamit ang estado ng India ng mga drone para […]

Mga armadong opensiba sa India sa nakaraang 5 taon
April 14, 2023

Nagtasa kamakailan ang Central Military Commission (CMC) ng Communist Party of India-Maoist kaugnay sa mga opensiba ng hukbang bayan sa India laban sa Oplan Samadhan, ang kampanyang panunupil ng reaksyunaryong estadong Indian. Ayon sa CMC, nakapaglunsad ang People’s Liberation Guerilla Army (PLGA), ang armadong hukbo ng CPI-Maoist ng 1,300 taktikla na opensiba sa nakaraang limang […]

Petisyon para ipatigil ang imbestigasyon, ibinasura ng ICC
March 31, 2023

Ibinasura ng International Criminal Court ang pangatlong hiling ng gubyerno ng Pilipinas na isuspinde ang imbestigasyon sa malawakang pamamaslang sa ilalim ng “gera kontra-droga” ng dating pangulong Rodrigo Duterte. Naghapag ang Pilipinas ng mga apela para ipagpaliban o isuspinde ang imbestigasyon una noong Setyembre 2022 at pangalawa noong Enero. Bago ibasura ang pangatlong apela, tinanggihan […]

Tambalang Marcos-Duterte, desperadong iwasan ang kaso sa ICC
March 27, 2023

Desperado na ang tambalang Marcos-Duterte para paatrasin ang kaso laban kay dating presidente Rodrigo Duterte na nakasampa sa International Criminal Court (ICC). Noong Marso 3, nagsampa ng apela ang gubyerno ng Pilipinas, sa pamamagitan ng Office of the Solicitor General (OSG), para pagbawalan ang mga biktima sa huwad na gera kontra-droga at ang Office of […]

Mahabang martsa ng magsasaka laban sa neoliberalismo sa India, nagtagumpay
March 22, 2023

Matagumpay na naigiit ng mga magsasaka mula sa Nahir, India ang kanilang mga hiling laban sa neoliberal na mga patakaran sa agrikultura ng reaksyunaryong estadong Indian. Nagmartsa ang puu-puong libong magsasaka mula sa Nashik sa direksyon ng Mumbai, ang kabisera ng bansa, simula Marso 12 para igiit ang kanilang mga karapatan at kagalingan. Tumigil sila […]